Kabanata 2

2669 Words
Pumikit ako at huminga ng malalim. Ilang beses ko na sinasabi sa sarili ko na 'Wala kang pakialam Danica, wala kang pakialam kung makikita mo yong nakausap mo at nag tanggol sayo sa kagagahan mo at wala kang pakialam na PROFESSOR MO SYA!' Mukha akong maayos na nakapikit pero sa isip ko sobra na ako natataranta heck! Napapitlag ako ng kalabitin ako ni Violet "Huy inaantok ka pa rin ba kaya nakapikit ka dyan?" ngumiti ako ng pilit, gusto ng sabihin na dahil ito sa boyfriend mo! "Huh? Wala iniisp ko lang kung ano sasalihan kong club mamaya.." palusot ko pero half ay totoo. Ang totoo ay hindi lang naman tungkol sa kahihiyan ko bakit ko iniisip yong bagong professor namin, Ito ay dahil sa gusto kong salihan..yong SSG. "Wala pa ako naiisip pero gusto ko sumali sa Performance Club since hilig ko sumayaw.. diba kagabi?" tumawa ito. "Baka mag Math Club na lang kami ni Danver" sabay naman ni Joe sa likod namin. As usual busy sila mag laro ng Mobile Legends "Bobo gumamit ng Lesley tangina, walang ka-damage damage!" angil ni Danver habang ang atensyon ay nasa nilalaro pa rin nila. Umirap na lang ako at binalik ang tingin sa harap. "Ang tagal naman ni Alexander tsk!" ani Violet sa boyfriend nya. SSG ang gusto ko salihan dahil... andon si Herold. Oo na ako na ang papansin pero duh may alam din ako sa leadership. Actually sumasaki ako sa mga leadership programs nila, naranasan ko na rin maging facilitator sa mga nag-tra-training. Kailangan kasi sa screening malinis.. I mean malinis ang records like walang ganon... ganon sa ginawa ko kagabi sa bar. Okay lang na kami kami lang ang nakakita pero mahirap kapag professor na ang nakakita sa actions mo. Ang worng timing mo mag wala Danica. "s**t na malagkit!" mura ni Omar ang nag pagising samin. Automatic na dumako ang paningin ko sa pintuan. Kaya pala napamura si Onar, andyan na yong bago naming professor. "What the— hindi pa tayo tapos mag laro!" bulong ni Joe. Nag dabog naman si Danver. Hindi ko sila pinansin dahil nakatuon ako sa taong nakatayo sa harapan. Napalunoj ako, kita kita mo talaga ang authority sa tikas nya. Kung gaano kaseryoso ang awra nya kagabi sa bar, iyon naman ang kinahigit ngayong nasa harapan namin sya. Halos lahat ata ng mga kaklase ko nakatilala sakanya. Narinig ko naman ang hagikgik ni Violet sa gildi ko, oo nga pala yong girlfriend andito. Nabasag lang ang katahimikan ng mag taas ng kamay si Omar. "S-sir.. ano po pangalan nyo?@ halos gusto kong batukan si Omar sa tinanong nya. Napag hahalataang nag papapansin, hindi ba nya narinig yong pangalan kanina? Bumalik ang tingin ko sa professor namin. Ano ba dapat itawag ko sakanya? Sir? s**t after ng mga ginawa ko kagabi. Tumikhim ito bago nag salita. "I'm your professor in Physical Science. Alexander Montemayor" Nakatulala pa rin mga kaklase ko sakanya. Tumatawa naman sa gilid ko si Violet, nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Tumaas naman ang kamay nito "Sorry I cannot.." bago tumawa ulit ng mahina. Umirap na ako sakanya "Bakit mo pinag tatawanan yong boyfriend mo?" Napahinto naman ito sa pag tawa, kumunot ang nuo "Sinong boyfriend ko?" "Duh, si.." Ah tatawagin ko ba syang Sir? Malamang Danica! "Si Sir Alexander!" sabi ko sakanyang nakataas ang kilay. Kunot nuo pa rin sya pero maya maya ay napakagat ito ng labi bago tumawa ng malakas. Nanlaki ang mata ko sa tawag atensyon nyang tawa. Tumingin ako sa harapan, tama akong nakatingin na sila saamin. Lalo na si ah.. Alexander. Wala pa rin nag bago sa ekspresyon nito. Nananatili pa ring seryoso. "Is there something you two need to share?" seryosong sabi nya saamin. Huminto ang tingin nya saakin. Para akong tinakbuhan ng dila, hindi ko alam ano sasabihin. Gusto ko na lang pumikit at manalig na lamunin na ako ng lupa. Lalo na at naririnig ko yong bulong nina Danver at Joes sa likod namin. "Na-first blood tuloy." ani nila. Hindi ko alam ano meaning non pero nakadagdag lang sila sa pag papahiya samin! Bwisit kayo, mamaya lang kayong dalawa. "Sorry Alex— Sir Alexander pfft.." gusto ko na batukan si Violet dahil natatawa pa rin sya. Kung sya hindi nahihiya pwes ako first time ko maramdaman ang hiya! Lalo na sa isang Professor. Dumagdag pa yong mga kaklase ko na nakatingin samin na akala mo karumal dumal yong ginawa namin, gustong gusto ko na sila irapan pero hindi ngayon, hindi sa harapan ni Alexander. Mamaya double na records ko sakanya. "Start introducing yourself Miss.. beside Miss Violet." Napamura ako ng malutong sa isip ko. Bakit saakin pa mag uumpisa? Tsk sinamaan ko na lang tingin si Violet na nakangisi sa gilid ko. Tumayo na ako at hinarap sila. Iniwas ko ang tingin ko kay Alexander na diretsong nakatitig sakin. Huminga muna ako ng malalim "I'm Danica Lladones. 19 years old. I live in Max Village. Reading is my hobby..ahm that's all S-sir" "Who's your live in?" Is he asking me? "Po?" "Who's your live in partner?" Huh? Paano napasok ang live in sa pag papakilala ko? Nag sisimula na ako mairita dahil sa tagal ko atang nakatayo at pinag pye-pyestahan ng mga estudyante. Yong iba gusto na matawa. f**k! Gusto ko na sila irapan! "Sit down" he said bago tumalikod at bumalik sa harapan "Class always remember na hindi 'in' ang ginagamit sa 'I live in..' its 'at' Inshort 'I live at..' because if you use 'in' its like you introducing yourself having a live in partner. Understood?" he explained "Yes Sir!" they answered Pabagsak akong naupo sa nangyari. Parang gusto ko na talaga mag palamin sa lupa. What the f**k! Ilang beses ba ako mapapahiya sa harapan nya? And I didn't know na mali gumamit ng 'in' so all this time mali mali pala ako mag pakilala? Sino ba naging teacher ko dati. I better talk to them. "Are you okay Dan?" Violet whispered "You think I am? Tsk naiinis na ako sa boyfriend mo" sabi ko. Humagikgik naman ito. "Actually he's not my boyfriend Dan.." "I have an urgent meeting today so I need your profile, I want you all to write your name, address, number in a 1/8 white index card. Ibigay nyo sa President nyo and submit it to me at my office after lunch. Goodbye" seryoso pa ring sabi nito kahit panay ang tingin sa phone nya. Huh? Yun na yon? Bakit ako lang ang nag pakilala! That's unfair. "Yes Sir!" tuwang tuwa na sabi ni Omar. Umalis na si Alexander ng humarap samin si Omar. "O narinig nyo yon? Ibigay nyo sakin! Mabuti pang mag lagay na rin tayo ng picture sa gilid okay?" Kinalabit ako ni Joe sa likod "Na-double kill ka ah! Hahaha" dumagdag pa si Danver "Sino ba kasi teacher mo nung elementary?" natatawa ring sabi nito. Umirap ako sakanya "Excuse me, mag kakaklase tayo since Day Care! Kaya nga sawang sawa na ako sa mga pag mumukha nyo!" tinawanan lang nila ako. Nakakainis! "Uy Violet parang hindi natin nakaaama yong boyfriend mo kagabi ah. Masyadong seryoso" nguso ni Joe. Ayan na naman ang kunot nuo ni Violet, maalala ko palang sabi nyang hindi nya boyfriend yon. Ibig sabihin.. para na naman huminto ang mundo ko ng maalala ang mga sinasabi ko don kagabi. What the heck! Napatampak na ako sa nuo ko. "Ano ba kayo hindi ko boyfriend si Alexander. Pinsan ko sya." Pinasak ko na lang yong earphone ko sa tenga ko, ayaw ko na marining pa yong mga sinasabi nila. Mas napapamukha sakin na napaka-tanga ko kagabi. Lumingon na lang ako sa bintana, napaupo ako ng maayos ng makitang padaan si Herold kasama yong Athena. Akala mo hindi nakikinig si Herold sa kinukwento ni Athena dahil diretso lang ang tingin nito sa dinadaanan. Nakalasa ako ng pait ng maalala yong nakita kong body shot nya kay Athena kagabi sa bar. Sila na ba? "Ayan na ba yong sabi nilang nililigawan ni Herold diba?" "Saan?.. ay oo sya nga si Athena Mendez! Yong secretary nya. Ang ganda diba?" "Oo ang sexy pa! Balita ko dean lister yan sa department nila eh. Pero seryoso nililigawan ni Herold?" "Oo DAW yon ang sabi nila.." Mas nilakasan ko ang volume sa phone ko. So totoo pala yong nararamdaman ko na may somwthing nga sakanila. Napabuntong hininga na lang ako, sabagay ano nga ba panlaban ko kay Athena Mendez? Sa katalinuhan meron, I'm also a dean lister. Sa kagandahan at ka-sexyhan meron, panlaban ako sa pageant. Pero iba pa rin yong nakakasama kaysa sa taong hindi ka kilala and that's me. Tumunog na ang bell hudyat na second subject na, bumalik na sa dating upuan yong mga kaklase kong nag aapurang tapusin yong pinagawa nung.. tsk Alexander saamin. Papagawa ko na lang yon kina Danver, sila na bahala mag sulat ng profile ko. Since kilala sa tirador sa grades ang second subject professor namin, tahimik ang buong klase na kapqa nakikinig sa talambuhay ng professor namin na walang konektado sa subject nya. "Prepare yourself tomorrow because we will be having a short quiz before I discuss. Goodbye" Yan lang ang sinabi nya pagkatapos ng isang oras na talambuhay nya. Pag kaalis ay nag reklamo na agad yong mga kaklase ko. Nagkibit balikat na lang ako at nilingon sina Danver na busy sa phone nila. "Grabe talaga si Ma'am Mors, quiz agad? Ano na-discuss nya?" iritang sabi ni Violet. Umirap naman ako "Masanay ka na. Masanay ka ng makakita ng tres sa card mo" yan ang mahirap sa transferee. Lumingon sya sa dalawa sa likod na seryosong mag scroll sa screen ng phone nila. "Kayo? Puro na lang ba kayo ml?" "We're contacting our babes Violet." Ani Danver na patuloy pa rin sa pag tipa sa phone nya. Ngumisi naman si Joe sa gilid nito "Connections tawag dito" natatawang sabi nito. Mga malalanding babaero. "Wala naman kayong ginagawang matino, gawan nyo na lang ako ng profile na pinapasulat sa index card" utos ko sa dalawa. Kumunot nuo ni Danver na nakasilip sakin "Katulong mo ba kami?" "O baka gusto mong sugudin ko mga babae nyo sa lower years?" "Tsk!" Danver na masama ang tingin sakin bago kinalabit si Joe na pumipito pito at nakaiwas ng tingin "Bumili ka na ng index card" "What? Bakit ako?!" tinignan lang sya ni Danver ng masama hanggang sa nag dabog patayo si Joe "Pasalamat ka!" lumapit ito kay Violet at hinigit patayi, gulat bakit kasama rin sya. Kumaway na lang ako sakanila na nakangisi. Bumuntong hininga ako sabay tumabi kay Danver at nahiga sa balikat nya. We're bestfriends kaya walang malisya sakin ito. Its just.. I need someone to talk to. "Hm.. what happen?" tanong nya agad habang busy pa rin sya kakachat sa mga babae nya. Ngumuso ako bago tumingin sa bintana na tanaw na tanaw mula dito sina Herold at Athena. Narinig kong binaba nya ang hawak na phone sa desk nga at lumingon sa tinitignan ko. "Ang unfair lang.." panimula ko. "Talagang gustong gusto mo yang supot na Herold na yan no?" hinampas ko sya sa sinabi nya bago nag salita ulit. "Hindj naman siguro. Naiinggit lang siguro ako." "Tsk. Tigil tigilan mo na yang insecurities mo kay Athena. Kahit anong gawin mo hindi ka magiging ganon ka-sexy kay Athena!" umalis na ako sa balikat nya at tinignan sya ng masama. Nakataas lang ang kamay nya habang pinipigilan tumawa. Wala talaga ka-support! "Balik na ako sa pwesto ko!" tumayo na ako at nag umpisa na mag lakad ng hinawakan nya ako sa kamay at hinatak pabalik sa tabi nya. "Ikaw kami hindi mabiro, alalahanin mo galit pa rin ako sa ginawa mo sa Bar kagabi" bumalik ang seryoso nitong tingin sakin. Hindi ako umimik at inrapan lamang sya. Iniiba lang nya ang usapan e. "Alam mo Danver mas mabuti pang mang babae ka na lang dyan! Hindi ka talaga maaasahan." Irap ko sakanga. Sakti namang bumalik na sina Violet at Joe. Nag pa print na rin kami ng pictures nyo baka mamaya mag utos na naman kayo!" Joe na nakasimangot at nilapag sa harapan namin yong pictures and index cards. "Sulatan nyo na pala ako" sabi ko at bumalik na sa upuan ko. Mag rereklamo pa sana si Joe ng maalala nyang si Danver pala ang inutusan ko kaya ayon, prente itong naupo. Hindi pumasok yong third subject teacher namin pero nag iwan sya ng gagawin namin. Kailangan naming pumunta ng library para mag advance reading sa mga topics na iniwan nya. Sunasakit na ulo ng mga classmate ko dahil umpisa pa lang puro bomba na ang ginagawa ng mga Professor samin. Well thats college eh. "Number ni Tita ang nilagay ko na lang dito Dan, since yon naman palagi nilalagay mo hindi personal number mo" Ani Danver sabay abot sakin ni Violet ng index cards. "Thanks!" Tumayo si Omar, ang dakilang bida bidang class president namin "O guys ipasa nyo na sakin mga index cards nyo para hindi ko na kayo hahagilapun after lunch" "Huh bakit? May klase pa naman after lunch diba?" sabay ng isang babae kong kaklase. "Oh well, kabababa pa lang balita from our beloved super duper handsome gorgeous SC President, na gagamitin ang afternoon period for general cleaning. Syempre hindi naman lahat ng iba dyan mag lilinis kaya mas mabuti pang ibigay nyo na sakin mga index cards nyo!" Napatayo si Joe sa tuwa "Apaka angas! Oh ito na index card ko, baka hindi mo na ako mahagilap mamaya you know..babe time" abot kya kay Omar na namula, napairap ako kapag talaga lalake bumibigay pero pag babae kala mo kung sino makasinghal. Katulad nga ng sinabi ni Omar, may mga ilang estudyante na hindi nag lilinis at kasama kaming apat roon. Pag katapos naming binigay hong index cards nag siyayaan na rin kaming umalis na sa Xander University. Nasa labas na kami ng gate, hinihintay ang service ni Violet. "Mamaya Violet si Sir Alexander pala yang sundo mo ah? Malalagot tayo" Joe "Baliw hindi! Saka nasa faculty si Alexander ngayon diba" "Malay mo lang diba, mahirap na lalo na't may na-sample kanina dito" sumipol si Joe at sumulyap sakin. Si Danver naman ay ngumingisi. Sinamaan ko sila ng tingin "Kailangan pa ipaalala Joe?!" Humalakhak ito "Oo ah para malaman mo na hindi pala 'I live—" "Whatever!" irap ko bago sulyap kay Violet " Ganon ba talaga yang pinsan mo?" Tumawa ito "Pag pasensyahan nyo na ganon lang talaga sya kaseryoso. Kuya kuya kasi namin talaga yan si Alexander. Kahit sa mga kaibigan nya, sya ang pinaka-kuya" "Hahaha okay lang yan. Okay lang yan kay Dan" tumatawa pa rin si Joe. Si Danver naman nakikigaya na rin kay Joe. "Anyway, hindi kayo mag b-bar mamaya? May mga guest na darating!" excited na Violet. "Pupunta kami ni Danver!" sabay bumaling sakin at tinuro ako "Yan? Hindi na pwede yan kaya wag mo na yayain." Tinaasan ko na lang sya ng kilay at inirapan. Bumaling ako sa bulletin board, may nag didikit. May announcement siguro. "Excuse me guys go lang ako sa bulletin board. I'll check something." paalam ko. "Sus susulyap lang yan sa crush nyong supot" asar ni Danver patukoy ky Herold. Inirapan ko lang sya bago nag lakad takbo palapit sa bulletin board. Screening For SSG When: Next week Monday after class (pm) Where: Student Council Building Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang announcement. Chineck ko rin ang likod sa mga dapat ipasa. Nabasa ko ang pangalan ni Herold don at ni..Athena. Parang bigla gusto kong umatraa. Ano ba Danica? Hindi lang naman sya ang ang dahilan ah bakit ka sasali. Sasali ka kasi gusto mo. Binalik ko na sa bulsa yong phone at nag lakad na papunta sa gate. "Danica" Napahinto ako ng marining ang pamilyar na boses na tumawag sakin. Am I hallucinating? Impossibleng.. Narinig ko ang hakbang nya papalapit at ang pag sagi ng napakabangong perfume nya sa ilong ko. Kagat labing humarap ako sakanya. At ganon na lang ang epekto nya sakin ng makita ko sya. May hawak syang pamilyar na red handkerchief. "It is yours right?" he said and handed me my red handkerchief. "A-ah oo salamat!" sabi ko bago kinuha ito sakanya. s**t ka Danica bakit ganyan ka sa harapan nya! Umayos ka! May girlfriend na yan! Tumango na lang ako sakanya saka tumalikod na at nag lakad paalis. Heck! Ang bilis ng t***k ng puso ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD