Kabanata 39 "Yes Mom, nareview ko na po lahat.." [That's good Danica, anyway sa Friday na kami uuwi ng Dad mo dyan.] si Mom sa kabilang linya. "Sige po Mom. Ingat kayo ni Dad." Nag paalam na si Mom bago binaba ang tawag. Pabagsak na naupo ako sa kama at napahilamos na lang sa mukha. Bakit ba ako nag pasa ng resume sa Xander University? Tumingin ako sa email na sinend ko sa University na iyon. Naka-attach doon ang resume na ginawa ko. Delivered na at hindi na pwede bawiin. Bakit ba kasi nag paapekto ako sulsol ni Freya! Ngayon parang hindi ako mapakali, iniisip ko paano kung tawagan ako? o makuha? Should I back out? I don't know! May puwang pa rin sa puso ko na gusto mag turo kahit pa kinasuklam ko ang University na iyon. May kumatok sa pinto ko bago binuksan ito. Sumilip a

