Pag katapos ako sinamahan ni Kevin na manguha ng form sa SC Building nag paalam na rin sya dahil may emergency meeting sakanilang mga officer. Nag pasalamat na lang ako sakanya bago nag lakad na sa kahabaan ng corridor. 5 minutes na lang ay 2nd period na. Medyo natagalan din kasi kami kumuha ng form. Pero sakto naman ang dating ko.
Wala pang prof nang makarating ako. Agad ako nag tungo sa pwesto ko. Kunot nuo agad ang sinalubong sakin nina Violet at Danver.
"Why?" sabi ko sabay binaba ang bag sa upuan at prenteng umupo. Mag p-practice na siguro ako mamaya para sa screening.
"Anong bakit ka dyan. Bakit hindi mo pinasukan ang first subject natin?" parang kuya na sabi ni Danver. Umayos ako ng upo saka hinarap sila "Kumuha ako ng form sa SC para sa screening sa Friday."
"Huh? Form lang kinuha mo natagalan ka pa." ani Danver at sumingit si Joe na nakangisi "Believe me natagalan yan sumilip kay Pres. Hahaha"
Pinamulahan ako sa sinabi ni Joe. Half is..oo. Medyo natagaln kami ni Kevin para kumuha ng form dahil may kinakausap si Herold at since sya ang may hawak ng form ay hinintay namin sya matapos pero hindi naman ako nainip dahil.. you know naman tinititigan ko lang sya.
"H-hoy hindi ah! Sadyang may kinakausap lang sya kaya dapat hintayin namin sya matapos doon.." lumunok ako at nag iwas ng tingin. Tinalikuran ko na sila, nilabas ko na lang yong binder at ang Pilot V5 grip kong ballpen.
"Hoy Danica hindi porket pinapayagan ka namin sa kahibangan mo kay Herold ay pwede mo na i-absent yong isang subject natin. Kapag nalaman talaga to ni Tito.." sa sinabi ni Danver ay may nakakuha ng atensyon ko. Nilingon ko sila na ngayon ay seryosong nakatingin sakin. Si Violet naman ay nag kibit balikat lang. Enjoy na pinapanood akong ginigisa ng dalawang unggoy.
"Anong absent? Wala naman tayong klase kanina diba?"
"Huh? Anong walang klase ka dyan. Nag quiz kami kay Sir Alexander kanina! At absent ka sa unang quiz nya" napahinto ako. Bigla ako tinakasan ng dila ko. Napapikit ako saka huminga ng malalim. Bwisit na Kevin!
"Mabait naman si Alex. Pwede ka naman mang-hingi ng make up quiz sakanya mamaya." Ani Violet. I hope nga na mabait si Alexander. Pero pakiramdam ko, namumuro na ako sakanya. Mamaya sya pa ang ikabagsak ko at ikatanggal ko sa Dean Lister.
Katulad nga nang sabi ni Violet pwede naman ako mang-hingi ng make up quiz kay Alexander. Pwede naman talaga, sadyang kinakabahan lang ako na harapin sya. Bakit ba ako ganito? Feeling ko kailangan ko maging perfect sakanya. So weird. Pinilig ko na lang ang iniisip ko. Kailangan mo mag make up quiz Danica dahil DL ka at kapag may nakaligtaan kang isang quiz matatanggal ka sa DL at kapag natanggal ka hindi ka na mapapansin ni Harold.
"Samahan na lang kita Dani after natin kumain." ani Violet sa tabi ko. Nakahinga naman ako ng maluwag sa prisenta ni Violet. Akala ko mag isa ko lang pupunta sa faculty.
Uminom si Danver ng juice "Oo nga pala Dani, SSG talaga ang sasalihan mo?"
"Yup!" I said popping the letter 'p'.
"Tss. Si Herold lang ang gusto mo don eh." ani nito. Tinaasan ko sya ng kilay. I admit, half of it pero hindi naman buong rason ko ay si Herold.
"Tapos na ba kayo sa lesson plan nyo?" singit ni Joe. Tapos na ako dyan, ang iniisip ko na lang ngayon yong quiz ko kay Alexander. Wala pa naman akong ka-idea idea kung ano ang lesson nila kanina.
"Malapit na ako matapos. Assignment na lang." Violet. Si Danver naman ay nilabas ang lesson plan nya at inabot kay Joe.
"Ikaw na mag pasa mamaya. Magugusot yan sa bag ko eh." hindi na sila nag talo pa at kinuha naman na ni Joe. Seryoso si Joe ngayon sa lesson plan nya kaya hindi sya nakikipag kwentuhan samin.
Maya maya ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nag excuse ako sakanila. Nag tungo ako sa cr ng girls. May 2 babaeng nag aayos sa tapat ng salamin pag kapasok ko. Pumasok ako agad sa isang cubicle.
"Sis alam mo na ba yong balita?" rinig kong pinag uusapan nila. Tumayo na ako ng makatapos. Hindi ko naman sila papansinin sana ng may sinabi sila na nag pahinto sakin na lumabas.
"Balita?"
"Oo sis! Tungkol kay Sir Alexander."
"Ay yong gwapong professor! Bakit? May girlfriend na ba daw? Shocks! Sayang!"
"Gaga wala! Flings marami! Sana nga ako rin eh maging fling nya. I'm so lucky na siguro."
Kumukunot na ang nuo ko sa mga naririnig. Mga baliw ba itong mga to?!
"Marami daw kasing labas pasok na babaeng estudyante sa office nya! Take note! BABAE. So therefore we conclude na may..something na nangyayari."
Muntikan na ako suminghap ng malakas sa narinig ko. I'm not noob, I know what they're talking about! And for f**k sake that's rated SPG. Hindi ko alam pero nag iba ang tingin ko kay Alexander. Ano sya? f**k boy ng mga estudyante? Worst, Professor sya!
Lakad at takbo ako nag tungo pabalik sa table namin. Mukhang tapos na sila at nag liligpit na sila ng gamit nila. Una nag taas ng tingin si Violet at ngumiti.
"Ang tagal mo ah. Anyway halika na kay Alexander?"aya nya.
Oo nga pala makikita ko sya ngayon. Napaihip ako sa hangin. Pero now I know ang dapat ko gawin at kailangan ko mag ingat. Ayaw ko maging victim nya atsaka I'm not that kind of girl na madaling matuhog. What's with that word 'matuhog' Danica?
"Hintayin na lang namin kayo sa soccer field right? May laban ngayon, nakipag pustahan kami kaya kailangan panuorin mamaya madaya kami tsk." ani Joe.
"Violet pakitignan yang si Danica ah mamaya i-bag na nyan si Herold" Danver na kinatawa ni Joe.
Umirap na lang ako "Whatever asshole." tumawa ng mahina si Violet bago nag paalam na sa dalawa. Nag lakad na kami papunta sa office ni..ahem Alexander.
"About lang naman sa mga planets ang ni-lesson nya kanina. May mga prior knowledge ka naman doon diba?" Violet habang nag lalakad kami.
"Oo naman.." pero ang totoo nakalimutan ko na. Ang alam ko lang ay wala na sa Solar System ang Pluto. Gusto ko sisihin ang sarili ko kung bakit hindi ko minahal ang Science.
Pag karating pa lang namin sa harapan ng office nya ay bigla na ito bumukas at lumuwa ang isang estudyante na grabe ang sa hapit ang palda sama mo pa ang tube nya na kita na ang cleavage nya. School ba ang pinunta nya dito o Club?
"Sir thank you sa time mo." her voice is sooooo sweet!
Aha! Tama nga yong balita balita. Talagang may nangyayaring milagro sa loob ng office ni Alexander. At isa syang f**k boy! Oh, I hate f**k boys! at hate ko rin ang mga mahihilig sa bata! Wala ba sasabihin si Violet? O sadyang sanay na sya sa pinsan nya na palaging ano.. Hmp gwapo ka sana kaso..nevermind.
"Ang galing mo talaga Sir. Next time ulit." ngumiti ng pag katamis tamis yong babae bago nag lakad paalis. Napataas na lang ako ng kilay sa lakad nito na napaka-arte.
"Huy. Kanina ka pa tinatanong ni Alexander" bulong ni Violet na nag pagising sakin. Tumingin ako sa harapan ko kung saan nakatayo na ng buong buo si Alexander. Ang lakas talaga manghatak yong mga mata nya na nakasalamin kaya ganon na lang siguro mabaliw sakanya yong mga babaeng estudyante dito.
Tumikhim ito "What do you want Ms. Lladones?"
"Hihingi po sana ako ng make up quiz. Hindi po kasi ako nakapasok—"
"Why?" putol nya agad sa sinasabi ko. Nag sisimula na ako maasar ulit sakanya. Bakit ba ang hilig nya ako putulin? Tsk!
Huminga na lang ako ng malalim at kinalma ang sarili. "Natagalan po kasi ako kumuha ng form sa SC Building for—" hindi na nya ako pinatapos pa mag salita pa at tinalikuran na nya ako.
"Come in." anito at pumasok na sa loob. Iniwan kami o ako na naiiyak sa kahihiyan. This is my first time na talikuran habang nag sasalita ako. Yeah I'm sensitive. Yeah I know he's our Professor but he doesn't have a right to do that to me!
Hindi ko na hinintay pa si Violet mag salita pa, malalaking hakbang ang ginawa ko papasok sa office nya. Binagsak ko ang pinto nya. Prente na syang nakaupo ngayon sa swivel chair nya. Alam kong narinig nya yong pag dabog ko. Nakataas ang tingin nya saakin.
"What do you think you doing?" he said pertaining of what I did.
"I'm the one who should asking that to you. What do you think you doing SIR?" I emphasized the word 'Sir'. Hindi ko alam bakit may lakas ako ng loob na sagutin ng ganito ang Professor ko. All my life, I have big respect to all my Professors. Pero itong professor na nasa harapan ko, kailangan nya baang respeto ko kung hindi nya ako nirespeto kanina?
"Mawalang galang lang po Sir. Pero grabe naman yong ginawa nyo kanina. Talikuran ako habang nag sasalita. I know you're a professor—"
Binaba na nito ang librong hawak hawak sabay tinignan ako ng diretso sa mata. Hindi ko talaga sya nakikitaan ng pag kainis. Parang relax lang sya sa mga sinasabi ko.
"I have the rights to do that to you because I'm your Professor Miss Lladones—"
"Alright! You have the rights Sir? Kaya pala sino sinong babaeng estudyante nyo ang pinapapasok nyo sa office mo at gumagawa ng milagro." huli na ng marealize ko ang sinabi ko. What the hell Danica! That's below the belt.
Sa unang pag kakataon nakita kong nagulat sya. Pero agad nya ring nakuha at bigla na lang tumayo. Akala ko ay sisigawan nya ako. Umikot lang sya sa table nya bago naupo ibabaw sa harap nito. Pinasingkit nya ang mata nya na diretso na inoobserbahan ako. Parang may nahuli sya sa sinabi ko. But pwede ba huminto muna saglit and appreciate his angles? Mukha kasi syang mag pipictorial sa upo nya.
"As I remembered you are here to asked make up quiz in my subject. And not for insulting me, right Ms. Lladones?" he said full of authority.
Parang nagising ako sa sinabi nya. Nahinto ang lakas ng loob at narealize ang mga pinag sasabi sa harapan ng Professor ko. Ngayon ako binuhusan ng yelo. Yelo yelong what ifs.
"Did you know that I can failed you in my subject?"
F-failed? Bagsak? Parang gusto ko na untugin yong ulo ko sa mga ginawa ko kanina. No hindi pwede! Hindi ko pwede maibagsak itong subject nya. Mawawala ako DL. Hindi ako makakapasok sa SSG!
Hindi ko kaya tignan ng diretso si Alexander sa harapan ko. Gusto ko na lang mag pakain sa lupa at alisin na ako sa kinatatayuan ko, hindi ko na kaya yong tensyon. Pumikit ako at nag dasal na sana may pumasok.
Mukhang dininig ako ni Lord dahil may kumatok sa pintuan at bumukas ito.
"Sir excuse lang po. Pinapatawag na po kayo sa AVR ni Ms. Cruz." estudyanteng babae yon. Oo babae dahil boses babae.
Hindi naman tumayo si Alexander sa inuupuan nyang lamesa. Sa tingin ko ay tumango lang ito. Nag pasalamat na yong estudyante bago sinara ulit ang pintuan.
"You may go. Tomorrow afternoon go here in my office."
Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at madali na akong nag lakad palabas. Sa pag bagsak ko ng pintuan nya doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nakita naman ako ni Violet kaya lumapit ito.
"Hey are you okay? Kamusta quiz?" hindi ang quiz kundi ang pag kabagsak ko! should i tell it to Violet? kaso pinsan nya yon
Nalulungkot ako. Gusto ko mag pakalunod ngayon sa alak. Kasi for the first babagsak na ako! Mawawala na ako sa DL at dahil yon sa kawala ng preno ng bibig ko kanina! f**k! Binaon ko ang palad ko sa mukha ko.
"Dani? Ano nangyari sayo? B-bakit ka umiiyak?" sinisilip ako ni Violet. Yeah umiiyak ako.
Sakto namang bumukas ang pintuan sa harapan namin. Napatayo ng tuwid si Violet sa gilid ko. "Alexander.."
Lumaki ang mata ko at dali dali tinakpan ang mukha at tumalikod. Nag lakad na ako paalis sakanila. Kailangan ko mag celebrate ngayon sa pag ka bagsak ko f**k!
"Danica!" tawag sakin ni Violet. Naramdamn kong tumakbo sya sa gilid ko. "Hey ano nangyari? Nahirapan ka ba sa quiz ni Alexander?"
Hindi ba pwede ko sabihin sakanya na nahirapan ako sa sinabi ng pinsan nya na ibabagsak nya ako. I can't loose my DL! Siguro ako nga yong uri ng estudyante na sobrang big deal sakanila ang grades. Pero wala akong pakealam. Sabi nga nila, Your grades doesn't define your future. Paano mo maabot yong pangarap mo kung puro ka katamaran at bagsak ang grades mo?
Kinabukasan puro tanong sakin sina Joe at Danver. Sinabi sakanila ni Violet na umiiyak ako pag kalabas sa office ni Alexander. Lunch time na at todo kulit pa rin sila sakin.
"Mahirap ba yong quiz?"
"Hindi pa nga ako nag quiz.. mamaya pa lang" siguro. Baka nga sasabihin na nya sakin mamaya na drop na ako sa subject nya. Hindi ko pa nasasabi ito kina Mom and Dad. Dahil alam ko magagalit sila sakin. Mamaya yon pa ang mag-push kay mama na i-shift ang course ko sa Business Ad.
"Hayaan nyo na yang si Dani. Baka kinakabahan yan sa screening nila bukas." ani Danver. Sumasakit na talaga ulo ko, pinaalala pa ni Danver yong screening ko bukas. Hindi pa ako nakakapag-practice.
Natapos na ang afternoon class namin. So far maayos naman ang daloy ng klase. Isip ko lang ang magulo dahil sa mga iniisip. Kaya nga pag ka dismissed pa lang ng professor namin ay nag paalam na ako agad sakanila na mag-quiz muna ako kay Alexander.
Sobrang bagal ko mag lakad pero bakit ang bilis ko makarating sa office nya. Kinakabahan ako. I have no idea kung ano ang gagawin ko. Sasabihin na ba nya sakin na bagsak ako? Na kailangan ko na mag paalam sa pagiging DL? s**t! Napapatampal na lang talaga ako sa nuo ko. Gusto ko na ayaw ko pa pumasok sa loob. Alam mo yong pakiramdam na hahatulan ka na? Yun yon!
"Danica what are you doing there?"
Automatic na tumaas ako ng tingin sa harapan ko sa familiar na boses na iyon. Kumabog ang puso ko ng makita ko si Harold na nag lalakad palapit sakin. Tumingin sya sakin bago sa pintuan pabalik sakin. Ang gwapo nya talaga kapag kumukunot ang nuo nya. No doubt na nagustuhan rin sya ni Athena Mendez.
"Kevin told me na sasali ka sa SSG. Are you ready for the screening tomorrow?"
I bit my lip. Nahihiya sakanya. Ngayon lang kasi nya ako kinausap at tinanong. Tumango ako "Oo hehe. Kinakabahan nga ako."
"Don't be. Kung sa tingin mo na karapat dapat ka makasali sa SSG." ani nya na nag pangiti sakin. Bagay talaga sakanya maging President namin.
Tumango na lang ako. Tumingin naman sya sa relo nya. "I gotta go. See you tomorrow Danica."
"S-sige Pres" umalis na sya na agad ko sinundan ng tingin. Pati yong pag lakad nya agaw tingin talaga. Umiling iling na lang ako bago tumingin sa harapan ko. Muntikan na ako mapatili dahil bumulaga si Alexander sa harapan ko. Nakasandal sa pader ng office nya habang busy ako pag masdan. Kanina pa ba sya dyan. Napalunok ako ng andyan na naman ang tingin nya na hindi ko mabasa.
"Come in. I'll give your make up quiz." pag kasabi nya ay pumasok na sya sa loob.
Naiwan ako tulala. Totoo ba sinabi nya? Quiz?! Ibig sabihin hindi nya ako ibabagsak? Automatic na napangiti ako. Sobrang swerte talaga ni Herold! Dumaan lang sya nag bago na desisyon ni Alexander. Yes hindi na ako mawawala sa DL!