Kabanata 38 Parang gusto ko na lamang maging binge sa mga tukso at hiyawan nila kay Alexander. Sabagay wala nga pala silang alam especially sina Freya at Cassandra na may past kami ni Alexander. And also, sina Violet naman, iniisip nila na okay na ako. Which is true naman. I'm okay. Hindi big deal saakin iyon. Tumayo ako. Sinenyasan ko na lamang sila na may kukunin ako sa loob ng bahay. Malalaki ang hakbang ko na nag tungo sa kitchen at uminom ng tubig. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nag kakaroon pa ako ng pakealam sa narinig ko? Uminom muli ako ng tubig bago sinandal ang dalawang kamay sa tiles. Tumingala ako at pumikit. Kinalma ko ang sarili sa mga naiisip. Ano ba ang pakealam ko na mahal nya si Selena? Damn! "Excuse me.." Halos lumundag ang puso ko at mabilis na hi

