Tunog lang ng aircon ang maririnig mo sa loob ng office nya. Sobrang tahimik. Tinignan ko ang test paper na nasa harap ko at nananalangin na sana may lumitaw na sagot. Bakit ba kasi hindi ko minahal ang subject na Science? Kung hindi ako mag advanced reading dito wala ako masasagot unlike ng ibang subject kaya ko kahit stock knowledge lang meron. Damn pero ang subject na Science? Wala!
Sinilip ko sya na seryoso ang mukhang nakatutok sa laptop nya. I bit my lip. Binalik ko ang tingin sa test paper. s**t bakit may nakalagay na Balancing Equations Race? Akala ko ba Solar System ang quiz nila kahapon e bakit ganito binigay sakin?
"Hello. Alexander Montemayor is speaking"
Tumaas ang tingin ko sakanya ng may sinagot na tawag sa phone nya. Kumunot ang nuo nya bago nilingon ako napaupo tuloy ako ng maayos. Napag kakamalan akong chismosa.
"Yeah. Wait Theseus.." sabi nya sa kausap bago tumalikod. Doon ako nag karoon ng oras na kapain yong bulsa ko para kunin yong cellphone ko pero pag kapa ko ay wala! Doon ko lang naalala na nawawala pala yong cellphone ko!
"Nasaan ko ba naiwan yon? Ano ba yan!" bulong na reklamo ko. Naalala ko na, naiwan ko to sa bar na pinuntahan namin last time, yong una ko nakatabi si Alexander! Andami ko pa namang mahahalagang files don. You're so careless Danica!
"Are you done?" halos mapatalon ako sa biglang pag sulpot ng buong buo nyang boses. Nakatingin na sya ngayon sakin.
"A-ah hindi pa Sir."
"I thought you're one of the dean listers here. Almost 1 hour ka na nanonood sa test paper mo."
Wtf? "Paano mo nalaman?"
"Because I see you." sagot nya na parang ako na ang pinaka tanga na nag tanong kung paano.
"I mean the dl info" kulang na lang irapan ko sya. Kung hindi ko lang sya subject teacher kanina ko pa nagawa yon. Tama na yong kahihiyang ginawa ko kahapon.
Tumaas ang kilay nito. Ang taray "Ofcourse I'm your professor, it's my job to know your background." umirap na lang ako ng palihim.
"Tsetse, professor professor pang nalalaman pero may ginagawang milagro sa loob ng office nya tsk!" bulong ko. Pinagtuunan ko na lang yong test paper ko. Inisip kung paano na ito sagutan. Alam ko pinag aralan na namin ito. Pero sabi ko nga kapag hindi ako nag r-read o advance reading sa subject na ito wala ako masasagot kaya in the end.. pinasa ko ng walang sagot.
Hindi naman na sya nag tanong dahil busy ito sa laptop nya. Tumango lang ito habang seryoso pa rin sa ginagawa. Nag lakad na ako palabas ng office nya. Bumungad sakin ang napaka dilim na hallway, nakabukas na ang mga ilaw na tuwing gabi lang binubuksan. Napakunot ang nuo ko at tumingin sa relo ko. What the hell?! 7 pm na pala? Paang pumasok ako sa office ni Alexander ng 5 pm ah.
Ang tagal mo kasi tumitig sa test paper mo. Sabi ng isang side ko. Kainis naman oh! May masasakyan pa kaya ako nito? Nag lakad na lang ako palabas ng Xander University inaasahan na andoon pa sina Danver at Joe at hinihintay ako pero wala!
Kakaway na lang sana ako ng taxi ng may Ducati na huminto sa harapan ko. Naka helmet ito kaya hindi ko maitsurahan kung sino. Ngunit ng tinanggal nya ay saka ako napahugot ng malalim na hangin.
Nakakunot ang nuo nito sakin "Its already late, bakit ngayon ka lang pinalabas ni Sir Alex?"
Hindi ko alam kung ano isasagot ko dahil sa gulat na naramdaman ko. "A-ah nag test kasi ako.." hindi ko rin alam bakit nag papaliwanag ako.
Sumingkit ang mata nito. Napalunok ako. Damn! "Sumakay ka na. Delikadong kumuha ka pa ng taxi ng ganitong oras."
"Ah Herold kaya ko naman.." hindi nya ako pinansin at binigay na sakin agad yong isang helmet na black.
Kinuha ko na lang ito at sinuot sabay sumakay. Bakit nag taka pa ako na kung sino ang may ari nitong Ducati. Eh sya lang ang meron sa campus nito.
"Kumapit ka."
Kahit nasa state of shock pa rin ako ay hindi na ako nag dalawang isip pang hawakan yong black na jacket nya. Pinaandar na nya yong Ducati nya. I can't believe it na nakasakay ako sa Ducati ng SSG President!
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakakapit sa black jacket ni Herold. Should I thank Alexander or myself haha! Kung hindi ako na-late hindi ko masasakyan ang Ducati ni Herold. Pag hinto lang nya ang nag pagising sakin na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Umalis na ako saka tinaggal ang helmet saka binigay sakanya.
Nahihiyang ngumiti ako "Thank you Herold.."
Tumango sya "No problem."
Kagat labing tumingin ako sa paligid. Damn! Pangarap ko yong ganito no. Yong mahatid ng crush ko sa bahay. Take note: naka Ducati. Pinasadahan ko sya ng tingin. Hindi halatang galing syang University dahil sa suot na black jacket. Nag mukha syang isa sa mga galing sa action movies. Sabay mo pa ang seryoso nyang mukha.
"Pasok na ako. S-salamat ulit."
"Yeah. Goodluck for tomorrow." ani nya bago sinuot ulit ang helmet sa sarili at pinaandar ang Ducati palayo.
Yong pinipigilan kong tili ay naisigaw ko. "Oh my gosh!!!"
Nakalimutan ko agad ng mga panget na nangyari saakin ngayon. Nakangiting pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita ko agad sina Mom and Dad na mag katabing nanunuod ng tabi. They're so sweet. Dahil na rin sa kahibangan ay naiimagine ko na kami iyon ni Herold. Napatampal na lang ako sa pisngi ko.
"Good evening Mom and Dad!l masaya kong bati at hinalikan sila sa pisngi.
"Oh my princess you look so happy hah?" sabi ni Dad. Umupo ako sa gitna nila at nag lambing.
"Danica ang laki mo na. Sumisiksik ka pa samin. Spill it. Bakit nag lalambing ka?" si Mom naman.
Ngumisi lang ako saka mas sumiksik lang sakanila. Dito ko binuhos lahat ng kilig ko at saya. "Wala naman Mom and Dad. Namiss ko lang kayo!"
Ngumiti si Dad habang si Mom naman ay umiling iling pero yinakap din ako. Hinimas ni Dad yong ulo ko. "If someone hurt my princess. I swear to God. Hindi na makakasilay ng umaga ang lalakeng yon." seryoso ngunit pabirong sabi ni Dad.
Strikto si Dad. Kahit gaano kami ka-close ay hindi ako pinapayagan nag boyfriend. Same with Mom. Pero saglit lang Danica bakit ba ang advance mo mag isip? Boyfriend agad? Hinatid ka lang.
Sinugurado kong handa ako para sa screening bukas kaya pag katapos ko mag gawa ng ibang hmeworks ay nag practice ako sa mga maaaring itanong sakin bukas. Pag kapasok ko pa lang sa SUV ay agad na ako tinignan ng seryoso nina Danver at Joe. Umirap na lang ako dahil expected ko na ang itatanong nila.
"Natagalan ako sa quiz na binigay kaya nagabihan ako."
"Sasagot ka na wala pa kaming tinatanong. Guilty?" Danver. Ngumuso lang ako, ayaw ko masira ang araw ko.
"Sino nag hatid sayo kagabi?" tanong nya.
Automatic na lihim ako napangiti. Well pero hindi ko sasabihin sakanila syempre.
"Taxi malamang" sagot ko. Tumaas agad ang kilay ni Danver. Si Joe naman ay humalakhak ng nakakainsulto. "Dani hindi ka marunong mag commute."
"O bakit? Hindi ba pwedeng natuto na ako? Tsk!" I hissed. Alam ko hinuhuli ako nitong dalawa.
Bumuntong hininga na lang si Danver bago naiba ang topic. Sumuko na dahil hindi ko naman sila sasagutin ng maayos. "So kamusta ang quiz? Madali lang naman yong quiz sakanya ah."
Nag salubong ang kilay ko na lumingon kay Danver. Si Joe ay busy na nag cellphone sa gilid nya. Oh crap! my phone, naiwan ko sa Bar!
"Saan yong madali doon Danver? Eh wala nga ako nasagot!" reklamo ko. Naalala ko na naman ang nakakainis na nangyari sakin kahapon.
Nag kibit balikat si Danver "Baka iba yong binigay sayo. Absent ka kasi ng absent. Its your fault young lady."
Inirapan ko lang sya "I don't care, as if namang mag a-absent pa ako after non."
Mabilis kaming nakarating sa Xander University. Sinalubong agad kami ng ngiti at kaway ni Violet pag kapasok namin sa classroom. Kumawat pabalik ang dalawa saka dumiretso sa likod at ako naman ay naupo na sa tabi ni Violet.
"So how's the quiz?" bungad nya agad. Napahilot na ako sa sentido ko.
"Oh f**k. Can you please stop asking me some nonsense?"
"Hoy! Your mouth Danica" sabat ni Danver sa likod. Hindi ko sya pinansin at inirapan.
"What happen to her?" bulong ni Violet sa dalawa sa likod.
Binaling ko na lang ang ulo ko sa bintana. Agad nag liwanag ang mukha ko ng makita ko si Herold na seryosong nakikinig sa nag sasalita sa gilid nya. Gumaan ang dibdib ko ng makita ko kung sino ang kasama nya. Si Kevin. Mukhang napansin ako ni Kevin kaya ngumisi sya saka kumaway sakin. Doon ay lumingon din sa direksyon ko si Herold. Akala ko tititigan nya lang ako but I'm wrong. For the first he show me his genuine smile! Agad na lumundag ang puso ko.
"Get 1 whole sheet of yellow paper, you all retake your quiz!"
Napalundag ako sa pag bagsak ng libro sa teachers desk sa harapan. Nakita ko na galing ito kay Alexander na blanko ang mukhang nakatitig sakin— nakatitig sakin? kanina pa ba sya nakatingin sakin.
"Nako mukhang badtrip si Alex." bulong ni Violet na tahimik na nag lalabas ng yellow paper.
Napakunot ang nuo ko. Badtrip? Eh bakit kailangang ibuhos samin. Umirap na lang ako ng tahimik. I'm still pissed off sa pina quiz nya sakin kahapon. Lumingon na lang ako ulit sa bintana at nag babakasakaling nandoon pa sina Herold ngunit wala na sila. Makikita ko naman sya mamaya sa screening kaya okay lang.
"You don't need to retake your quiz Ms. Lladones. Maaari ka na lumabas." nangingibabaw na malamig na boses ni Alexander sakin.
Napapikit pikit ako ng sinalubong ko ang nakatingin saking mga mata ng mga kaklase ko.
"Bakit po Sir?" pasado ba ako sinagutan ko kahapon?
"Mukhang gusto mo na lumabas kanina pa kaya I will give you a chance to leave exchange of your quiz in my subject. What do you think?" nag uuyam nyang sabi sakin.
Wtf?! Lumapit sakin si Violet at pasimpleng bumulong "Nahuli ka kasi nyang nakatingin sa bintana."
Halos mag usok ang ilong ko sa rason na iyon. Dahil lang doon? Kung hindi lang ako takot na mawalan sa DL baka kanina pa lumipad itong yellow paper sa harapan. At dahil professor pa rin namin sya ay pinigilan ko ang halimaw sa loob ko na gusto syang sagut sagutin.
"Sorry Sir." sabi ko na lang. Sorry my ass!
Mabuti na lang ay hindi pa nya ito pinansin pa at nag simula na isulat yong sasagutan namin. Tinignan ko kung ano iyon, nakahinga ako ng maluwag na na-advance reading ko ito. Mabilis natapos ang oras namin sa subject nya kaya ng makaalis sya ay nakahinga ako ng maluwag. Nakahinga ng maluwag sa inis doon.
"Mukhang ikaw ang pinag iinitan ni Sir Alexander ah" komento ni Danver sa likod namin.
"Baka badtrip lang yon si Alex kaya ganon. Sorry sa inasal ni Alex" paumanhin ni Violet.
"Its okay. Ganon siguro kapag tumatanda na daig pa ang menopausal na babae."
Humalakhak si Violet sa sinabi ko "You know what, nakahanap ng katapat si Alex. And it's you! How I wish na mag kakilala pa kayo lalo"
Napakunot ang nuo ko "What the f**k are you saying Violet?!"
"Makapag react Dani kala mo papatulan ka ni Sir Alexander. Walang wala ka sa mga babaeng pinapatulan nya" si Joe.
"Oh bakit may sinabi ba ako na papatulan ko sya? Yuck! Ayaw ko sa lalakeng ilang taon ang agwat sakin! I prefer someone who's age is same with me"
"Inshort..Herold" Violet
"Hell right!
Umismid naman si Danver "As if papatulan ka rin non. Athena vs. Sayo?"
Napatahimik ako. Hindi dahil sa nainsulto ako sa sinabi ni Danver kundi naalala kong may girlfriend na pala si Herold and that's Athena. May anong gumuho sa puso ko. Lahat ng kilig na naramdaman ko mula kahapon ay biglang naging question na saakin. Hindi kaya masyado lang ako feeler?
"Hey Danver! That's too below the belt." seryosong saway ni Violet bago bumaling saakin "Are you ok Dani?"
Tumango ako "Sanay na ako sa mga unggoy na yan."
Humalakhak si Joe "Well I'm the handsome monkey I guess"
Dumating na ang second subject namin. Bumalik na kami sa pakikinig. Mabilis naman natapos ang mag hapon na lesson. Kaya heto ba kami nag aayos na ng gamit para umalis. Well ako hindi pa. May screening pa ako.
"Screening nyo ngayon diba?" Danver asked. Tumango ako habang tumitingin sa salamin kung magulo ba ang buhok ko na naka ponytail.
"Panuorin ka namin!" masayang sabi ni Violet. Sumagot naman si Danver "Hindi tayo makakapasok nor makakasilip. Strikto ang SSG unlike other clubs.Kailangang hintayin ka na lang namin"
Umakbay naman si Joe kay Danver sabay may binulong. Napakunot una si Danver pero maya maya ay sumilay ang kilalang kilala kong ngisi nya. Tsk babae na naman ito.
"Alright. Hihintayin ka na lang namin sa parking lot. I-t-text ka namin."
"I lost my phone." sabi ko bago kinuha ang bag. Ang totoo kasi parang ayaw ko mag pahintay sakanila.
"What? Saan mo naman nawala yang phone mo?"
"Sa bar I guess." tipid kong sagot. Nag lakad na kami palabas ng classroom.
"Hiramin mo muna phone ko Dani" ani Violet saka tangkang iaabot sakin ang phone nyang may case na kulay Violet. Hindi namang halatang favorite nya ay Violet.
"No thanks. Ang mabuti pa mauna na kayo umuwi. Marami kaming i-screening baka magabihan pa kayo." kahit ang totoo ay kaunti lang ang sumali.
"Mas okay na hintayin ka namin dahil magagabihan ka." naging strikto na ang boses ni Danver. Kuya mode. Ngumingisi naman sa gilid nya si Joe.
Umirap ako "Kaya ko sarili ko please?"
Tumaas ang kilay ni Joe kahit may nakaplaster na nakakalokong ngisi sa labi nya "O bakit ayaw mo kami nag hintay sayo Dani? Ano yan.."
"W-well. I realize na I should learn how to be an independent woman. Eh"
Mas lalo kumunot ang nuo ni Danver while si Joe ay bumunghalit na ng tawa. Si Violet naman ay hindi alam kung kanino titingin.
"Wow! Independent Woman!" si Joe na tawa pa rin ng tawa, nakahawak na sa tyan nya.
"Woman huh? Let see who's your Man." si Danver na biglang nag walk out. "Hala lagot ka don! Susumbong ka nya kina Tito at Tita." pang aasar ni Joe.
Hindi naman ako nag salita ng sinunadan ni Joe si Danver paalis. Kami na lang ni Violet ang naiwan. Nang humarap ako sakanya ay ngumiti sya sakin. "Hayaan mo na yong dalawang yon. Sadyang masyadong protective lang sila sayo. Follow your heart. I'll support you Dani."
Sinuklian ko ng ngiti si Violet. Nag paalam na sya saka umalis. Ganon naman yong dalawang yon pero bukas nakalimutan na agad nila ito. Dumiretso na ako agad sa SC Building. Nakita ko na agad ang mga.. sa tingin ko ay nasa 20 na students na gusto tumakbong officer sa susunod na butohan. Mula sa sliding door ay nakita kong lumabas si Kevin, nang mag tama ang mata namin ay agad sya kumaway at nag lakad palapit sakin.
"Akala ko aatras ka na eh" sabi nya sabay lumingon sa haba ng pila "Pano yan mukhang magagabihan ka na nyan. Pero sa tingin ko mabilis lang siguro ito. Based pa lang sa nakikita ko wala masyadong magigisa." simpleng sabi nya.
"Sino ang mga haharapin namin sa loob?" I asked
Ngumisi ito "Ako syempre. Vice President eh"
"I mean sino sino?"
"Herold, Ako at si Athena. Don't worry makakapasok ka. May kapit ka.." sabay turo sa sarili. Hinampas ko na lang sya na kinahalakhak nya. I can't remember kung kelan naging feeling close itong si Kevin sakin tsk.
"Osige pala Danica. Pasok na ako sa loob. See you later!" kumindat muna ito bago pumasok na sa loob.
Hindi naman ako kinakabahan kanina pero bakit nang sinabi ni Kevin kung sino yong isa pang makakaharap ko mamaya ay dinaluhan ako ng kaba. Katulad nga nang sinabi ni Kevin mabilis ang naging usad ng pila.
"Kainis talaga yang Athena na yan! Grabe sya magtanong akala mo reyna e!" narinig kong sabi nung kakalabas. Kita ang inis nito sa tinutukoy.
"Hindi na ako magtaka kung walang babaeng makakapasok!" gatong ng kasama nya.
Sa narinig ko ay tumingin ako sa mga kasama ko na ngayon ay puro lalake na. Umiling iling na lang ako saka nag focus sa sasabihin ko mamaya.
3
2
2 na lang kami natitira. Kinakabahan na ako. Sumilip ako sa labas, madilim na. Talagang gagabihin ako rito. Bumukas ang sliding door at lumabas ang nakangiting lalake. Tiyak nakapasok sya. Pumasok na yong nasa harapan ko. Bale ako na lang ang natira dito sa labas.
Mabilis na bumukas ulit ang sliding door at niluwa nito yong kakapasok pa lang na estudyanteng lalake. Nakangiti rin ito. Hindi ko na lang pinansin pa. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Naramdaman ko agad ang lamig na dulot ng aircon sa balat ko.
Hakbang ko at yong aircon lang ang maririnig sa loob. Ramdam kong may nakasunod ng tingin sakin at ayaw ko na pangalanan kung sino pa. Huminto ako sa gitna saka nag angat ng tingin sakanila. Sinalubong ako agad ng nakataas na kilay ni Athena, Nakangisi habang nakalagay ang index finger sa jaw na si Kevin at yong seryosong tingin na kanina ko pa nararamdaman na galing kay Herold.
"Say something faster!" sigaw ni Athena na kinatalon ko. Napamura ako sa sarili ko. s**t ito ba yong sinasabi nila?
Tumikhim na lang ako "Danica Lladones—"
"We already knew who you are because it's already written in your form. Just direct to your Mission and Vision please!"
Fuck! Ganito rin ba talagang ginawa nya sa mga babaeng na-screening nila kanina? Pahiyain? Tsk! I'm starting to hate this Athena Mendez huh. Dumako ang tingin ko kay Herold na mukhang nag hihintay rin sa sasabihin ko.
"Vission. The Supreme Student Government is a autonomous governing body that is a partner of the institution which actively participates in making Xander University competent, responsive, and accessible to all."
Tumaas ang kilay ni Athena sa sinabi ko. s**t I'm now sweating, actually kinuha ko lang ito sa internet kagabi.
"Mission?" nakataas pa rin ang kilay nya.
"The Supreme Student Government's mission is to engage students in policy making and recommend proposals for quality, accessible, and relevant education; promote cooperation and empowerment among students through trainings and seminars; advocate for student morality, rights, and welfare; and provide student services."
Nakatitig lang sakin si Athena na parang binabasa ang nasa isip ko. Sumandal sya sa swivel chair na inuupuan.
"What is your vital statistics?"
Vital statistics . Huh what? Seryoso ba sya sa tanong nya? Is it still connected? Nakita kong nag pipigil tumawa si Kevin sa tabi ni Herold. Nakataas naman ang kilay ni Herold sakin. Are they serious?
"Hey! I'm asking you. What is your vital statistics?" pag didiin ni Athena.
Damn wait! Nag p-process pa sa isip ko bakit kasama ang tanong na yan. Okay!
Huminga ako ng malalim "34-24-34.."
Napataas ang kilay ni Athena bago tumingin sa katawan ko. Kasali ba dapat na perfect ang body? Pati si Kevin ay nakitingin na rin. Para naman ako naconscious sa suot ko ng dumako rin ang tingin ni Herold sa kabuuan ko. Well wala namang maganda sa suot ko, I'm wearing my signature look: a high waisted jeans and polo crop top. White rubber shoes down. But I'm f*****g conscious!
Tumango tango si Athen bago nag taas ng tingin sakin. Bigla nawala ang strikta nyang mukha kanina at napalitan ng mahinahon at maamong mukha. "Congrats! You're the first woman who answered my question correctly"
Tumayo ito at lumapit sakin na nakangiti. Nag lahad sya ng kamay "Welcome to SSG. I'm Athena Mendez your truly secretary. But next election will be the new Vice President"
"A-ah hi!" hindi ko alam kung ano isasagot ko dahil na-shock ako. Parang kanina.. Wait now I realized.. baka hindi nakapasok yong ibang babaeng estudyante dahil hindi nila nasagot yong tanobg ni Athena na 'What is your Vital Statistics' weird
"Danica pasensya sa kabaliwan nyang Athena na yan. Hindi kami aware ni Pres na mag tatanong sya ng ganyan sa lahat ng babaeng aplikante" si Kevin na umiiling-iling.
Ngumuso si Athena na nag pa-emphasize ng mapula nyang labi na sobrang natural. "Eh nakita ko lang yan sa f*******:. Some girls kasi hindi alam yan. Mas okay na yang tanong na yan kaysa about leadership na naman. Tsk"
Lumingon ako kay Herold na nag taas ng thumbs up and mouthed me 'Congrats' parang tumalon naman ang puso ko doon. Humarap sakin si Athena na nakangiti.
"Myghad! Kaya hindi na ako nag dududa na palagi ka panalo sa mga pageant dito sa campus. You've a Victoria secret model's vital statistics!"
Ngumiti ako na nahihiya. Well I'm not aware na pang Victoria Secret pala ang ang katawan ko. Basta ang alam ko masarap kumain.
Pag katapos nila mag salita ay nag paalam na ako saka nag pasalamat. Pag kalabas ko saka ako nakahinga ng malalim. Sumandal ako sa dingding para makahinga saka pumikit. Sa wakas nakapasok na ako sa SSG! Hindi ko pinansin ang bumukas na pintuan sa kung saan. Basta ninanamnam ko ang saya na nararamdaman ko!
"What are you doing Ms. Lladones? Daydreaming at night?" a familiar baritone voice wake me up.
Nagmulat ako ng mata. At hindi ko alam bakit agad dumako ang paningin ko sa suot nya. He's wearing a black tuxedo. Same from what he wore the night we first met at the bar. Tumaas ang tingin ko sakanya. I gulped when I saw his eyes behind his eyeglasses serious and the same time.. furious?