Kabanata 1
Drop
Nagtuloy na lang kami pumasok. Sinalubong na kami agad ng ingay at dagundong ng halo halong boses at tugtog.
Agad nabuhayan ang sistema ko, naupo kami sa isang table. May nakahanda na mga inumin. Mukhang engrande ang mangyayaring party ngayon. May mga decoration pa kaya talagang pinag handaan.
"Nakita ko si Ethan sa dancefloor kanina! Grabe ang hot nya talaga!" bulong ni Violet
"Si Ethan?" sya yong sikat na varsity player sa Xander University
Tumango tango ito "Oo but anyway ilang minute na lang mag sisimula na sila mag pa labas ng foam!" tili nya
Kumuha ako ng isang baso ng tequila at ininom. Sanay naman na ako uminom kaya hindi na ako masyado naapektuhan ng mga ganito. "Wag ka masyado mag lalasing ngayon, may pasok pa tayo bukas"
Ngumisi ako "Hindi ako nalalasing Violet trust me"
Nagkibit balikat sya "Okay." Bago lumagok na rin
Habang lumalalim ang dilim ay mas lalo nagiging wild ang mga tao sa dancefloor. Si Violet ay nag sisimula na mag yaya sa dancefloor pero todo hindi ako, hindi pa kasi ako tinatamaan ngayon. Hinihintay kong mahilo ako muna bago ako sumayaw.
"Ang KJ Dani! Halika na dali" ani nya
Biglang may dumating na kakilala ni Violet. Hindi ko sila pinansin, nag enjoy lang ako manuod sa mga sumasayaw na kala mo ay mamamatay na sa sobrang lasing. Napapailing na lang ako.
"Ayaw ko pa umuwi!"
Bumaling ako sa boses ni Violet. May kaharap sya ngayong lalake na mas matangkad pa sakanya.
Napataas ang kilay ko ng hinagod ko sya ng tingin,hindi nababagay ang suot nya formal sa bar. Nag taas ako ng tingin sa mukha nya. Since naka side view lang sya ay tangos ng ilong ang napansin ko at ang napaka perpekto nyang panga.
Napalunok ako ng sinundan nya ng baling si Violet sakin. Ito ba yong boyfriend nya? Napatulala ako saglit. Oh s**t boyfriend nya ba talaga ito?
Tumikhim ito bago naupo sa tabi ko. Umirap si Violet "Pakibantay na lang sya Dani, makikisayaw muna ako hmp!" at umalis
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Iiwan nya sakin yong boyfriend nya. Hindi ko maiwasan lingunin ang boyfriend nya.
I admit ang gwapo..as in sobrang gwapo. Parang nakakalusaw yong tingin nyang seryoso sa kabila ng suot na salamin.
Hindi naman ito umiimik kaya hindi na lang din ako nag salita. Huminga na lang ako ng malalim bago kumuha ulit ng tequila. Hindi ko na lang pinansin ang presensya nya sa tabi ko at binalik tingin sa dancefloor.
Nag vibrate yong phone ko sa bulsa. Napataas ang kilay ko ng makita ang pangalan ni Danver sa screen. Ano naman problema nito at tumawag?
"Hello Danver.."
Katulad ko ay maingay rin ang background, at parehas sa kung nasan ako ngayon. The heck nasa bar lang din sya!
Tumawa sya sa kabilang linya "Pag bibigyan ka namin ngayon na mag lasing Dani!"
Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya
"Huh? FYI mag lalasing ako kung kalian ko gusto!" sigaw ko since both na maingay ang background namin.
Gumulo ang kabilang linya, parang may humugot ng phone kay Danver
"Pwede ka na rin sumayaw sa dancefloor, hindi ka namin isusumbong kay Tito" ani Joe naman. Lasing na ba itong mga ‘to?
Umayos ako ng upo, dumekwatro. Dahil sa upo ko ay mas lalo nakita ang mapuputi kong legs
"Ano ba problema nyong dalawa? Lasing na ba kayo? Saan kayo?" mahirap malasing ang dalawang ito, mamaya nasa headline na naman ulit sila ng newspaper.
Humalakhak silang dalawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Napairap ako, pinag tritripan lang ako nitong dalalawang to
"Ibaba ko na to! Mga baliw"
"Wait Dani hindi ka namin pinag tri-tripan tsk! Ikaw na nga magsabi Danver"
Hindi ko binaba ang tawag pero hindi ko na pinapansin mga pinag sasabi nila sa kabilang linya. Umusog ako sa table para kumuha ulit ng isa pang baso ng tequila.
Oh Tequila, ngayon na lang ata kita matitikman. Natawa ako sa inisip ko, nahawa na rin ako sa kabaliwan nung dalawa.
Lumingon ako sa bartender na kanina ko pa napapansin na tumitingin sakin. Kumindat ito sakin bago nag shake. I bit my lip. Ngumiti ako.
Nawala ako sa focus sa bartender ng pabagsak na nilapag ng katabi ko yong glass nya. Tumaas ang kilay ko, andito pa rin pala boyfriend ni Violet.
Madilim ang mukha nitong nakatingin sa dancefloor. Sinundan ko ang tingin nya, agad ko nakuha ang sagot kung bakit. Nakikipag sayaw lang naman si Violet kay Ethan. Nagseselos sya? Malamang Danica! Girlfriend nya yang nasa dancefloor eh. Martyr din siguro itong boyfriend ni Violet.
"Bakit hindi mo puntahan?" panimula kong tanong habang sumisimsim ng tequila.
Kahit madilim ay nakita ko ang pag kunot ng nuo nya. Sayang gwapo mo pa naman pero martyr ka. Lumingon ako kay Violet, akala ko mabait pero manloloko pala. May naramdaman akong galit bigla. Sumimsim ulit ako ng tequila habang nakamasid pa rin kay Violet na masayang nakikipag- sexy dance kay Ethan.
"I thought she's kind I mean, hindi manloloko. But look, nakikipag sayaw sya sa ibang lalake habang ikaw ay iniwan dito" umiiling iling na sabi ko.
Baliktad na talaga ang mundo ngayon, babae na ang nanloloko ngayon.
Nakita ko ang paglingon nya sakin
“What are you talking about?" matigas sa ingles na sabi nya
Napatampal ako sa noo bago tinungga ang tequila. What the.. bakit ang bilis ko naman ata tamaan ng alak. Nakakaramdam na ako ng hilo pero kaya ko pa naman.
Bumaling na ako sakanyang nakangisi. Kung ano kinagwapo nya nung nakaside view, iyon namang makalaglag..shit sayang na sayang ka!
Salubong ang kilay nya sa kabila ng salamin nyang bumagay sa tangos ng ilong. Bigla ako napahinto ng pasadahan ko sya ngayon ng malapitan. Naka-suit and tie sya, clean cut ang buhok at kita ang authority sa tikas nya
Tinikom ang labi at pumikit sa kung anong pinag sasabi ko. s**t ramdam ko ng sinasapian na talaga ako ng espirito ng alak.
Tumayo ako para dumiretso sa restroom, mag hilamos. Mabuti hindi naman ganon kalakas ang hilo kaya nag lakad na ako papuntang restroom. Pag karating doon ay agad ako nag hilamos.
Tinatamaan na nga siguro ako, kung ano anong papuri na ang sinasabi ko tungkol sa boyfriend ni Violet kahit sa isip ko lang yon. My goodness Danica kailangan mo na umuwi! Kinapa ko ang bulsa para kung andon ang phone ko. Napamura ako ng maalalang naiwan ko sa table yong phone. Great! Hahanapin ko na lang yong dalawa.
Lumabas na ako, mas lalo nagiging wild ang dancefloor. Sana lang wala doon yong dalawa kasi tiyak na mahihirapan akong hanapin sila. Dahil may second floor naman ang bar na ito ay umakyat ako roon. Sa pag akyat ko sa hagdan ay humiyaw ng malakas yong mga sumasayaw sa dancefloor. May nag sasaboy na ng foam! Bigla ako nainggit. Damn! Kailangan ko muna mahanap yong dalawa bago ako makisali sa foam party. Nag patuloy ako umakyat sa taas. Umikot ang paningin ko para mahanap ang dalawa. Hindi naman mahirap hanapin yong dalawa. Basta may makita ka lang maraming babae, nandoon sila.
Si Danver ay may tatlong babaeng nakapaligid, habang si Joe ay apat naman. What? Ano ba to paramihan ng babae? Umirap na lang ako bago nag lakad papunta sakanila. Bago ako nakapunta sa table ng dalawa ay may nadaanan akong isang table na pinag kukumpulan ay may nag hihiyawan, parang tinutukso. Hindi ko n asana papansinin ng narinig ko ang sinisigaw nila.
"Go Herold! Body shot! Body shot!" they chanted.
I froze, may magnet na humihila sakin para tignan ito. Napalunok ako ng makasiksik, nakita ko sila, silang dalawa. Athena at Herold. Nakahiga sa lamesa si Athena habang nakataas ang blouse nito na nag palitaw ng flat na tyan nito, habang si Herold ay nakatayo sa gilid nito habang may hawak ng tequila. Hindi ko alam kung ano expression nito since nakatalikod sya sakin pero wala na akong balak pa alamin dahil iniwan ko ng mabilis ang table na iyon.
Hindi ako tumuloy sa table nina Danver at Joe. Sinunod ko lang kung ano ang gusto ko ngayon. Pinayagan naman nila akong uminom at sumayaw diba? Great! Tamang taman. Dumaan ako sa table na inuupuan ko kanina at dumiretso sa bartender.
" Yong alak ngang nakakawala ng alala" sabi ko agad
"Pwedeng ako na lang Ma'am" tumawa ang bartender. Napamura ako sa isip, oo nga pala type ako nitong bartender na ito. Ngumisi ako ng peke sakanya
"Maybe next time." Bago napawi ang ngisi sa labi ko. Naupo ako habang nakayuko. Hindi mawala wala sakin ang nakita ko kanina. Hindi ko alam na nagpupunta rin pala sya rito? Akala ko libro lang ang hawak nya palagi. I didn't know that he's also a party goer. Oh well, lalake rin naman sya.
"Here's your drink Ma'am. Enjoy! Pero mas mae-enjoy ka sakin" flirt. Napaismid ako bago kinuha ang baso at diretsong ininom ito kahit hindi alam kung anong alak ito. Hell! Gusto ko lang makalimot, makalimot sa nakita ko kanina! Napaigik ako ng may humawak ng kamay ko, tumaas ang kilay ko nang makitang yong bartender iyon na nakangisi sakin. Agad ko hinatak ang kamay ko. Tumawa sya.
"I like it" he chuckled. Tumindig ang balahibo ko sa tawa nya, parang may meaning. Maling sinakyan ko pa ang pag lalandi nya sakin the heck! Nilagok ko ang natitirang alak sa baso bago tumayo. Agad na napahawak ako sa upaun. s**t! Parang umiikot ang paligid. Napatawa na lang ako bago inayos ang sarili. Siningkit ang matang tinignan ang dancefloor. Oh yeah! Lets party and forget them!
Agada ko nakisayaw pag kadating sa dancefloor. Humiyaw kami ng malakas ng mag pasaboy ulit ng foam. Oh yeah! Hindi talaga ako sumasayaw kapag nag b-bar kami. Ngayon lang ang una, atsaka gustong gusto kumembot ng balakang ko. Pinaglaro ko ang kamay sa buhok ko habang sinasabayan ang beat ng tugtog. 'Take me home' pa naman ang pina patugtog kaya talaga mas lalong nag w-wild ang dancefloor. May humawak sa balakang ko na kinaharap ko, ngumisi ako bago kinawit ang kamay sa balikat nya sabay sumayaw sayaw.
"You're so hot. Can I take you home?" bulong ng di ko kilalang lalake. Napahagikgik ako dahil ginaya pa nya ang kanta.
Hinampas ko sya sa dibdib na kinatawa nya. "So naughty huh?" lasing na talaga ako. Nag dadalawa na sa paningin ko itong kasayaw ko. Pumikit ako habang sumasayaw. Nag mulat ako ng mata ng maramdamang may nakatingin sakin. Sinundan ko kung saan galing yon. Napaawang ang labi ko ng makitang galing iyon sa boyfriend ni Violet na ngayon ay proud na nakatayo, may hawak na glass sa kanang kamay. Napalunok ako sa paraan ng tingin nya sakin, winaksi ko ang naiisip ko. Narinig ko ang tili ni Violet sa gilid ko. Napatampal ako sa nuo ko, alright anong klaseng alak ba ang nainum ko at kung ano ano na lang tong naiisip ko.
"Hey.."
Tamad na bumaling ako sa lalakeng kasayaw ko "Hm?" napapikit ako ng nahilo ako. "Woah easy babe.." bulong pa nito. Inalis ko ang kamay kong hawak nya. Sabay tumalikod na, s**t! Dapat hindi ako nag sasayaw ngayong alam kong lasing na ako. Sa pag mulat ko ay parang gusto ko na lang makisayaw ditto sa tinalikuran ko. Si Herold pababa ng hagdan kasama si Athena, seryoso ang mukha nitong nakatingin sa gawi ko. Napatawa na lang ako habang umiiling iling na lang sa mga na-h-hallucinate ko. Impossibleng tapunan ako ni Herold ng tingin. I should go home.
"Hey, we're not yet done babe" sweet na sabi nitong lalakeng kasayaw ko. Hinablot nya ako paharap sakanya. Nag simula na ako mairita sakanya. Manyak pa ata ang nakuha kong kasayaw.
"Sorry, mag hanap ka na lang ng iba. Bye" sabi ko bago tumalikod na at nag lakad na pababa ng dancefloor. Akala ko titigilan na ako ng lalakeng iyon pero hinugot nya ako ulit palapit sa katawan nya. Agad na dumapo ang kamay nya sa butt ko! Nanlaki ang mata ko
"Pervert!" sigaw ko bago sya sinampal. Napatigil ang mga sumasayaw sa gilid namin sa narinig nilang pag lagapak ng palad ko sa pisngi ng manyak na lalake to.
"Pervert? Eh sino ba unang nang akit hah?" nakangisi at manyak na sabi nito bago hinapit ng marahas ang bewang ko sakanya. Agad ko naramdaman ang kanya na kinahalakhak nya.
"BASTOS KA!" sigaw ko na ng malakas na kinatawag na ng atensyon ng lahat. Humigpit pa ang hawak nya sakin na kinaigik ko sa sakit. Nandidilim na ang tingin nya sakin. "Wag kang nag papaakit ng lalake kung hindi mo tatapusin"
Tinulak tulak ko sya, nakakaramdaman na ako ng takot. Nasan na sina Danver at Joe?! Kailang ko sila ngayon. Mabuti na lang may lumapit na isang lalake samin.
"Pre tama na yan, nakakasakit ka na ng babae"ani ng bagong dating na lalake
Pero hindi tumigil yong manyak na lalake dahil hindi nya ako binatawan. "A-ano ba bitawan mo na ako!" nanginginig na sigaw ko sa lalake. Ngayon ko lang napansin na namumula ang mata nito. Napailing iling yong bagong dating na lalake sabay may minuwestra sa iba, bago lumapit na samin para hawakan yong manyak na lalake at alisin ako sakanya.
"Bitawan mo na sya pre ano ba?" nawawala na ng pasensya iyon.
Ngayon ako nag sisi na sumayaw pa ako sa dancefloor. Umikot ang paningin ko. Pinapalibutan na pala kami. Nag salubong ang kilay ko ng makitang may nag v-video pa! Napapikit ako para mag timpi. Sakto namang hinapit nya ako na kinalapit ko sa mukha nya. Nagkakadikit na ang tungki ng ilong namin.
"Kung hindi kita mauwi, kahit mahalikan lang pwede na" nakangising sabi nito na kinalaki ng mata ko. No! first kiss ko yon!
Suminghap ng malakas ang mga nanunuod samin ng isang iglap ay nakahandusay na yong manyak na lalakeng may hawak sakin. Likod pa lang ng lalakeng sumuntok rito ay kilalang kilala ko. Napalunok ako, kahit may sinuntok sya ay ang firm pa rin ng tindig nya. May sumalo sakin sa likod. Si Danver at Joe na sobrang dilim ng mukhang nakatingin sa nakahandusay na manyak na lalake sa sahig. Nag mura pa sila. Dumating na rin si Violet na nag aalala, tinapunan nya ako ng tingin bago nilapitan yong nakatalikod na lalake sakin. Hindi ko alam kung epekto lang ba ng alak ito pero nakalasa ako ng pait.
"Alexander.." tawag ni Violet sakanya.
Alexander..so that is his name
"I'm okay" matigas na sabi nito bago lumingon sakin. May kung ano akong naramdaman kaya nag iwas ako ng tingin. Sinalubong naman ako ng masamang tingin nina Danver at Joe.
"Ano ba ginagawa mo Danica?!" sabi sakin ni Danver. Tinawag na nya akong Danica kaya galit na galit na sya. Bumuntong hininga ako bago pumikit, nahihilo pa rin ako. Inalalayan ako ni Joe papunta sa sofa na inuupuan ko kanina kasama si..Alexander.
"You're drunk!" ani Danver
Kahit nakapikit ay umirap ako. Sila nag sabi na mag lasing ako at sumayaw tapos sila pa ang galit. "Sinunod ko lang sinabi nyo kanina"
Napamura si Danver. Si Joe naman ay tahimik, ganyan yan pag galit..tahimik. Narinig ko na ang boses ni Violet, pinapagalitan nya ang kasama nya. Nagmulat ako ng mata para masigurado na sya nga kasama nya. And I'm right. Boyfriend nya naman yon Danica kaya walang masamang mag kasama sila. Naramdaman kong naupo sila sa harap ko. Nakapikit pa rin ako habang nasa gilid ko si Joe na hinahawi ang buhok ko at si Danver na nakatayo parang tatay ko na nagagalit sakin.
"Nahimasmasan na ba si Dani?" tanong ni Violet
"Nahihilo pa rin yan, kaya iuuwi na lang namin. Hinihintay lang namin dumating yong may ari nitong bar para makausap" medyo nahihimasmasan na sabi ni Danver. Huminga ng malalim si Joe sa gilid ko parang problemado "Malalagot tayo kay Tito nito, say goodbye sa pamana tsk"
Hinampas ko sya kahit nakapikit ako. "Hoy wag mo nga mahampas hampas si Joe dyan Danica, hindi pa tayo tapos mag usap!"
Nagmulat na ako ng mata "Hoy ka rin! Pinayagan nyo ako kaya dapat hindi nyo ako pinapagalitan ngayon"
"Pero hindi naman sa aabot sa punto na yon kanina!" sigaw nito na kinairap ko na lang. Galit na galit ba sila dahil mawawalan sila ng pamana dahil napabayaan nila ako? Oh goodness! Hindi na lang ako umimik baka mag sigawan pa kami.
"Tama na yan, tapos naman na" ani Violet "Aalis ka na Alexander?" nang narinig ko ang tanong na yon ni Violet ay sumilip ako sa nakapikit kong mata. Nakita kong tumayo na si Alexander habang nakatingala si Violet sakanya. Tumango lang ito.
"Alexander brad, Salamat kanina" paunang pasasalamat ni Danver, lumingon sya sa gawi ni Danver sabay tumango bago bumaling sakin, pinikit ko agad ang mata ko. Hindi ko alam pero natatakot akong mag katinginan kami. O baka nahihiya lang ako sakanya. Parang kanina kung sino akong matapang makatanong sakanya about sa panloloko sakanya ni Violet tapos parang Nawala ng biglang bula ang tapang ko kanina at kinailangan ko pa ng tulong nya. Goodness! Nakakahiya ka Danica! Sa boyfriend pa ni Violet.
Bumuntong hininga si Violet "Uuwi na rin pala ako guys, kitakits na lang bukas hah?" lumapit sya samin at isa isang niyakap bago sabay silang naglakad palabas.
Nakahinga ako ng maluwag.
Hinampas ni Danver ng malakas ang sofa "Oh tapos hindi ka pa nag thank you sa boyfriend ni Violet?"
"Oh please patulugin nyo na lang ako" sabi ko
"Hindi ka uuwi ng ganyan Danica. Uminom ka muna ng tubig, Joe hatid mo sya sa restroom at pag hilamos mo. Kakausapin ko lang yong owner" ani Danver bago umalis.
"Ang kulit mo kasi tsk" bulong bulong ni Joe sakin. Inirapan ko lang sya bago tumayo, katulad nga ng sinabi ni Danver ay hinatid ako ni Joe sa restroom para mag ayos ng sarili. What the heck? Gulo gulo pala ang buhok ko? So kanina pa ako mukhang baliw sa gulo ng itsura ko? Napatakip ako ng mukha. Kahiya hiya ka talaga Danica!
Nakauwi naman kami ng maayos, mabuti na lang tulog na pareho sina Mom and Dad kaya malaya akong lantang gulay na umakyat sa hagdan patungo sa kwarto. Kinabukasan ay parang walang nangyari dahil okay naman na saakin si Danver, hindi na sya glit. Si Joe naman ay nang aasar na. Umirap na lang ako sa kaingayan nila. Nauna ako bumaba sa SUV,.
"Nakuha mo yong number nila?" ani Danver. Babae na naman pinag uusapan.
"Oo naman! Ako pa ba? Mamaya baka magkita kami nung isang malaki yong boobs" ani Joe.
Napapikit ako sa mga naririnig ko galing sakanila. Hindi ako sumabay sakanila mag lakad at mamaya sungalngalin ko na sila sa mga sinasabi nila. Malayo pa lang ay nakita ko na si Violet na kumakaway samin sa gate. Tumakbo sya samin.
"Hey! Kamusta? Okay ka na?" tanong nya
"Yup. I'm fine, may hang over lang" sagot ko. Tinitigan ko sya, nag balik sa ala-ala ko yong nangyari kagabi. Umiling ako, kailangan ko na kalimutan yon. Malaking kahihiyan non.
"How about you guys? May hangover din?" tanong nya kina Joe at Danver na naputol sap ag uusap tungkol sa mga babae.
Humalakhak si Joe "We're not WEAK Violet" pag paparinig nito. "Yong feeling strong?" segunda naman ni Danver. Damn! Binilisan ko na lang ng lakad.
Tumawa naman si Violet bago tumabi sakin. Lumapit na rin samin yong dalawa. Umakbay si Danver kay Violet. "Violet pakisabi ulit kay Alexander na salamat sa nangyari kagabi, pakisabi pinapasabi ni Danica. Hindi pa nag pasalamat itong brat na to eh nakakahiya tsk"
Umirap ako sakanya "Will you please shut up your mouth Danver? Mag papasalamat ako sadyang nahihilo lang ako kagabi, pero don't worry mag papasalamat rin ako sa tao pag nakita ko sya"
"Great! Tamang tama andito na sya sa Xander University" masayang sabi ni Violet na kinahinto ko at nilingon ko sya.
"Oh tamang tama pala Danica puntahan na natin!" ani Danver. Tinatawag nya pa rin akong Danica.
"Ano? Ngayon na ba talaga?"
"Oo bakit? Violet asan ba sya ngayon?" tanong nya kay Violet. Umakbay sakin si Joe sabay nag 'lagot' sign sya sakin. Tinanggal ko ang kamay nya tsk! "Wag mo nga ako maakbay akbayan!" tumawa sya "Highblood? Pero lagot ka pa rin" dumila sya sakin at parang batang lumipat sa tabi ni Danver.
"Actually may flag ceremony tayo. Makikita natin sya doon, hinatayin na lang natin matapos bago tayo lumapit"
Ibig sabihin dito nag aaral yong boyfriend nya? Pero nag aaral pa talaga yon? Eh bakit ganon ang suot nya kagabi. Parang kagagaling lang nya sa isang conference meeting. Naputol ang pag iisip ko ng makita ko si Herold mag isa nag lalakad. Masasalubong namin sya, kung dati ay kaya ko pa sya tignan pero ngayon kahit isa hindi ko sya tinapunan ng tingin.
"Hi Pres!" bati nina Joe at Violet.
Nang makaalis ay saka lang ako nag taas ng tingin. "O bakit hindi mo tinignan si Herold?" tanong ni Violet.
"Wala lang" tipid na sabi ko. Malapit na kami sa stage. Andoon na rin yong mga ibang estudyante na nakapila. Since mag kakaparehas lang kaming BEED-II ay mag kakasama kami. Nasa harapan ako nina Violet dahil matatangkad sila. Okay ako na ang maliit.
"Umayos na po tayong lahat, mag sisimula na" ani Omar, nairita na naman ako sa boses nya. Palihim ako umirap. Nag simula na kantahin ang Lupang Hinirang hanggang sa natapos kami sa Mission and Vission ng Xander University. Umakyat ang Director naming sa stage, mukhang may i-aannounce.
Sabi ni Violet andito sya diba? Bakit parang wala sya.
"Good morning kamusta ang bakasyon nyo?" tanong ng Director, sumagot naman ang ilang estudyante. Marami pang sinabi yong director pero wala ako naintindihan dahil may hinihintay akong taong makita. Kailangan ko na mag thank you sakanya tsk, hindi na ako iimikin ng tuluyan ni Danver kapag hindi ako nakapag thank you sakanya.
"Meet your new professor.. Alexander Montemayor!"
Bigla ako nagising at mabilis na hinanap ang stage. Napaawang ang labi ko, hindi ako nag kakamali. A-ano? Tama ba nakikita ko? Suminghap ang grupo ni Omar.
"Hala ang gwapo!"
"Violet si Alexander ba yon?" tanong ni DAnver. Napalingon na ako, nakangiti si Violet na parang sobrang proud ito sa boyfriend nya.
"Tadaah! Ayan, sya ang new Professor natin!" excited na sabi ni Violet.
"Anong subject?" tanong ni Joe
"Physical Science.."
Napalunok na ako ng tuluyan. Doble doble kahihiyan ba talaga to? Magiging Professor pala namin sya at hindi lang yon, doon pa sa subject na mahina ako.? f**k! Kung si Violet ay masayang papasok sa room, baliktad ako. Para akong maiihi bawat hakbang namin sa classroom. Pag kapasok pa lang ay expected ko na pinag uusapan ng mga kaklase ko ang bagong Professor.
"Siomai! Ang gwapo ni Sir! Alam mo yong tingin nya? Parang nakakalusaw ng panty!"
"Oo! Grabe grabe! Ano kaya pakiramdam na makatabi si Sir?"
Todo tahimik ako, pero gusto ko sabihing wag na sila manalangin na makatabi yong bagong Professor na pinapantasyahan nila kasi ako hindi maganda ang nangyari sakin ng nakatabi ko sya. Kahit sabihin pa nating gwapo sya. OO UBOD SYA NG GWAPO! Damn! Napasandal ako sa upuan at napapikit.
I-drop ko na siguro yong subject nya?
—-