Chapter 41 Naalimpungatan si Thalia nang maramdaman niya ang marahang pagyugyog ni Annie sa kanyang balikat. "Beshie wake up na. It's already eight in the morning! Masusunog na ang balat natin kung tanghali pa tayo magsuswimming!" Dahan dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Halos kakatulog palang niya. Ngunit heto ang makulit niyang kaibigan na nang-gigising sakanya "Ang aga mo naman beshie. Matulog pa tayo." Reklamo niya bago niya ipinikit muli ang kanyang mga mata. Antok na antok pa talaga siya dahil alasingko ng madaling araw na siyang nakatulog kagabi Hindi na kasi nawala sa isip niya si Harley. Hindi tuloy siya nakatulog agad kagabi mula sa kanyang duty. Ala-una lang ng matapos ang duty nila sa restaurant. Mayroon silang room sa likod lang mismo ng restaurant na pinagtatr

