KABANATA 6:
I FINALLY REMEMBER ANYTHING about Letisha Mae Valderama. Every little thing about her, naaalala ko na. Even her feelings. At ngayon, tanggap ko ng ako siya.
Tahimik akong nakatingin kay nanay habang abala siya sa paghahanda ng almusal naming tocino at sinangag. I smiled at the thought of her being my mother. Hindi ko naranasan ang ipagluto ng mommy ko dahil hindi siya marunong magluto. It was always daddy who cooks for us, he is a chef in our own restaurant. Ang totoo, nakakalito itong nararamdaman ko, sometimes I'm Letisha pero kailangan kong maging si Micaella kasi ako naman na talaga si Micaella for almost 21 years. Galing ako kay Mildred, ipinanganak ako ni Mildred ang nanay ko ngayon. Kaya kailangan ituloy ko ang buhay ko bilang si Micaella. Hindi ko nga lang alam kung ano ang mararamdaman ko if ever I crossed paths with someone I know.
"Parang ang lalim pa rin ng iniisip mo, kagabi ka pa ganyan. Hindi ka na nga nakapaghapunan dahil sa sobrang pagod mo e." Inilapag ni nanay ang sinangag sa harap ko.
Kaagad naman akong sumandok doon, "naku 'nay, huwag mo na lang po akong alalahanin. Ayos lang ako!" sagot ko.
Ayaw kong malaman niyang may mga ganito akong nararamdaman. Ayaw kong masaktan siya kapag sinabi kong may dati akong pamilya at isa akong reincarnation ng isang mayamang babae. At saka kahit naman sabihin ko sa kaniya, sigurado naman akong hindi siya maniniwala. Sino bang maniniwala sa akin?
Teka, si Rufert! Kailangan kong sabihin sa kaniya iyong tungkol sa akin. Kailangan malaman niyang ako 'to. Siguro naman maniniwala siya kasi ganito pa rin naman ang itsura ko, walang ipinagbago. Kahit ang katawan ko ay ganoon pa rin, ang ipinagkaiba lang ay ang mga nunal ko. Pati siguro finger prints, iba na.
Matapos mag-almusal, kaagad na nagpaalam ako kay nanay na papasok na ako sa school. Pero hindi pag-aaral ang nasa isip ko habang on the way ako sa eskwelahan. I am thinking about Rufert. I want to talk to him right away para sabihin sa kaniya ang kalagayan ko. Kailangang i-explain ko sa kaniya maging ang maliit na detalye para maintindihan niya ang sitwasyon ko. After all, he was my Rufert. He's the main reason kung bakit tumalon akosa cheating well. Kasi marami akong pangarap with him. He was the unfinished mission that I didn't accomplished.
Waiting for the first subject feels like forever. Nabilang ko na yata ang halos kalahati ng strands ng buhok ko sa kahihintay. Ganoon talaga kapag naghihintay ka ng oras, ang tagal! At nang si Rufert na ang professor namin, halos hindi na ako mapakali.
Ganoon pa rin, he always take a glance on me. Bantay-sarado rin ako ng mga mata niya, para bang iniingatan niyang hindi ako makawala sa paningin niya. Ganoon din ang nararamdaman ko, still the same. The way I love him. The way Letisha love him before is still the same.
His thick eyebrows, iyong kulay light brown niyang mga mata, his curvy lips pati na rin ang magandang pagkakaayos ng buhok niya. He's also tall enough for an ideal man. I believe the reason why he's still single ay dahil hinihintay niya rin ako. We love each other so much and I regret it na ngayon ko lang na-realize ang lahat. Kung bakit ba naman ngayon lang ako naniwala sa mga visions ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya i-a-approach after ng klase niya. Kasi may susunod na subject bukod sa kaniya. Pero dahil desperada na akong makausap siya, kaagad akong tumayo sa upuan ko at saka tumakbo palabas kahit na sinigawan ako ni ako ni Kristel. Masungit kasi ang susunod na teacher namin e.
"Sir, wait!" tawag ko kay Rufert.
Kaagad siyang huminto sa paglalakad at saka ako nilingon. Nangunot ang noo niya, tila ba nagtaka kung bakit ko siya tinawag. Ngayon ko lang tuloy napansin na may wrinkles na rin siya sa gilid ng mga mata. Ang laki nga ng itinanda niya, pero kahit na gano'n gwapo pa rin naman.
"What is it?" he asked.
Napalunok ako. Teka, hindi ko manlang naisip kung paano ko sisimulang sabihin sa kaniya.
"A-ano k-kasi–"
Hindi ko alam ang sasabihin ko!
"May pupuntahan pa akong susunod na klase Miss Reyes, please tell me what is it. Is it that important?" tanong niyang muli.
"P-pwede po ba tayong mag-usap this lunch break, sir? Importante po."
Umawang ang labi niya sa sinabi ko. Sa huli ay napatango na lamang siya at saka bahagyang ngumiti.
"Okay, make sure that what you are going to say is important," he said.
Tumango ako, "opo sir, thank you!"
Tumango rin siya sa akin at kaagad akong tinalikuran. Nakagat ko na lamang ang labi ko dahil bahagya akong nasaktan. While looking at his back, mas lalo ko siyang na-miss. Parang gusto kong tumakbo papunta sa kaniya at yakapin siya nang mahigpit. Pakiramdam ko ay sasabog ako habang tinatanaw ko lamang siyang naglalakad palayo sa akin. Now I wonder, what he went through after I die? Ano kayang naramdaman niya habang tinitingnan niya ako sa kabaong ko noong namatay ako? Nagalit kaya siya sa akin kasi hindi ko natupad ang mga pangako ko sa kaniya?
Napabuntong-hininga na lamang ako at saka tumalikod na rin para bumalik sa classroom. Bago pa ako maiyak, dapat kong isipin ang susunod na klase para hindi ako mapagalitan. Yes, ako nga si Letisha but I am also Micaella now. Hindi ko dapat iyon makalimutan.
I tried my best to focus on the lesson. Mabuti na lang at magaling akong maghiwalay ng personal feelings at ng pag-aaral kasi kung hindi, baka bumagsak ako. Scholar pa man din ako tapos magpapaapekto ako nang dahil lang sa love life. Ang totoo, nahihirapan ako. Kasi ang naaalala ko ngayon ay ang mga pinag-aralan ko sa culinary chef na degree program ko noon. Naaalala ko rin ang mga pinag-aralan ko as BSED major in English. Pero kinakaya ko na lang alisin sa utak ko ang mga pinag-aralan ko noon. Ang hirap pero kakayanin ko ito. Wala naman akong mapagsasabihan ng sitwasyon ko dahil baka sabihan pa akong baliw.
Matapos ang klase, excited akong lumabas ng classroom nang mag-umpisa na ang lunch break. Hindi na kasi ako mapakali, excited na akong masabi sa kaniya ang tungkol sa akin at ang mga nangyari. Sigurado akong hindi siya maniniwala sa una pero alam kong sa huli ay matatanggap niya rin at magiging masaya. Matagal na panahon siyang nangulila sa akin kaya malamang na matutuwa siya.
Kaagad na dumiretso ako sa opisina kung saan naroon si sir. Naroon ang mga head teachers tuwing lunch break, nagsasabay-sabay silang maglunch sa hindi ko malamang dahilan. Ganoon ba talaga? Kailangan sabay sila?
Noong una ay nahihiya pa akong dumungaw sa may pintuan pero mabuti na lang at si Sir na ang kusang lumabas mula sa kwarto.
"Halika habang wala pa ang ibang teachers, mamaya pa sila darating." Binuksan niya ang pinto at pinapasok niya ako.
Kaagad akong pumasok dahil kailangang mabilisan ko lang na masabi sa kaniya. Ayaw ko namang may makarinig sa amin at mapagkamalan akong siraulong may gusto sa professor niya.
"So, what is it?" bungad niya.
Hinarap ko si Rufert at saka siya nginitian.
"This is me, Letisha." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Diretsong sinabi ko na iyon sa kaniya.
Bahagyang kinabahan ang mukha niya. Para bang nagulat din siya sa sinabi ko.
"M-micaella Reyes ang pangalan mo, 'di ba? May second name ka ba?" Hindi nawala ang pagkautal sa boses niya nang tanungin niya iyon.
Agad akong umiling, "hindi. Ang gusto kong sabihin ay ako si Letisha Mae Valderama. I was reincarnated right after I die."
Nangunot ang noo niya, tila ba hindi siya naniwala sa mga sinasabi ko na expected ko naman kasi hindi naman talaga kapani-paniwala sa una. Kaya mas ini-explain ko iyon.
"Okay, right after I die, nagcheat ako. Hindi pa ako handang iwanan ang mga taong naiwan ko rito sa mundo. So, in order for me to finish my unfinished mission specially you, my boyfriend tumakas ako sa purgatoryo para gumawa ng paraan na makabalik muli sa lupa. Unfortunately, hindi ko kaagad naalala ang lahat. Noong una, puro visions lang at–" Natigil ako sa pagsasalita nang putulin niya ako.
"Teka, hindi mo ako maloloko. Saan mo nalaman ang tungkol kay Letisha? Napakaimposible ng mga sinasabi mo. Who would believe such a lie like that?"
"Pero totoo ang mga sinasabi ko, ako talaga si Letisha. Matagal na akong nagkakaroon ng mga visions, déjà vu maging mga panaginip sa kung ano ang mga nangyayari sa akin noon pero lahat ng iyon ay hindi ko pinapansin!"
Nakita kong napalunok siya, unti-unting rumehistro sa mukha niya ang galit. Nakita ko ring kumuyom ang mga kamao niya.
"You're crazy! Not because you look exactly like her, magiging ikaw na siya. Don't fool me, Ms. Micaella Reyes. Hindi ako kakagat sa mga kasinungalingan mo. Now, get out or I else I will report you for being obsessed with your professor," mariing sabi niya.
Nanginig ang labi ko kaya kaagad ko iyong marahang kinagat. "Pero, hindi ako nagsisinungaling. I sacrifice my life just to get back here tapos ganito lang?" my voice cracked.
"Lumabas ka na, Miss Reyes."
"B-believe me, please. . ."
"Get out bago pa malaman ng mga teachers na narito ka."
Napayuko at saka muling bumuntong-hininga. Tumango ako at saka nagmadaling lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Expected ko naman na hindi siya maniniwala kaagad sa akin pero hindi ko in-expect na magiging ganito kasakit ang mararamdaman ko once na hindi siya maniwala. Sobrang sakit na parang dinudurog ang puso ko.
Pinigilan ko ang pag-iyak ko habang naglalakad papunta sa kawalan. Napagkamalan na nga akong baliw at sinungaling ng sarili kong boyfriend, ayaw ko namang pati ang ibang tao ay magsuspetiya sa akin. I need to get out of other people's sight para mailabas ko itong sama ng loob ko. Para maiyak ko itong pinipigilan ko.
I didn't expect that this will happen. Noong tumalon ako sa cheating well, buong akala ko ay magiging maganda ang outcome ng lahat. Akala ko kasi para lang akong patay na milagrong nabuhay pero hindi pala, dahil nabalik pala ako sa umpisa. Napunta ako sa isang kumplikadong sitwasyon.
Pero, ngayon pa ba ako susuko na nandito na ako? No, never! I just need to cry and I will still continue to approach Rufert. Maniniwala rin siya sa akin.
Nang makarating ako sa rooftop, kaagad na tumakbo ako sa may pinakadulo para sana sumigaw pero bago ko pa man magawa, nanlaki na ang mga mata ko nang makita ang isang estudyanteng lalaki ang nakatayo roon sa may dulo ng rooftop. Mukha siyang malungkot at ang itsura niya ay parang wala na siyang pag-asa sa buhay. Mayamaya pa'y akma siyang aakyat sa may harang na naroon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"K-kuya! Kuya hoy, huwag!" Nagmamadaling tumakbo ako palapit sa kaniya. Nilingon niya rin naman ako.
Mabilis na hinawakan ko ang balikat niya.
"Huwag kang tatalon!" sigaw ko kahit na nasa harapan ko na siya.
Kumunot ang noo niya. "Ano bang–"
"Kahit ano pa ang pinagdadaanan mo, hindi ka dapat magpakamatay! Mahalaga ang buhay at hindi mo dapat sinasayang nang dahil lang sa problema. Mas marami pang tao ang nahihirapan at nagdurusa ngayon pero hindi nila piniling kitilin ang sarili mong buhay."
"Teka miss, ano kasi–"
"Kung ano man ang problema mo, pwede mong sabihin sa akin ngayon para naman gumaan ang pakiramdam mo. Alam mo 'yon, hindi naman masamang makipag-usap sa stranger e. Isa pa, hindi ako madaldal. Hindi ko ipagsasabi sa iba ang kung ano man ang sasabihin mo sa akin!"
Inis na inalis niya ang kamay ko sa balikat niya na kaagad ikinalaki ng mga mata ko.
"Ano bang pakialam mo? Wala kang pake sa kung ano man ang ginagawa ko at sa kung ano man ang problema ko! Walang kahit na sino ang makakaintindi sa akin!" inis na sabi niya.
"Kuya, pwede mong sabihin sa akin ang problema mong iyan, maniniwala ako sa'yo basta huwag ka lang tumalon!"
"Hindi ako tatalon! Dudungaw lang sana ako!" iritang sabi niya.