Chapter 6
"O? Saan ang lakad mo?"
Napahinto si Thalia sa tuluyang paglabas ng kanilang bahay nang marinig niya ang boses ni Jayson. As usual nakatambay nanaman ang magaling niyang kaibigan sa tapat ng kanilang bahay. Ka-tropa kasi nito ang ibang kapitbahay nila. Kahit mag-aalasiete palang ng gabi ay heto mga lasing na.
"Edi saan pa? Magtatrabaho" Balewalang sagot niya kay Jayson
"Hanep ang ganda mo ngayon ah?" Nakangising pag-puri ni Jayson sakanya. Nang mapansin nitong extra ang beauty niya.
Paano ba naman hindi magiging extra ang kanyang beauty sa gabing iyon? First day niyang magtatrabaho bilang rented girlfriend ng isang Harley Hoffman. Karapat-dapat lamang na mag-extra siya ng effort sa pagpapaganda. Mahirap na baka mapangitan ito sakanya at bawiin pa ang kontrata nito sakanya
"Araw araw naman akong maganda" Natatawa siya dahil lumalaki pa ang butas ng ilong ng kanyang kaibigan
"Makikipag-date ka sa kliyente mo? Bakit nagpaganda ka ng todo? Baka mainlove yun sayo sige ka katulad nung nangyari noon. Magkakaroon ka nanaman ng stalker"
Natawa siya. Tinakot pa siya ni Jayson. Noong nakaraang kasi ay tuluyang nahulog ang loob ng kliyente niya sakanya. Dinibdib at sineryoso nito ang pagiging rented girlfriend niya. Nainlove ito ng totoo dahil sobrang ganda raw niya at malambing pa.
Tinangihan niya ito dahil wala siyang nararamdaman na kahit ano para sa binatang iyon. Ang pangalan ng lalakeng iyon ay Howel. Na-obsess ito sa kagandahan niya at palagi siyang sinusundan kahit tapos na ang kanilang kontrata. Muntik na siya kidnapin ng Howel na iyon mabuti nalang at naligtas siya ng mga taong nakakita sakanila kaya nakulong ito pansamantala.
"Gwapo ang kliyente ko ngayon. Ayos lang kahit maging stalker ko siya" Biro niya
Nawala naman ang mapang-asar na ngiti ni Jayson sakanya.
"A-Akala ko ba ayaw mong magkaroon ng tunay na karelasyon?"
Natawa siya sa reaksyon ng kanyang kaibigan.
"Sinabi ko bang jojowain ko?"
"Ganoon na rin yun. Kaya pala nagpaganda ka." Kunot nuong sambit nito ngunit ngumisi rin pagkatapos ay inasar nanaman siya
"Pagdarasal ko na mapansin niya na kirat ang mata mo madalas." duktong pa nito. Natatawa nalang siya sa pang-aasar nito.
Lumakad nalang siya sa kanilang eskenita upang makasakay na siya ng taxi patungo sa hotel restaurant na kanilang kakainan ni Harley Hoffman.
"Paano kung ligawan ka? Babastedin mo ba?" Sinundan parin pala siya ng makulit niyang kaibigan hangang sa kanto
"Malamang. Ayokong magboyfriend no. Dahil lahat ng lalake sa mundo manloloko. Sarili ko ngang ama manloloko eh. Idol ko ang Tiyahin ko, hindi nag-asawa kaya tignan mo walang sakit sa ulo.."
"Kahit gaano kagwapo?"
"Oo kahit sinong herodes pa siya. Kahit sino wala akong jojowain. Mamatay akong single"
Napangiti naman si Jayson na para bang nakahinga sa isinagot niya. Ito na mismo ang kumaway sa taxi na papalapit sakanila upang parahin iyon
"Maganda kung ganoon. Tama yan. Huwag kang papasok sa tunay na relasyon hangat hindi ka pa handa." Nakangiti paring sambit ni Jayson
Napapailing nalang siya.
"Hindi ako magiging handa kahit kailan Jay. Naka-kandado tong puso ko. Landi landi lang muna ako pero walang personalan" Nakangiting sambit niya bago siya sumakay sa taxi na nasa harapan nila
Napanganga nalang si Jayson sa sinabi niya.
"Woy bawal kang lumandi--"
"Pwede" Nakangisi niyang sagot dahil naiisip niya na agad ang kanyang gwapong kliyente ngayong gabi.
Sinarado na niya ang pinto ng taxi at sinabihan ang taxi driver na magmaneho na. Iritable naman ang mukha ni Jayson habang nakatanaw sa papalayong taxi na sinasakyan niya
Hindi naman siya manhid. Alam niyang may gusto sakanya si Jayson. Ngunit siyempre ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Parang kapatid lang talaga ang tingin niya sa binata. Wala siyang nararamdaman na kahit ano para dito.
Pasimple niyang inayos ang kanyang buhok. Kinulot niya pa ang dulo ng buhok niya upang lalong mag volumize iyon. Nag-apply rin siya ng light makeup sakanyang mukha. Upang hindi siya magmukhang bata. Kapag wala kasi siyang makeup ay para bang napaka-inosente pa ng kanyang mukha
Ibinaba niya sa kanyang magkabilang balikat ang kanyang suot na off shoulder black dress. Asset niya ang kanyang balikat. Marami ang nakapagsabi sakanya na maganda daw ang mga balikat niya.
Tinernuhan niya iyon ng red sandals at isang maliit na red pouch bag.
Ofcourse mukhang siyang elegante sa suot niya. Simple lamang ngunit elegante. Nais niyang magmukhang desente dahil sa isang sikat na hotel restaurant sila magkikita ni Harley. Inalok pa nga siya nito sa email address niya na susunduin raw siya nito ngunit tumangi siya. Ayaw niyang makita nito ang mga lasengero nilang kapitbahay
Mabuti nalang at hindi na ito nagpumilit pa.
"Ma'am artista ho ba kayo?"
Napatingin si Thalia sa taxi driver ng magtanong ito sakanya. Nahihiyang napangiti siya.
"Naku manong, hindi ho." Tangi niya
"Akala ko ho artista kayo ma'am. Napakaganda niyo ho kasi.." Tila nahihiya ito sakanya at halatang gandang ganda ito sakanyang mukha
Lalo tuloy siyang nahiya. Hindi parin siya nasasanay kahit mula pagkabata pa lang niya ay napupuri na ang kanyang kagandahan.
Salamat nalang talaga sa italian spagetti beauty na nagmula sa genes ng kanyang ama.
"Maraming salamat po" Nahihiyang pasasalamat niya.
"Narito na ho tayo. Mag artista ho kayo ma'am paniguradong sisikat ho kayo" Suwestiyon pa ng matandang driver pagkatapos nitong iparada sa mismong harapan ng hotel ang taxi
Kumuha agad siya ng pera mula sakanyang red pouch bag upang ipangbayad sa taxi driver
"Keep the change ho. Sige po salamat po ulit" Nakangiting pasasalamat niya. Nagkaroon pa tuloy ng extrang bayad si manong dahil natuwa siya sa pamumuri nito sakanya
Nakadagdag iyon sa confidence niya ngayong gabi. Kinakabahan kasi siyang maka-date ang isang Harley Hoffman. Na-pepreasure siya. Sikat na sikat kasi ang binata at napakagwapo pa! Sino ba naman siya upang bayaran nito para lamang maging rented girlfriend nito?
Baka namalikmata lang ito noong nakaraan sa kagandahan niya? Baka kapag tinitigan siya nito ng matagal ay mapagtanto nitong mas marami pa itong nakikilalang mas maganda sakanya?
Naku huwag naman sana!
Sayang rin ang binayad nito sakaniya kung babawiin pa nito ang kontrata nila.
Tuwang tuwa naman ang taxi driver dahil sa kanyang pagiging galante.
Nang maka-baba siya sa taxi ay pasimple niyang inayos ang maiksi niyang damit. Aba siyempre naman, may makinis at bilugan siyang mga hita na isa rin sa mga ipinagmamalaki niyang assets niya kaya inilabas niya talaga iyon sa pamamagitan ng maiksi niyang damit.
Hindi naman siya mukhang cheap dahil nadadala naman niya ng maayos ang kanyang damit. Higit sa lahat maliit lamang siyang babae kaya mas tumatangkad siyang tignan kapag nakalabas ang kanyang mga hita at mga binti.
Huminga siya ng malalim. Napatingala siya sa napakagandang hotel sa kanyang harapan. Mukhang mahigpit ang security ng hotel dahil maraming hotel guards ang nasa harapan. May xray machine pa ang mga bags na ipinapasok sa loob ng hotel. At higit sa lahat naka-red carpet pa ang flooring! Sosyal!
"Good evening ma'am Thalia Hernandez. This way please" Nakangiti siyang sinalubong ng dalawang hotel staff bago pa man siya makapasok sa hotel.
Medyo nabigla siya dahil tila VIP ang turing ng mga ito sakanya dahil yumuko pa ang mga ito ng sabay bilang pag-galang sakanya
Nahihiya siyang magtanong kaya ngumiti nalang siya ng tipid. Nalunok niya yata ang kanyang dila.
Ginabayan siya ng dalawang lalakeng hotel staff papasok ng hotel. Hindi na chineck ang kanyang bag kaya nagtaka siya
"H-Hindi ko po ba ipapasok sa xray yung bag ko--"
"No need ma'am." Nakangiting sambit ng hotel staff sakanya. Napangiwi lang siya at hindi na nagtanong kung bakit.
Pakiramdam niya tuloy ay isang siyang napaka-importanteng tao. Halos lahat kasi ng hotel staff ay yumuyuko sa tuwing nadaraanan niya. Para bang ginagalang siya ng mga ito.
Daig pa niya ang anak ng presidente sa pag-trato ng mga ito.
Nagtataka siya ngunit hindi na niya binalak na magtanong pa. Napapatingin rin tuloy sakanya ang iba pang mga guest ng hotel. Marahil nagtataka ang mga ito sa special treatment sakanya ng hotel
Ginabayan siya ng mga ito hangang sa isang pribadong lugar. Parang mini indoor garden ito ng hotel. Nag-alangan tuloy siyang pumasok sa loob nang pagbuksan siya ng pintuan ng lalakeng gumagabay sakanya
"Ah-eh sa restaurant kami magkikita ni Harley--"
"Nasa loob po si Boss Harley. He's already waiting for you"
Napanganga nalang siya dahil sa sinabi ng hotel staff. Dahan dahan siyang pumasok sa loob ng mini garden. Bahagya siyang natulala sa ganda ng mini garden ngunit mas natulala siya sa lalakeng nakatayo sa bandang dulo. Katabi nito ang isang romantic table na halatang pinasadya nito dahil panay bulaklak sa paligid. Para tuloy silang mag-romantic date ng totoo!
Nakatingin ito sakanya at bahagyang pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuoan.
Tuluyan na niyang nakalimutan ang pagsasalita dahil natulala siya sa kagwapuhan nito.
Lalo na ng maglakad ito palapit sa kinakatayuan niya. Natulala na kasi siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya inaasahan na sobrang gwapo nito. Mas lalo pa yata itong gumwapo kaysa noong huli niya itong nakita.
"Hi baby" Nakangiting bati nito na nagpasinok sakanya kaya napatakip agad siya sa kanyang bibig.
"Hik!" Napatakip siya sa kanya bibig. Nakakahiya! Ngayon pa siya sininok
"Are you okay?"
"Hik! W-Water?" Hingi niya ng tubig dahil napasinok nanaman siya. Bakit ba siya sinisinok sa kagwapuhan nito?
Napangiti ito bago ito kumuha ng isang basong tubig mula sa table. Direderetso niyang ininom iyon.