Chapter 42 "Thalia?" Napalingon si Thalia sa isang lalakeng lumapit sakanya habang nakatulala siya sa kinaroroonan ni Harley. "Dr.Steve?" Laking gulat niya ng makilala niya ang lalake. Ito ang doctor na tumulong sakanya noon sa US! Isa itong Filipino-American doctor na naging kaibigan nila noon sa US. "Oh God. Ikaw nga yan. Akala ko namamalikmata lang ako! It's nice to see you here at Delfonzo!" Napayakap agad ito sakanya sa sobrang tuwa nito Agad rin naman siyang napangiti dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ito ngayon sa Delfonzo beach. "Dr.Steve anong ginagawa mo rito sa Pilipinas? How are you po?" Magalang na tanong niya pagkatapos ng isang mahigpit na yakap na ipinagkaloob nito sakanya. Walang malisya iyon para sakanya dahil magkaibigan naman sila noon. Ito ang tumulong

