Chapter 43 "Baby sit?" "Oo besh! Tumawag sakin yung ninang ko kanina. Inaalok ako ng raket eh. Mag-aalaga lang daw ng bata for two weeks lang raw. Stay in need nila for two weeks" Napanguso si Thalia. "Naku pass ako diyan. Kakalabas lang ni nanay sa hospital eh" Naroon sila ngayon sa comedy bar na pinagtatrabahuhan nilang dalawa ni Annie. Break time nila kaya may panahon silang magchikahan habang kumakain sila ng fruit salad na baon nito "That's the point Thalia. Kakalabas lang ng nanay mo sa hospital kaya ikaw agad ang naisip kong irecommend. Malaki kasi ang sahod sa raket na ito eh. Kung wala nga lang akong ibang raket baka ako na ang pumatos rito eh." "Magkano?" Tanong niya habang sinisimot niya ang fruit salad sa tupper wear ni Annie "Tumataginting na fifty thousand lang nama

