KABANATA 5:

2041 Words
KABANATA 5: HANGGANG KAILAN PA BA ako babagabagin ni Letisha? Kanina lang habang nagkaklase si Professor Rufert, hindi iyong lesson ang naiintindihan ko, kun'di iyong mga bagay na unti-unting pumapasok sa utak ko habang nagkaklase siya. Lahat ng mga ginawa ko raw kasama siya, rumerehistro iyon lahat sa utak ko. Lahat ng visions kung saan kasama ko siya noong bata pa siya at kasing-edad ko. "Mahal na mahal kita, Letisha." Iyan 'yong mga sinabi niyang hindi talaga nagpatahimik sa akin. Hindi ako sa Letisha kasi Micaella ang pangalan ko. Pero hindi ko alam kung bakit parang ako si Letisha. Nararamdaman ko sa sarili ko na ako ay siya. Pero kasi ang hirap paniwalaan. Maski sarili ko ay napag-iisipan ko nang baliw. Sigurado akong kapag sinabi ko ito kahit na kanino, walang maniniwala sa akin at mapagsasabihan pa akong masisiraan ng ulo. Pero sa tingin ko mas masisiraan yata ako ng ulo lalo na at wala akong mapagsabihan ng mga nangyayari sa akin. Kaya pagkatapos ng klase, kaagad na dumiretso ako sa computer shop para mag-internet. Kailangan kong malaman ang sitwasyon kong ito bago pa ako masiraan. Pagkaupo ko sa silya at pagkabukas ng computer, kaagad na pumunta ako sa search at naghanap ng kasagutan sa mga tanong na gusto kong masagot pero hindi ko alam kung sino ang sasagot. Sana lang masagot ni kumareng search bar ang mga katanungan ko. Ilang mga sentences ang sinubukan kong i-search. Hindi ko na nga alam kung ilang sentences na ang nabuo ko mabuo lang sana ang gusto kong malaman hanggang sa may nakita ako roon na nakapukaw ng aking pansin. Reincarnation. Kaagad kong binasa ang definition nito dahil talagang agaw-pansin ito para sa akin. Reincarnation noun The rebirth of a soul in a new body. - a person or animal whom a particular soul is believed to have been reborn. - a new version of something from the past. Nangunot ang noo ko at naalala iyong mga naalala ko kanina lang. Iyong mga naging visions ko. Kung tatansyahin kong maigi iyong mga kagamitang nakita ko roon, parang nasa panahon ng 90's kung saan ang cellphone ay may anthena. Mayroon pa ngang gumagamit ng beeper e. Tapos iyong mga suot nila, talagang pang 90's pa ang dating dahil nakita ko rin ang picture nila nanay noon at kung ano ang mga pormahan nila. Dahil sa pagka-curious, kaagad na nagresearch pa ako ng ibang posibleng kaugnayan sa reincarnation o rebirth. How do I know if I was reincarnated? Kaagad na lumabas ang mga resulta at laking gulat ko nang mabasa ang mga signs. Déjà vu, visions of past, feels like you've done something before but you actually haven't done it yet. You know something that you can't figure out how you knew it. Marami pang ibang kaparehong-kapareho ng mga nararanasan ko. Pero hindi pa rin talaga ako kumbensido, kulang pa rin ang patunay na talagang reincarnation ako ni Letisha Mae Valderama. Kaya dumiretso na ako sa social media account ko at naghanap ng mga groups na pwede kong pagtanungan sa kung ano ba talagang mayroon sa akin. Ang kaso lang, bago pa man ako ma-accept ng group, namatay na ang computer na ni-rent ko dahil tapos na ang oras. Napairap na lamang ako at sinubukang dumukot sa bulsa kung mayroon pa akong barya, ang kaso wala na! Naiinis na lumabas ako sa computer shop, hindi pa rin ako nakontento sa kung ano lang iyong mga nalaman ko tungkol sa akin. Nalilito na ako. Akala ko dati hindi totoo iyong rebirth na 'yan pero ngayong nakakaramdam ako ng ganito, parang unti-unti na akong naniniwala. Ganoon ba talaga kamahal ni Letisha iyong mga naiwan niya sa lupa para tumalon siya sa isang balon na hindi siya sigurado sa kung ano ang kahihinatnan niya? Pero kunsabagay, kung ako rin siya at namatay ako ng maaga, baka ginawa ko rin iyon dahil hindi ko pa tapos ang mga missions ko sa buhay. Papatawid na sana ako sa kalye papunta sa street kung saan ang bahay namin, nang may biglang dumaang kotse sa harapan ko. Kamuntikan pa nga akong masagasaan kahit na nasa pedestrian lane naman ako naglalakad! Parang nagmamadali na ewan! "Ano ba?!" inis na bulyaw ko. Huminto iyong kulay itim na kotse at saka sumilip iyong driver. "Pasensya ka na, iha. Nagmamadali kasi kami e," anang matandang lalaki. Nangunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses ng matandang 'yon, hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko, namiss ko iyong boses na 'yon. Bago pa man ako magsalita, humarurot na muli ang sasakyan. Bahagya akong natigilan sa kinatatayuan ko, umawang ang labi ko at saka unti-unting dumaloy sa memorya ko iyong pamilyar na boses na narinig ko kanina. "Anak, pasensya ka na kung hindi tayo palaging nakakapag-bonding ha? Hayaan mo, sa susunod I will treat you to anywhere you want." Ang sakit. Namalayan ko na lang na naglandas na sa pisngi ko ang mga luha galing sa mata ko. "D-dad. . ." Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasambit ko. Kung hindi pa bumusina nang malakas iyong kasunod na sasakyan, hindi pa ako matatauhan. "Hoy! Umalis ka r'yan! Traffic na nang dahil sa'yo!" sigaw ng driver. Kaagad naman akong nanghingi ng pasensya at saka dali-daling nagpunas ng luha. Patakbong binagtas ko ang tawiran. Tinakbo ko na rin papasok sa street kung saan kami nakatira. Gusto kong makita si nanay, gusto ko siyang mayakap. Sa dinami-rami ng mga nangyari sa buhay namin, kahit na naghirap ako kasama siya, hindi ko kailanman naisipang maghanap ng ibang magulang. Pero kani-kanina lang, pakiramdam ko ay nangulila ako sa ibang parents. Iyong mga magulang na iyon sa vision ko ay isang mayamang pamilya, hindi basta-basta. Hindi ko alam, pero parang mas lalong lumalala itong mga visions ko. Kung noon, mga alaala lang, ngayon pati ang nararamdaman ko ay sinasakop na. Habang tumatakbo ako, alam kong maraming nakatingin sa akin lalo na at umiiyak pa ako. Pero pakialam ba nila? Gusto kong umiyak, wala silang magagawa! Itutulak ko na sana ang pinto ng bahay namin nang mapansin kong naka-lock iyon. Nagmamadaling kinatok ko ang pinto, malakas at sunod-sunod. Gusto ko nang buksan ni nanay ang pinto as in now na! "Ano ba?! Bakit–" Natigilan si nanay nang niyakap ko siya. Mas lalo akong napahagulgol. "A-ano bang nangyayari sa'yo?" tanong niya. Nagpatuloy ako sa pag-iyak, hindi ko masagot si nanay kasi hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Alam kong nag-aalala na siya ngayon. Kahit naman kasi maldita ang nanay ko at parang hindi nagpapakita ng pagmamahal sa akin, alam ko at ramdam kong mahal niya ako. "Micaella! Ano ba?!" reklamo niya. "Nay, kung sakaling makalimutan man kita, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita," sabi ko. Alam kong nabigla si nanay sa sinabi kong iyon. Kasi kahit kailan, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko kasi kailangan kong sabihin sa kaniya bago pa mahuli ang lahat. Iyon ang eksaktong pakiramdam ko na hindi ko mawari kung bakit ko nararamdaman. Is this what Letisha felt after she die? Hinayaan na lang ako ni nanay. For the first time, kahit hindi sinabi ni nanay na mahal niya ako, pinaramdam niya iyon sa akin. Marahan niyang hinaplos ang likuran ko habang patuloy pa rin ako sa paghagulgol. Matapos kong umiyak nang umiyak, pinapasok na ako ni nanay sa loob ng bahay at pinainom ng tubig. Hindi na siya muling nagtanong. Si nanay kasi, alam niya kung kailan siya dapat at hindi dapat magsalita. She respect my feelings kaya ganoon din ako sa kaniya. Kung minsan kasi ay nararamdaman kong malungkot siya pero hindi niya lang sinasabi sa akin. "Gutom ka ba?" tanong ni nanay. Medyo humupa na ang nararamdaman ko kaya siguro sinimulan na niya akong kausapin. "Hindi po 'nay, medyo inaantok lang po ako. Pagod po ako sa school, marami po kasing ginawa," sagot ko. Tumango siya, "sige, matulog ka na muna roon sa kwarto mo. Kapag nagutom ka, labas ka lang at saka ka kumain." Sumang-ayon ako sa suhestiyon ni nanay. Kaagad na dumiretso ako sa kwarto para matulog. Hindi na ako nagbihis ng uniform, basta na lang akong naghubad ng sapatos at saka nahiga sa papag. Buong akala ko ay makakapagpahinga ako nang matiwasay, hindi pala. . . - "Pagka-graduate natin, pwede kayang magpakasal na tayo?" tanong ni Rufert sa akin. Abala ako sa pagsasagot ng homework. Kanina pa siya nagpapapansin sa akin pero hindi ko siya pinapansin kasi gusto kong matapos ko na muna ito bago ko siya kausapin. "Hindi ka talaga titigil hangga't hindi kita papansinin ano?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. He smiled at me, widely. Napakagwapo niya talaga, kaya nga noong niligawan niya ako kahit na study first ang plano ko ay napasagot ako. Sino ba namang hindi kikiligin sa killer smile niya? "Masyado ka naman kasing seryoso r'yan, hindi ba pwedeng ako naman?" he asked. Inirapan ko siya, "kaya nga binibilisan ko na ang ginagawa ko para mapansin na kita." Inalis ko ang atensyon ko sa kaniya at saka nagpatuloy sa pagsusulat. Niyakap niya ako mula sa gilid ko at saka tiningnan ang ginagawa ko. Lalo naman tuloy akong hindi makapagfocus sa ginagawa ko. Ang kulit talaga. "Ako na ang gagawa niyan, sagutin mo lang iyong tanong ko." "Rufert!" reklamo ko. "Babe, hindi Rufert." Napabuntong-hininga ako. Hinayaan ko na lang siyang mangulit nang mangulit dahil matatapos naman na ako sa ginagawa ko. Pero imbes na matapos, binuhat niya ako mula sa pagkakaupo ko sa silya at saka inangat. "Rufert!" "Letisha!" she chuckled. Napangiti na lang din ako nang ilapag niya ako sa malambot niyang kama at saka hinalikan ako sa labi. Napalis lahat ng inis ko dahil sa ginawa niya, kinilig ako sa malambot niyang labing dumampi sa akin. "Pagka-graduate natin, pakasal na tayo?" tanong niya. "Sa tingin mo anong sasabihin nila mommy at daddy kapag ginawa natin 'yon? Hindi sila papayag!" "We'll ask them over and over para mapapayag sila. Hindi pa naman tayo mag-aanak e. Magpapakasal lang muna tayo para magkasama na tayo sa bahay palagi," he grinned. Nanliit ang mga mata ko roon, "parang may inner thoughts ang naririnig?" Tumaas ang kilay niya at saka napangisi. "Wala ah! Baka sa iyo iyang inner thoughts na 'yan babe," he wiggled his brows. Bahagya ko siyang itinulak pero hindi siya nagpadaig sa akin. Hinawakan niya lang din ang bewan ko at muling pinatakan ng halik ang labi ko. "I love you, Letisha." Ngumiti ako nang malapad. "I love you too, babe." - HALOS HINDI AKO MAKAHINGA nang magising ako sa isang panaginip. Iyong panaginip na 'yon, parang totoong-totoo. Buhay na buhay sa utak ko iyong mga nangyari. At itong puso ko, panay ang pagkabog. Hindi ako mapakali. Ramdam ko iyong pagmamahal ko sa kaniya. Totoong minahal ko siya nang sobra. Ako nga ba talaga si Letisha? Bumangon ako sa higaan ko at saka pa lang tuluyang dumaloy sa utak ko ang lahat. Napapikit ako nang mariin, sobrang sakit ng ulo ko habang unti-unting rumerehistro ang mga bagay na dapat kong malaman. Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sakit. Sumisigaw ako, pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. All of her memories, all of what she have done. All of her feelings, I consumed every drop of it. Hanggang sa tumigil ang pagsakit ng ulo ko. Napahinga ako nang maluwag at mabilis na idinilat ang mga mata ko. Now I believed. I am her. I am Letisha Mae Valderama. I was supposed to be reincarnated after hundred years but because I cheated by using the cheating well, nareincarnate kaagad ako. Hindi pa tapos ang misyon ko noon kaya ginusto kong makabalik kaagad sa lupa. I need to talk to professor Marc Rufert Delos Santos. Kaya pala palagi siyang nakatingin sa akin. Kaya pala parang kilalang kilala niya ako at palagi niya akong napapansin ay dahil ako pala si Letisha. Ako pa rin ito, same face, same body but not the same name and family. Nilingon ko ang bintana at napansing umaga na. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa labis na gutom. Oo nga pala, hindi pa pala ako kumakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD