Kabanata 3

2216 Words
Tulala ang ibang mga kaklase ko dahil sa quiz na pina-sample samin ni Ma'am Mors. Ako naman may nasagot, palagi kasi sinasabi sakin ni Dad na ganyan ang Professor namin, uso ang advance reading dyan. Si Violet naman ay napayuko sa score na nakuha. "I regret na nag bar ako kagabi!" naiiyak na sabi nito hawak ang 1/4 na papel na sinagutan "Damn! I don't know na uso sakanya ang advance reading! Kung alam ko lang" "Now you know Violet.." ani Danver na prenteng nakaupo katabi si Joe na ganon din at parang hindi naapektuhan sa scores na nakuha. Humalakhak si Joe at tinap ang balikat ni Violet "Hindi ka nag iisa, mabuti ka pa nga naka-2 pa. Eh kami?" "Gago!" natatawa na batok ni Danver kay Joe kasi talagang pinag mamalaki pa nilang.. "Betlog lang kami! Hahaha" napanguso si Violet para pigilan ang pag tawa sa nababaliw na dalawang playboy. "Mga baliw, mag aral kasi kayo" singit ko. "Kahit na, hindi naman kami kasing talino mo Dani hahaha" si Joe na nag uumpisa na sumilip silip sa phone nya. Si Violet ay tinitigan ako, napakunot ang nuo ko dahil ngumisi ito habang nakatitig sakin. "What the heck Violet?!" saway ko na kinatawa nya. "Wala lang. Ang ganda mo na kasi tapos ang talino mo pa. Beauty with brain ka talaga." tumawa naman si Danver sa likod namin "Beauty with brain nga pero hindi naman sya crush ng crush nya. Saklap din!" Umirap ako "Okay lang atleast.. ah nevermind" wala ako maisip. Inasar na rin ako ni Joe "Atleast ano? Tanggapin mo na lang kasi na taken na si Pres" Sumama ang tingin ko kay Joe sa ingay ng boses nya. "Oh seryoso? Taken na si Pres Herold?" tanong ni Violet. Tumango tango si Joe habang nakapikit sabay turo sakin "At ito ay umaasa pa rin" "Hoy hindi k-kaya!" naalala ko yong nangyari kahapon. Yong inabot nya sakin ang handkerchief ko. Kaya ganon na lang siguro ako kasipag mag advance reading kagabi, dahil naka face to face ko si Herold. Ngumisi si Danver sakin ng may maalala ata sakin "Wag kayong ganyan baka maiyak yan at mas lalo mainggit" tukoy nya sa sinabi ko kahapon sakanya. "Hindi ako naiinggit sakanya!" "Insecure?" dagdag pa nito. Kumuyom ang kamay ko sa sinabi nya. I admit, may time na naiinggit ako kay Athena Mendez. Halatang nag tataka sina Joe at Violet samin ni Danver dahil palipat lipat ang tingin nila sakin. Mabuti na lang sumabat si Violet. "I knew Athena Mendez. Pero.." kumunot ang nuo ni Violet at tumingin sakin "No hate pero mas bet ko ang ganda ni Dani kaysa kay Athena." "Yeah because I'm your friend." Irap ko na lang. Tumawa si Violet "Ang bitter mo Dani! Diba Joe si Dani ang pinakamaganda sakanila ni Athena?" tanong nya Huminto sa pag tawa si Joe at tinitigan ako. Sa unang pag kakataon nakita ko ang genuine smile nya. "Yeah.." bago nag baba ng tingin sa phone nya. "See! How about you Danver? Diba si Dani ang pinakamaganda sakanila ni Athena?" tumaas ang kilay ni Danver bago tinanggal ang tingin sa phone nya at tinignan ako. "Si Dani?" he asked. Ready na ako umirap sa susunod nyang sasabihin dahil alam ko namang kay Athena Mendez yan eh. "Hahaha" "Bwisit ka talaga!" sabi ko na pag tatawanan lang ako nyang Danver na yan. Tatalikod na sana ako ng mag salita sya. "Maganda si Dani..pero crush ko si Athena Mendez eh. Kaya sorry na lang Dani pero kay Athena Mendez ako. Hahaha!" hinampas sya ni Joe sa gilid na kapwa tumatawa na rin sa sinabi ni Danver. "H-hoy! Seryosong tanong yon!" sigaw ni Violet. Hinawakan ko na lang si Violet sa braso "Milktea tayo." aya ko. Nag ningning ang mata ni Violet. Milktea lover eh "Sure sure! I'm craving na tuloy!" napansin naman kami nung dalawang ulupong "Uy pabili kami. Dani bilhan nyo kami" "Hindi! Bahala kayo bumili ng sainyo!" irap ko sakanila sabay tumayo na at hinatak si Violet na dinidilaan yong dalawa na nalugi. Andito kami ngayon sa Library. Nag hahanap ng references para sa gagawin naming lesson plan para sa demo. Tumayo ako at nag hanap ng isa pang reference book. Naabutan ko sa isang sulok si Violet na namromroblema. "Anong topic yong sayo Dani?" she asked. "Classes of Colors. Yon ang sa tingin ko ay madali eh" mabuti na lang elementary students ang tuturuan namin kaya madali gumawa ng lesson plan. "Ikaw? May napili ka na ba?" "Principle of Designs yong akin kaso wala akong makitang reference book dito." bumuntong hininga ito "Hindi ba pwede mag search online?" Bumalik na ako sa dati kong pwesto ganon din si Violet. "If I'm not mistaken. May mga online textbooks like ebook. You can try that one." Binagsak ni Violet yong yellow paper nya "Hay! Mabuti pa kayo nangangalahati na ang lesson plan." nag angat ng tingin si Joe kay Violet "Bakit wala ka parin mahanap na libro?" malungkot na umiling si Violet. "Kailan ba deadline nito Dani?" "Sabi ni Omar walang nakalagay sa note ni Ma'am pero pahabol nya na mas maaga mas maganda." ginamit ko ang phone ni Violet para doon na mag search at mag download ng online textbooks para sa topic nya. "Wala ka na bang ibang topic na gusto Violet?" si Joe na nag titingin na rin ng libro para sa topic ni Violet. Ngumuso si Violet "Meron, yong Parts of the Letter.." tumango tango naman si Joe habang nag hahanap pa rin ng libro para kay Violet. Naningkit ang mata ko sakanilang dalawa. Ayaw ko mag conclude, hayaan na lang lumabas kung meron. "Hay tapos na!" ani Danver, nag inat inat pa. Una nya ako tinignan "Bakit hindi ka pa tapos?" tanong nya. "Nag s-search ako ng online textbooks para kay Violet." Kumunot ang nuo nito nilibot nya ang tingin nya samin. Ngayon nya lang napansin na busy kami para kay Violet. Binibigay ni Joe yong mga libro na may related sa topic ni Violet. Habang si Violet naman ay nag s-scan ng libro. Ako naman ay nag d-download ng libro. "Ano ba topic mo Violet?" tanong nya. Lumingon sakanya si Violet "Principle of Design or Parts of the Letter.." "Oh tamang tama pala! Parehas lang tayo ng topic. Principle of Designs." inabot nito yong libro na nakatengga sa tabi nya kanina. Napahinto kami ni Joe sa sinabi nya. "Sabi kasi ng librarian na iisa lang yan. Mabuti na lang ako nakakuha kung— What the f**k Joe Francis Ramos?!" inis na sigaw ni Danver kay Joe na may hawak na libro na makapal na hinampas sakanya. "What the f**k too Danver Santiago! Kanina pa kami nag hahanap dito. Andyan lang pala sayo." naiinis na sabi nito. Oh ow.. ngayon ko lang nakita mainis tong si Joe. Napatulala naman si Violet sakanila. "Hoy tumigil na kayo. Nasa loob kayo ng library!" may diin na bulong ko. Napahinto naman silang dalawa. Aambaan sana ulit ni Joe si Danver ng tumayo na ako "Sige mag hampasan kayo nga bakla." Mas lalo kumunot ang nuo ni Danver na nilingon ako "Sinong bakla Danica?" "Bingi ka ba? Kayo diba! Sabi na kasi tama na yan at papalabasin tayo ng librarian dito!" sigaw ko sakanila. Tumahimik naman silang dalawa. Mabuti naman at tumigil din. Uupo na sana ako ng may tumikhim sa likod namin. Lumingon ako, ganon na lang pag lalaki ng mata ko ng makita ang librarian na sobra ang pag kunot ng nuo samin. "Kayong apat lumabas!" Mabilis natapos ang araw. Andito na ako sa harap ng gate namin. Kumaway sakin sina Joe at Danver na ngayon ay bati na. Parang bata. Kumaway na rin ako sakanila. Pinagbuksan ako ng maid namin. Ngumiti ito sakin "Good evening Ma'am Dani. Hinihintay na po kayo ng Mom at Dad nyo sa hapagkainan." "Good evening din po. Pakisabi na lang po susunod na lang ako. Mag bihis ako sa taas." umakyat na ako sa kwarto at nag palit ng damit. "Good evening Dad..Mom" hinalikan ko sila sa pisngi bago naupo. Ngumiti sakin si Dad na naka longsleeve at necktie pa rin. Sigurado kakauwi lang nito. "How's your day my princess?" "Okay lang po Dad. Ayon medyo tinatadtad na kami ng mga lesson plans." Inabot sakin ni Mom ang kanin. Kinuha ko ito at nag lagay sa pinggan ko. "Talagang gustong gusto mo ang kurso na kinuha mo Danica." Si Mom. Tumango ako kay Mom. Gusto nya kasi sakin na kumuha ng Business Ad para ako ang next na mag papatakbo ng kompanya namin. Hinawakan ni Dad ang kamay ni Mom "Hayaan mo na Jonita. Let's be thankful na mag kakaroon tayo ng anak na maestra. Diba my princess?" tumango ako ng matamis. "Suporta naman ako sa gusto ng anak natin Lego. Sadyang iniisip ko lang kung ano na mangyayari sa kompanya natin pag dumating na ang araw na wala na tayo." ani Mom. Nanahimik naman ako, alam kong ako lang ang anak nila. Wala akong kapatid na pwede mag mana ng kompanya. Pero ayaw ko.. iba ang gusto ng puso ko. Gusto ko maging teacher at hindi maging isang CEO. Bumuntong hininga si Mom. Si Dad naman ay tumahimik. Si Dad, ayaw nya pag usapan ang about sa kompanya. Mabuti na lang iniba ni Dad ang usapan kaya hindi na naging awkward. "Kailangan ba talaga Mom na naka dress?" tukoy ko sa pupuntahan naming birthday ng isa sa mga business partner nila. "Yes Danica. Kailangan nating mag mukhang tao pag pumunta tayo doon." "Mom tao naman tayo ah" sagot ko. Ayaw ko kasi mag dress. Hinarap ako ni Mom na nakakunot ang nuo. Andito kami sa master bedroom nila ni Dad. Si Dad naman nasa office pa nya. "Danica." "Okay okay Mom. I get it na po." kinuha ko ang isang magazine sa side table nila. "Pupunta dito yong mag tatahi bukas. Kailangan maaga ka bukas para masukatan ka." Napabitaw ako sa magazine na hawak ko. "Mom seriously? Birthday ba talaga pupuntahan natin?" "Actually its not. It's an engagement party." "Engagement party?" I asked Lumingon sakin si Mom "Yes Danica. Kaya If I were you maaga ka umuwi bukas para masukatan ka. Kung ayaw mo maging outsider pupuntahan natin." Napabuga na lang ako ng hangin. "Okay Mom." matagal pa naman yon. Last week pa ng month. Humalik na ako kay Mom at nag goodnight, ganon din kay Dad na pinuntahan ko pa sa Office nya. "Kalimutan mo na lang yong sinabi ni Mom mo kanina princess. Intindihin mo na lang si Mom mo.." ani Dad. "Its okay Dad. I understand naman po. Mahal ko po kayo ni Mom." "We love you too my princess.." I'm thankful na nandyan si Dad para suportahan ako. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako sinusuportahan ni Mom. Pero alam kong ayaw ni Mom sa kurso na kinuha ko. Hindi ko sya masisi, ako lang ang anak nila na pwede mag patakbo sa kompanya. Winaksi ko sa isipan ang mga naiisip ko, maaga pa para dyan. Lakad takbo ang ginawa ko papasok ng Xander University. Tingin sa dinadaanan at tingin sa relo ang ginagawa ko. s**t! I'm so late. Ngayon ako nag sisi na tinapos ko ang binabasang libro ni Nicholas Spark na At First Sight. Hindi rin ako dinaanan nina Danver at hindi ko alam bakit! Kahit tinawagan hindi! What the f.. yong phone ko?! Ngayon ko lang napansin na nawawala ito. Inisip ko kung nasan ko nilagay ito. Ginamit ko ba to kahapon? No phone ni Violet ang ginamit kong pang-download ng online textbooks. Damn! Napakakalimutin mo na Danica. "Uy Danica!" kaway sakin ni Kevin. Vice President ng SSG. Tumatakbo ito palapit sakin habang nakangiti ng malapad na nag pakita ng dimples nya. "Pasok ka na? Late ka na ah." Sinimangutan ko sya "Oo at tinawag mo pa ako. Alis" nag mamadali na umalis ako sa harapan ni Kevin. Pero hinarangan nya ako ulit "Wait wait may sasabihin lang ako na mahalaga. Hahaha." tumatawa na sabi nya. "What is it Kevin? 5 minutes late na ako." "Easy. Sino ba Professor nyo ngayon?" umirap ako ng nag tanong pa. Wednesday ngayon. Wait.. What the f**k! Subject NYA "Sino Danica? Baka kasama sya sa seminar ngayon" "Ah..Si Sir Alexander." Tumango tango naman si Kevin. "Ah yong bagong professor. Oo wala sya, kasama sya sa seminar." "Seryoso?" baka niloloko lang ako ni Kevin eh. "Oo naman! Vice President to Danica. Kung mali mali mga sinasabi ko baka mapatalsik ako ni Pres" "Ok. Ano ba sasabihin mo?" "Sinabi kasi samin ni Pres kanina lang na mamo-move ang screening ng Friday. This Friday na since alam ko naman na gusto mo tumakbo next ma election sinabihan na kita." Parang mas lalo ata ako kinabahan sa screening na sa Friday na ito magaganap. Bumalik ang tingin ko kay Kevin. "Ah meron na bang form?" Tumango naman ito "Meron na. Kukuha ka na ba? Samahan na kita." "Wag na. Baka may klase ka pa." wala naman pala ang first period namin kaya unahin ko muna ito. Tumawa ito "Hahaha. Wala rin kaming klase ng First Period kaya hindi ka nakakaabala. Saka soon makakasama na rin kita sa SSG. I know mananalo ka" Hinampas ko sya "Baliw! Andami dami kong kalaban nyan siguro." "Hahaha. Halika na pumunta na tayo sa SC Building." aya nito. Tumango ako. Tama ba ang papasukin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD