Crush kita

1686 Words
Chapter 7 "Why you're not eating your food? Hindi ba masarap?" Napaangat ang tingin ni Thalia kay Harley nang magsalita ito ilang minuto matapos iserve ng isang waiter ang kanilang dinner. Kasalukuyan niya kasing nilalaro ang kanyang pagkain na hindi niya napapansin. Pinaglalaruan niya ang sauce sa plato niya gamit ang kanyang kutsara "Masarap naman pero ang konti.." Honest niyang sagot. Paano ba naman, tatlong asparagus na gulay lamang iyon at may kaunting cheese sa gilid na denekorahan lamang ng kaunting sauce sa paligid nito. Napataas ang sulok ng labi ni Harley. Hindi nalang niya pinansin ang angking kagwapuhan nito. Hindi niya gusto ang reaksyon ng kanyang katawan kapag pinagmamasdan niya ang kagwapuhang taglay ng binata. Bumibili ang t***k ng kanyang puso at nasisinok siya ng wala sa oras. Nakakahiya talaga kanina nang salubungin siya nito, sininok siya sa labis na pagkamangha niya sa kagwapuhan nito. Mabuti nalang at hindi na nito binigyan ng atensyon masyado ang kanyang naging reaksyon kanina. Kung magtatanong kasi ito ay baka lalo lamang siyang mahiya. "Konti? Malakas ka bang kumain? Bakit parang hindi ka naman overweight?" Medyo napapangiting tanong ni Harley habang nakatingin ito sakanya. Napansin niyang pasimple nitong pinasadahan ng tingin ang katawan niya bago ito tumingin muli ng deretso sa kanyang mga mata Ngunit binalewala niya lang iyon. "Eh kahit sangol hindi mabubusog sa pagkain na ito Sir. Harley. Mabibitin lang ako kaya hindi ko pa sinisimulan kainin" Napangiti na ito ng tuluyan "Sorry. Appetizer palang kasi iyan. And i also thought na health consious ka because of your perfect body shape. Akala ko nagbibilang ka ng calories intake mo.." Sinenyasan nito ang isang waitress na lumapit sa kanilang lamesa Umiling siya. Nararamdaman niya na kasi ang pagkulo ng kanyang sikmura. "Naku Sir Harley. Matakaw ho ako. Hindi uso sa akin ang diet diet na yan. Appetizer palang ho ba ito? Akala ko ito lang ang kakainin natin. Eh isang kutsara lang ang laman ng plato na ito. Pasensya na Sir Harley--" "Baby. You should call me baby. Hindi ba't girlfriend na kita? I feel old whenever you called me Sir Harley. Parang ang tanda tanda ko na sayo" Putol nito sa mahabang explenasyon niya. Nakangiti naman ito kaya alam niyang hindi ito naiinis. Bagkus itinatama lang nito ang paraan ng pagtawag niya rito. Sasagot pa sana siya ngunit nakalapit na ang waitress. "Please hurry the main dish. My girlfriend is hungry. Ayoko siyang nagugutom. Paki-doble ang steak please" Utos nito sa waitress na lumapit sakanila "Okay po Boss Harley!" Nagmadali naman sumunod sa utos ni Harley ang waitress Tama ba ang rinig niya? Steak raw ang main dish na ihahain sakanila? Naku mukhang masarap iyon ha! Weakness niya pa naman ang masasarap na pagkain. Kumulo tuloy bigla ang tiyan niya. Napalingon ang waitress sakanya ng tawagin niya ang atensyon nito "Ay saglit po. Ate, Paki-luto rin po ng husto. Kung pwede lang po? Ayoko po kasi ng may dugo pa. Parang kinagat ko lang kasi ang baka kung hindi luto ang loob po. Salamat po." Nakangiting pahabol niyang utos sa waitress. Narinig niyang mahinang natawa si Harley habang nakikinig sakanya. Napangiti rin ang waitress sakanyang iniutos "Sige po ma'am. 100% Well done po ang steak niyo" Pag-assure nito sakanya bago ito tuluyan bumalik sa kitchen ng hotel "I didn't expect you to be so funny. Wala sa itsura mong mapagbiro ka" Napangiwi siya dahil parang naaliw si Harley sakanya. Pasimple tuloy siyang napatuwid ng pagkakaupo. Mukhang nawawala ang poise niya dahil sa pagiging patay gutom niya ah? Nakakahiya! "Ah-Eh hindi kasi talaga ako sanay kumain ng may dugo dugo pa. Sorry ha? Basta kasi sa pagkain nawawala ang poise ko. Mabuti nalang at tayong dalawa lang ang nandito" Nagpalingon lingon siya sa paligid Silang dalawa lamang ni Harley ang nasa loob ng mini garden na iyon. "Tell me, ano pang gusto mong pagkain? Walang problema sakin kahit kumain ka ng kumain, basta huwag lang sasakit ang tiyan mo sa sobrang kabusugan" Napangiti siya sa sinabi ni Harley. "Talaga? Kahit ano kinakain ko. Huwag lang ganito kaunti? Medyo damihan mo ang serving. Malakas kasi talaga akong kumain eh." Tumawa pa siya bago siya nagsalitang muli -- "Anyway maiba ako ha? Bakit nga pala nirentahan mo ako?" Walang paligoy ligoy na tanong niya kay Harley Unti-unti na kasi siyang nagiging komportable sa harap ng binata. Kahit overflowing parin ang kagwapuhan nito, sa palagay ni Thalia nakakaya naman niyang makipag-usap ng komportable sa taong ito. Mukha lang itong greek God pero mukhang mabuting tao ito at hindi mayabang. Mukhang masarap itong kausap at maging kaibigan. Oh kaibigan lang ha? Wala naman kasing plano talaga si Thalia ang mainlove eh. Teka sino ba nagsabi sakanya na maiinlove siya kay Harley? Masyado yata siyang defensive? Ipinilig niya ang kanyang ulo upang pawiin ang kung ano anong gumugulo sa isip niya. Ah basta! Nagwagwapuhan lang siya sa binatang ito. Iyon lang at wala ng iba pang pahuhuntungan ang atraksyon niyang iyon Napainom ito ng tubig bago nito sinagot ang kanyang deretsahang tanong "Bakit bawal ba?" Imbis sagutin ang tanong niya ay tanong rin ang isinagot nito "Hindi naman. Nagtataka lang ako. Usually kasi ang mga nagiging kliyente ko eh iyong mga lalakeng hindi nagkakanobya." "I'm single kaya walang masama kung maging girlfriend kita--" "Rented girlfriend" Pananama niya sa sinasabi nito. At siya naman ang napainom ng tubig. Nag-iwas siya ng tingin sa mga mata nito. Masyado kasing maganda ang mga mata ng binata. Nakakahipnotismo iyon. Napapabilis ng mga iyon ang t***k ng puso niya. Para kay Thalia, hindi normal ang ganitong reaksyon ng katawan niya. Kakaiba. Hindi naman siya ganito sa mga previous clients niya. "Yeah right. Rented girlfriend. I don't think i should have a reason for that matter. Paano kung crush lang kita talaga?" Mabuti nalang nalunok na ni Thalia ang kanyang iniinom na tubig bago pa man niya marinig ang sinambit ni Harley. Ano raw? Crush siya nito?! Sinasabi na nga ba niya eh! Iyon naman talaga ang kutob niya. Hindi naman sa pagiging ambisyosa pero nararamdaman nga niya na may crush ito sakanya. Sa paraan palang ng pagtingin nito sakanya. Inipit niya ang kanyang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tenga. Namula ang mga pisngi niya dahil sa sinabi nito. "C-Crush mo ako? Kaya ba nirentahan mo ako bilang girlfriend mo? P-Parang impossible namang magkagusto ang isang katulad mo Sir sa isang katulad ko eh" Ngumiti ito. "Wala siguro kayong salamin sa bahay niyo? Or humble ka lang talaga?" Biro nito sakanya kaya lalo siyang kinilig Ay shemay! Oo kinikilig siya. Kaso bawal. Kaya hangat maaari pinipigilan niyang kiligin. Napatikom ang kanyang mga labi upang pigilan niyang mapangiti sa munting kilig na kanyang nararamdaman "E-Eh kasi Sir Harley, sikat na sikat ho kayo. Tapos magbabayad kayo ng limang daang libong piso para lamang maging nobya ako sa loob ng dalawang buwan? Wala naman ho akong gayumang ginamit sainyo. Ano ho bang nagustuhan niyo sa akin?" Tumawa ito ng mahina dahil sa sinabi niya. Pati ang pagtawa nito ay kakaiba ang hatid na kiliti sa katawan ni Thalia. Napaka-sexy ng tunog ng pagtawa ni Harley. Iyon bang parang nakikipagharutan ito at Nakikipaglandian? Hay naku! Basta kakaiba ang tunog ng tawa nito. Masarap iyon sa pandinig ni Thalia kaya napapalunok siya upang pigilan ang kanyang kilig "Crush nga kita. Unang kita ko palang sayo nakuha mo na ang atensyon ko. You look kind and sweet.." Kasing pula na siguro ng kamatis ang buong mukha niya. Kaya pa ba niya? Masyado palang direct to the point ang kliyente niya. Hindi niya kinakaya! "N-Nako Sir Harley pigilan niyo ho iyan ha? Baka mainlove kayo sa beauty ko. Hindi po ako naniniwala sa pag-ibig" Dinaan nalang niya sa biro ang pagkataranta niya. Ininom niyang muli ang natitirang tubig na laman ng kanyang baso. Natataranta siya. Pakiramdam niya kasi ay kasing ganda niya ang mga diyosa! Isang sikat na racer player ba naman kasi ang umamin sakanya na crush siya nito! Kunpirm! Kras nga siya ng idol ni Jayson! Ang sarap magtumbling! Kung hindi lang siya nahihiya ay baka napatumbling na siya sa sobrang tuwa. "Hindi ka naniniwala sa love? Why?" Medyo seryosong tanong nito "E-Eh lahat ho kasi ng lalake manloloko. Ayoko hong matulad sa nanay ko. Pinaasa ng tatay kong Italyano noon, inanakan pero hindi pinanagutan. Mabuti pa tiyahin kong matandang dalaga, walang asawa pero masaya naman ang buhay niya. Plano ko ho talagang tumandang dalaga. Kaya ngayon palang Sir Harley sinasabi ko na saiyo ha? Bawal ho mainlab sakin ha?" Seryoso itong nakatingin sakanya. Hindi niya alam ang iniisip nito. Bumuntong hininga ito pagka-kuwan "Alam mo bang nirentahan kita kasi iniisip kong maiinlove tayo sa isat-isa? To be honest, I'm looking for my future wife. Gusto ko ng magkaroon ng asawa't anak" Deretsang pagtatapat nito ng motibo nito sakanya Nanlaki ang kanyang mga mata. "Ho?! N-Nako Sir Harley pass ako diyan Sir. Hinding hindi ho ako mag-aasawa at ayoko rin magkaroon ng sariling pamilya. Kami palang nga ho ng nanay ko, patong patong na ang problema namin. Ayoko na ho ng sakit sa ulo." Napapangiwing pagtangi niya Napabuntong hininga ito bago napangiti. "If that's the case. Enjoyin nalang natin ang dalawang buwan" Tinignan siya nito ng makahulugan na para bang sinasabi nito sakanya na gagawin nito ang lahat upang mabitag nito ang mailap niyang puso Maaari nga kayang magkaroon ng pag-ibig sa pagitan nila? Kung naghahanap ito ng tunay na pag-ibig at siya naman ay kuntodo ang pag-iwas sa tunay na pagibig? "S-Sige Sir. Mabuti nalang pala at napag-usapan natin. Atleast hindi kana mahuhulog sakin" Napa-smirked si Harley sa sinabi niya. Lalo tuloy itong gumwapo at naging pilyo sa paningin niya. "Let's see" Napalunok siya. Mabuti nalang at dumating na ang mga pagkain nila. Napakaraming pagkain ang isinerve sakanila. Sunod sunod ang pagdating ng mga pag-kain at halos hindi na iyon magkasya sa lamesa nila "T-Tara Sir Harley kain na tayo. Pagkatapos natin kumain idiscuss ko ho sainyo ang rules ng RAG.." Segwey niya dahil nakatingin ito ng diretso sakanya. Para bang iniisip nito kung paano nito makukuha ang isang tulad niya "Okay baby. Eatwell. Mahaba pa ang gabi natin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD