Napalingon ako sa nag bukas na sliding door sa gilid ko, niluwa nito si Herold na nakasuot na ng black jacket nya na ready na siguro umuwi at sumakay sa Ducati nya. Nag angat sya ng tingin sa taong nasa tapat ko na nakasuot ng black tuxedo.
"Good evening Sir.." bati ni Herold na kahit seryoso ang mukha ay bakas pa rin ang pag tataka sa suot ni Alexander.
Tumikhim si Alexander na kinalingon ko sakanya. Formal na ang mukha nyang nakatingin kay Herold "Is your SSG adviser know about this? Gabi na nag papa-screening pa kayo."
Mukhang natauhan si Herold "Yes Sir. We already informed Ms. Cruz that there's a possibility na gagabihin kami sa screening." nakayukong sabi nito.
Tinitigan lang sya ni Alexander bago bumaling sakin na nakakunot ang nuo "How about you?"
"Huh? What me?"
"Ako na ang mag hahatid sakanya Sir. After-all its our responsibility to—"
"Na mag hatid?" putol ni Alexander na kinakunot ng nuo ko. Ang hilig nya talaga mang putol ng sasabihin!
Pansin kong sumeryoso ang mukha ni Herold bago sumagot "Ibig ko sabihin Sir. Responsibility namin o ako na ihatid si Danica sakanila. Late na at kami ang huli nyang nakasama."
Parang may tumalon sa puso ko sa narinig ko. Ihahatid nya ako ulit? Isasakay na naman nya ako sa Ducati nya? Hindi ko mapigilan ngumiti. Biglang lumabas sina Athena at Kevin sa room. Agad sila napatayo ng tuwid ng makita si Alexander.
"Good evening Sir" ani nila. Lumapit si Athena Mendez kay Herold saka kumapit sa braso nito. May kung anong bumara sa lalamunan ko.
"Let's go na!" yaya nito sakanya saka bumaling samin. Huminto sakin "Oh you're still here Danica. Hinihintay mo ba service mo?" inosenteng tanong nito.
"Ah.." tumingin ako kay Herold na ganon ding nakatingin sakin. Pinapanuod ako ngunit hindi ko kayang tumagal sa titig nya habang may nakadikit sakanyang Athena Mendez.
"Ako na mag hahatid sakanya! Mahirap na maiwan ng gabi rito at mag hintay. Right Sir?" si Kevin. Ngayon ko lang naalala na andito pa rin si Alexander.
"Yeah. It's better na ihatid mo na sya Kevin. Anyway I gotta go." paalam ni Alexander. Since pinapanood ko ang bawat pag kilos nya ay napalundag ako ng nilingon nya ako ng mabilis. I gulped when he smirked. Akala ko may sasabihin sya ngunit nag lakad na sya paalis
"Sir Alexander is such a hottie!" komento ni Athena Mendez "Pero syempre mas hot ang boyfriend ko. Diba Herold?"
Hindi ko sila tinitignan habang sabay kaming apat na nag lalakad papunta sa parking lot. Nasa tabi ko si Kevin "Dala mo yong 2020 Ducati Panigale Superleggera V4, Herold?"
Kevin is talking about the Ducati of Herold. Yong sinakyan ko kagabi.
"No. Yong Honda yong dala ko."
"Ow the latest 2020 Honda CBR300R. Pero gusto ko makita yong Ducati mo. Hindi mo dinadala yon dito sa University ah" tanong ni Kevin.
Hindi pa dinadala? Saka ako nag angat ng tingin kina Herold. Kahit madilim ay seryoso ang mukha nito habang nag lalakad. Nakakawit pa rin sakanya si Athena Mendez na busy kumalikot sa phone nito. Oh how I miss my phone!
Nag angat ito ng tingin sa pinag uusapan ng dalawa "I didn't know that you have a Ducati! I thought nasakyan ko na lahat ng motor mo Herold. Bad"
Humalakhak naman ng napaka-lakas si Kevin "Oh Athena, just be proud of yourself that you already ride all his motorcycles even the owner!"
Automatic na namula ako sa sinabi ni Kevin. What the hell Kevin! Andito ako oh. Hindi ko tuloy maiwasan na maisip yong sinabi ni Kevin. Tsk what a dirty.
"Kevin! " sigaw sakanya ni Athena Mendez na namumula. Patuloy pa rin sa pag halakhak si Kevin, nagulat ako ng umakbay sya sakin "Hey Danica mag salita ka naman. Mapanis laway mo bahala ka"
Kung wala lang si Herold sa tabi ko baka kanina ko pa tinarayan at binara itong si Kevin. Pero dahil andito sya, hindi..muna.
Nakarating na kami sa parking lot ng university. Dumiretso si Athena kay Herold na nag hahanda na sumakay sa Honda Motorcycle nya. Katabi nito ang isang BMW Series. 3 na pag mamay ari ni Kevin.
Pinanuod ko lang na sumakay si Athena Mendez sa likod ni Herold. Hindi ko mapigilan na mainggit. Bago pa ako lingunin ni Herold ay sumakay na ako sa loob.
"Mauna na kami. Drive safely" rinig kong sabi ni Herold. Humalakhak naman si Kevin "I will Pres. Thanks sa care"
Maya maya ay narinig ko na ang pag alis nina Herold. Pumasok na si Kevin. He start the engine. "Turo mo na lang sakin kung saan yong sainyo okay?"
Tumango ako bago tumingin na lang sa bintana. Ngayon ko lang naramdaman yong pagod.
"Anyway congrats! Sabi ko sayo makakapasok ka eh. Pano yan next month na ang election. 2 party list lang ang mag lalaban. Kami at yong mga newbie." paliwanag nito habang nag d-drive.
Hindi ako sumasagot, nag patuloy sya sa pag papaliwanag "Since tatakbong Vice President si Athena at si Herold ay President pa rin. Business Manager ang pinili ko. Ikaw? Nakapili ka na ba? Automatic na sa partido ka namin."
"Ano pa ba ang open na position sainyo?" I asked.
"Any positions" sinimangutan ko sya ng ngumisi sya. "Kidding! Secretary at isa pang Business Manager. Kung ako sayo Business Manager na lang para madali at kasama mo ako. Kapag secretary kasi maraming gawain at palaging kasama ng President sa bawat seminars and gatherings."
"I choose Secretary." mabilis na sagot ko.
"Huh? Matrabaho yon. Kaya nga iniwan na ni Athena yon."
"That's what i like.. maraming ginagawa" kahit in reality ay hindi.
Kevin just shrugged his shoulders "Its your choice. Pero sabagay para araw araw kita nakikita sa SC Building.." bulong yong dulong sinabi nya. Hindi ko na lang pinansin kung ano pa ito. I'm so tired.
Dalawang linggo na pag katapos nangyari ang screening na iyon. Last week na ng month ng August ngayon. Malapit na nag election. Katulad nga ng sinabi ni Kevin ay sa partido nila ako at secretary ang tinakbuhan ko.
"f**k! I'm so hungry. Napagod ako sa pa-tango ni Sir Palo" si Joe. Tukoy sa PE teacher namin. Papunta na kami ngayon sa canteen para mag lunch.
Umakbay naman sakin si Danver. O diba bati na kami nyan "Kailan kayo mag lilibot libot?"
Nag kibit balikat ako "I don't have any idea. Wala pa naman nag tetext sakin" and yes may bago na akong cellphone. Hindi ko na rin binalikan yong phone ko na naiwan sa bar. Baka hindi ko na rin ito makita eh.
"Talagang hindi mapagod si Herold tumakbong Pres. Sabagay VPres naman nya yong girlfriend nya na si Athena Mendez"
Sumingit si Violet samin "Ay oo nga pala Dani Goodluck!" ngumiti ako sakanya at tinanguan. Kahit kinakabahan na ako.
"Mananalo ang partido nyo pustahan!" ani Joe ng makaupo na kami sa pwesto namin nasa tabi nya si Danver "Alam nyo bakit? Madadala kayo ng pangalan ni Herold at Athena."
Tumango naman si Violet sa gilid ko "You're right but.. i believe pa rin naman sa kakayahan ng kaibigan natin" lumingon sya sakin "Galingan mo ah! Mag bar tayo after makuha ang result"
Namiss ko mag bar pero I promise kina Mom and Dad na wala munang ganon hanggat may pasok.
"Kami ang mag papaalam kina Tita." biglang sabi ni Danver na kinagulat ko. "Really?"
Tumango tango naman ito habang pinag lalaruan ang baso na nasa harap nya bago tinaas ang titig sakin "Sa isang kondisyon.."
Tumaas ang kilay ko "Ano naman?" tumawa na si Joe sa gilid nya na parang alam kung ano yong hihilingin ni Danver.
"Payagan mo na kami mambabae. Kasi the heck! I miss my babes already!"
"What the heck?!"
Humagalpak ng tawa si Joe "Nag mamakaawa na kami Dani. Hindi na namin ikaw guguluhin kay Herold basta wag mo na rin kami guguluhin sa pag bababae namin"
"Excuse me? Kahit hindi ko kayo sabihan nag bababae pa rin kayo. Take note mga junior high pa." irap ko.
Napamura naman sila sinabi ko. Alam kong pumupuslit sila ng babaeng highschooler na akala nila hindi ko alam. Syempre may taga sumbong sakin. Yong babae na nasa gilid ko. Kumindat si Violet sakin bago pinag laruan ulit ng straw ang shake nya.
"Danica! Mabuti nahanap kita" boses ni Kevin iyon na kapapasok pa lang sa canteen. Lumapit ito samin.. sakin.
"May urgent meeting tayo ngayon sa SC Building. Si Pres ang nag papatawag" sabi nito. Agad na ako napatayo.
"Oy oy san kayo pupunta?" si Danver. Saka lang narealize ni Kevin na kasama ko pala yobg mga kaibigan ko.
"Uy andito pala kayo. Kunin ko muna si Danica. Kailangan kami sa SC ngayon."
"Bakit pinapunta ka pa? Hindi nyo na lang tinext?"
Gusto ko umirap kay Joe. Tinitigan ko na lang sila ng masama bago lumingon kay Kevin "Halika na." yaya ka. Iniwan ko yong tatlo doon. Kinawayan ko na lang sila bago kami tuluyan na nakalabas.
"About ba ito sa election sa susunod na linggo?" tanong ko.
Tumango ito "Oo. Kailangan na ata natin mag simula mag pakilala."
Madali kaming nakarating sa SC Building. Pumasok kami doon sa dating pinag-screening. Halos buo na sila pag karating namin. Kami na lang ang kulang. Nasa gitna nakatayo na sina Herold at Athena. Kumaway agad na nakangiti si Athena sakin. Mabait naman si Athena sakin. Hindi sya ganon sa iba na dapat ko i-hate. Pero may part pa rin sakin na ayaw ko sakanya. Siguro dahil na rin na sila ni Herold. Tabi kaming umupo ni Kevin sa harap.
"Alam kong may hint na kayo bakit ako nag patawag agad ng meeting" seryosong sabi ni Herold bago sumaglit ang tingin sakin. Napahinga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung dapat pa ba ako umasa sa mga tinginan nya ngayong nag daang linggo. Pag katapos ng screening na iyon ay hindi na kami ulit nag kasama. Nag kakasalubong na lang. Pero kahit ganon ay ramdam kong may gusto sya sabihin sa mga titig na pinupukol nya.
Napaiwas ako ng tingin ng hinawakan ni Athena Mendez si Herold sa balikat. Sobrang bagay talaga sila.
"Katulad nga nang sinabi ko. Bukas ay mag sisimula na tayo nag libot libot. Please prefer yourself. Meeting adjourned"
Tumayo na kami ni Kevin pag kasabi non. "Hatid na kita sa klase mo. Para alam nila na excuse ka dapat." pinakita nya sakin yong excuse letter na dapat ay binigay nya muna sa next prof namin bago ako hinila sa SC Building.
"Absent na ako automatic" irap ko sabay kuha ng bag ko. Tumawa naman ito bago kami sabay nag lakad papunta kina Herold at Athena.
"Pres alis na kami. Hatid ko lang to si Danica sa klase nya. Nakalimutan ko ibigay sa next prof nya kanina yong excuse letter eh"
Kumunot ang nuo ni Herold. "Absent nya sya automatic nyan" lumingon sya sakin "Sino Professor mo this period?"
"Si Ma'am Mors" parang hindi ako huminga ng binanggit ko ang pangalan ng terror naming professor.
Tumango tango naman si Herold na parang hindi naman nagulat. Napamura naman sa gilid ko si Kevin "Hala s**t! sorry si Ma'am Mors pa pala yon"
"Okay lang.." sabi ko na lang. Wala naman akong magagawa.
Tumaas ang kamay ni Herold.
"Kevin samahan mo muna si Athena dito. Ako na bahala kay Danica."
Automatic na napalingon ako sakanya na seryoso ang mukha. Sumagot naman si Kevin "Are you sure Pres?"
Tumango si Herold "Saka may kukunin ako kay Ma'am Mors ngayon."
"Aalis ka Herold?" ani Athena sa gilid nya. Hindi sumagot si Herold bagkus ay lumapit kay Athena at may sinabi na hindi namin marinig. Maya maya ay nag liwanag ang mukha ni Athena. Lumingon sya kay Kevin "Tulungan mo muna pala ako ayusin itong mga files." bago bumaling sakin. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa inosente nyang mukha "Nako Danica kailangan mo maging madaldal sa pag lalakad nyo. Tahimik lang itong lalakeng ito!" tumatawang sabi nya.
"Madaldal naman talaga yang si Danica hahaha!" sabat ni Kevin na sinamaan ko ng tingin. Hinarang ni Herold ang katawan nya sa paningin ko. Tumingala ako sakanya. Bumilis ang t***k sa dibdib ko ng mag tama ang aming mata.
"Come on."
Yon lang ang sinabi nya at tinalikuran na ako. Napapikit pikit pa ako. Makakasama ko talaga sya ngayon? Humakbang na ako para maabutan sya. Nasa labas na sya agad.
"Ang bilis mo naman mag lakad Herold." hinihingal na sabi ko. Pano naman ang layo na agad nya pag kalabas ko ng SC Building.
Mag papahinga na sana ako ng kumunot ang nuo ko sa tinatahak naming daan. "W-wait bakit papunta tayong parking lot?" para akong kumakausap ng pader dahil ni isa hindi umiimik.
Dahil na rin mag kakasing-height lang sila nina Danver at Joe. Mga 6 footer, malalaki ang hakbang nya. Nag surrender na rin ako sa pag habol sakanya. Nakakahingal pala habulin itong matangkad na to kahit lakad lang ang ginagawa nya. Huminto na sya sa harapan ng motor nya. Sumaglit tingin ako sa dala nyang motor bago nag habol ng hininga.
"S-san ba talaga tayo pupunta?" hindi ko na natago ang pag kairita sa boses ko. Inabot nya sakin yong helmet na ginamit ko dati.
Tumaas ang sulok ng labi nya "Tama nga sabi ni Kevin, madaldal ka."
Kumunot ang aking nuo bago huminga ng malalim "Sorry. Eh kasi hindi ko alam bakit sa parking lot tayo nag punta. Akala ko ihahatid mo na ako klase ko."
"I have an urgent game."
Sumakay na sya sa motor nya ngayon. Ducati ang gamit nya ngayon. Same ng pinanghatid nya sakin dati. Nakasuot na rin sya ng black jacket nya. Nag salubong ang kilay nya ng makitang nakatayo pa rin ako sa harap nya.
"Sumakay ka na. Ma-l-late na ako."
"Game?" tanong ko
Tumango sya kahit nag titimpi. "Huh paano klase mo? Klase ko? Maaabsent tayong dalawa—"
He cut my words " Tayong dalawa." he emphasized the word 'tayo' Napahinto ako dahil doon at tinitigan lang sya. Pinagpatuloy nya ang sinasabi nya "I'm not a perfect President. I'm still a student after all."
"B-but we will ditch our—"
For the second time he cut my words. Tinignan nya ako ng seryoso "Are you not happy?"
"P-pardon?"
Tinitigan nya lang ako saka tumalikod. Binuhay na nya ang Ducati nya. Naalarma ako nang akmang aalis na sya at iiwan nya ako.
"W-wait sasama ako!" and with that huminto sya. Nagmadali na ako sumakay. Sinuot ko na rin yong helmet. Napadaan ako ng tingin sa side mirror nya. Kahit nakahelmet na rin sya ay alam kong nakatingin sya sakin. Nang inalis na nya ang tingin nya sakin, nag simula na kami umandar. Napapikit ako at huminga ng malalim. Alam ko na sa pag alis namin ng Xander University may pinasukan akong sitwasyon na mali pero masaya sa damdamin
ko.