Huminto kami sa tapat ng isang abandonadong bahay. Umalis na ako sa Ducati, nilapag ko na lamang yong helmet sa ibabaw. Pinagmasdan ko yong paligid. Parang nasa bukid kami, hindi ko namalayan na malayo na pala ang byinahe namin ni Herold. Speaking of Herold, nakita ko na syang nag lalakad papasok sa loob ng bahay. Sinundan ko naman sya.
"Herold sure ka bang dito kayo mag lalaro?" I asked. Nag tataka pa rin ako bakit sa abandonadong bahay kami pumunta. Ano bang klaseng laro yon? Unti unting nanlaki ang mata ko ng may na-realize.
Hindi kaya...
"Herold are you a gangster?"
Napahinto naman ito at kinunutan ako ng nuo "What are you talking about?" hindi ko sya sinagot. Umiling iling sya saka lumapit sakin at pinitij ako sa nuo "Silly. Its just a basketball game. Pasok na tayo"
Pag kapasok namin ay doon lang ako naniwala na basketball ang lalaruin nila. Malawak na court agad ang bumungad samin pag kapasok. May mga nag lalaro na sa loob. Lahat sila ay matatangkad din katulad ni Herold. Napalingon naman saamin yong isang lalake na nag 3 points.
"Hey man! Mabuti naman nakarating ka. Akala namin excuse ka na naman dahil sa pagiging president mo."
Nakipag fist bump si Herold saka tipid na ngumisi "Never. Anyway where's the Wildcats?"
May tinuro yong lalake sa likod na bahagi ng court "Nag papalit na ng damit." lumingon ito sakin "Woah. Who's this chicks Herold? Last time si Athena ang dala mo ah. Bago?"
"Tado." sabi lang ni Herold. Nag lahad naman ng kamay yong lalake sakin na nakangiti. Ngiti pa lang alam ko ng playboy na. "I'm James Mendoza. Captain ng Red Tigers."
Tinanggap ko na lang at ngumiti ng pilit "Danica Lladones"
"Chicks ni Herold?" kumunot ang nuo ka sa sinabi ni James bago humalakhak.
"JAMES!" may tumawag kay James na babae sa likod nya. Lumapit ito saamin. She have a fair skin, Straight ang black na buhok at may katamtamang bilog ang mata. Kumawit ito sa braso ni James. She must be his girlfriend?
"Hi Herold! Hi din.." tingin nya sakin.
"She's Danica my friend." Herold.
"Oh hi Danica. I'm Ellyssa, his girlfriend." pakilala nya. Ngumiti lang ako sakanya. Hindi na lang ako nag isip sakanila. Maya maya ay tinawag na si Herold.
"Dito ka lang sa bench. Tinatawag na ako nina James." paalam nya. Tumango ako saka ngumiti. Umalis na sya at naiwan ako dito sa bench mag isa.
Red Tigers vs. Wild Cats ang mangyayari. Team nina Herold at James yong Red Tigers. Nakuha ko na bakit dito sila nag lalaro sa kasulok sulukan. Lahat kasi ng mga andito ay mga may klase. Kumbaga katulad ng ginawa namin ni Herold ay nag ditch din sila ng klase nila para sa game na ito. Well i feel na hindi ito ordinaryong basketball game. May pustahang nagaganap. Money maybe.
Pumito na ang referee nila na estudyante din. Nakita kong pumasok na sa loob yong team nila Herold. Halos mapaawang ang bibig ko ng makita ko sya sa jersey tshirt and short nya. Red ito na may black. This is my first time na makita si Herold na nakasuot ng jersey. I can say he's hell gorgeous with his jersey! Nag simula na ang laro. Hindi ako fan manuod ng basketball pero dahil dito bigla ako nag kainterest.
Nang na kay Herold na yong bola hindi ako mapakali sa pwesto ko. Sinusubukan syang agawan ng kalaban. Sumisigaw na si James na ipasa sakanya. Kahit pawisan si Herold ay ang gwapo pa rin nya, dagdag mo pa yong seryoso nyang mukha na nakatuon sa game.
Napatayo na ako ng nadistract nya yong kalaban at nag 3 points. Sumigaw ang mga supporters nila ng pumasok ito. Kahit ako ay nakisabay na rin sa sigaw.
"Lakas pa rin!" sigaw nung isang ka-member nila na naka-bangko. Kung hindi ako nag kakamali si Mark Mendoza iyon.
Ngumisi si Herold sa mga kasama at nakipag apir. Yumuko ito dahil sa pagod. Bigla ito nag taas ng tingin sa direksyon ko. Hindi ko alam na nakangiti na pala ako sakanya. Ngumiti rin sya pabalik na nag patalon sa puso ko. Pumito ulit ang referee para bumalik sa game. Masasabi kong mas lamang sina Herold kaysa sa kalaban nila. Sobrang tambak na.
Ilang oras ang tinagal ng game. Kita na ang pagod sa mukha nila pero kahit ganon ay napanalo pa rin ng team nila Herold ang game. Sa sobrang dala ko sa game ay nag mamadali ako bumaba at lumapit kay Herold na kahit pawis na pawis ay mukha pa ring fresh. Bagsak na ang buhok nito.
"Herold congrats! Ang galing nyo" bati ko. Inabot ko sakanya yong blue gatorade.
"Thanks Danica." sabi nya bago binuksan ang gatorade at ininom. Dumating naman sina James at Mark.
"Hindi ba kayo sasama sa celebration after nito?" si Mark.
Agad na umiling si Herold pag katapos maubos ang gatorade. "May last period pa kami na hahabulin. Next time na lang."
Nag paalam na muna sila saakin na mag shower sila saglit. Sinabi sakin ni Herold na doon na sa Ducati ako mag hintay kaya lumabas na ako. Sakto naman ang pag tunog ng phone ko. Dito lang kasi sa labas ang may signal. Nakita ko ang pangalan ni Danver doon na tumatawag. Bigla ako inatake ng kaba. Sasagutin ko ba o hindi? Namatay ang tawag pero muli tumawag ulit. Wala na ako magawa pa kaya sinagot ko na.
"Hello."
"Hoy babae ka asan ka?! Bakit absent ka sa 2 subject?! Nakasalubong namin si Kevin, sabi nya kanina pa kayo umalis ni Herold. Don't tell me umalis kayo? Hoy sagot!"
Napamasahe na lang ako sa ulo ko. "Oo na hinatid ako ni Herold p-pero tumakbo ako sa bahay at umuwi."
Naririnig ko sa kabilang linya ang daldalan ng mga kaklase ko. "Bakit ka umuwi?— Si Dani ba yan? Pausap naman ako— Mamaya na pinapagalitan ko pa!"
"W-well. Natagusan ako. Kailan ko mag palit." pag sisinungaling ko kahit nakakahiya yong sinungaling ko.
Napatahimik naman si Danver sa kabilang linya. Nahiya rin siguro. "O-oh okay. Hahabol ka pa ba sa last subject?"
Narinig ko na sina Herold na papalabas ng bahay. "H-hindi na siguro.. ah s**t ang sakit ng puson ko.. ibababa ko na ah? Sorry. See u bukas na lang." saka mabilis kong binaba.
"Oo nga eh. Mukhang napikon yong isa. Hahaha." nag kwekwentuhan sila.
Inayos ko yong sarili ko bago inabot na kay Herold yong helmet nya. Nakangisi pa rin sya sa mga pinag kwekwentuhan nila mag kakaibigan. Saglit ako napatitig, ngayon ko lang nakitang ngumisi ng ganito si Herold. Mostly kasi seryoso ang mukha nya kapag sa loob ng University.
"Osige mauna na kayo. Hinihintay namin si Ellyssa, may binili sa tindahan" si James katabi ni Mark na nakapamulsa. Ngayon ko lang napansin na may part na mag kapareha sila. Blood related?
Nakipag fist bump muna si Herold sakanila bago sumakay sa Ducati nya. Ngumiti lang ako sa dalawa saka nag paalam. Hindi talaga ako masalita sa hindi ko kilala.. especially kapag playboy. Pero labas naman doon yong dalawang mokong.
"Hindi na ako pala babalik ng University.." sabi ko ng binuhay nya ang Ducati nya.
Slight syang tumingin sa gawi ko "Why?"
"Ahm.. last subject na lang naman kasi yon kaya yon.."
"Is that so? Hatid na kita." sabi nito at agad na sinuot ang helmet. Hindi na ako nakapag salita pa ng umandar na ang Ducati nya.
I'm still in a process of believing that it is real. Parang kasi panaginip lang itong nangyayari. Ako malapit kay Herold, Ako na kausap si Herold at Ako na abot kamay na si Herold. Parang dati iniisip ko lang ito pero ngayon nag katotoo na.
Nakarating na kami sa bahay. Nahihiyang ngumiti ako sakanya ng makababa na ako at inabot sakanya ang helmet.
"Salamat Herold.."
Tumango lang sya "Goodluck for tomorrow. Morning tayo mag lilibot libot so be early. "
"And don't worry, binigay na namin agad sa mga professors nyo yong excuse letter." dagdag pa nya.
"Ah sige." i bit my lip. Nahihiya ako sa titig nya "Ingat ka pala Herold." sabi ko na hindi makatingin sa mata nya. Kumaway na ako sakanya saka nag lakad na palapit sa gate.
"Danica.."
Lumingon ako sakanya na ganon pa rin ang pwesto. But this time, mas naging seryoso ang mukha nya.
"I know that it will make you— f**k!" mura nya. Pansin ko ang pag pula ng batok nya pataas sa pisngi nya. Is he blushing?
"Danica!" parang nahihirapan nyang sabi. A-ano ba sasabihin nya? I'm getting nervous here.
"Herold.." bulong ko.
"I like you.. I like you so much Danica, since the day I first saw you in the Leadership Training Camping Program.."
Tulala akong nag lalakad kinaumagahan sa loob ng classroom patungo sa upuan ko. Una ako napansin ni Violet na nakangiti sakin.
"Good morning Dani! Oh bakit parang hindi ka natulog?" hindi ko sinagot si Violet at dumiretso upo na lang sa pwesto ko. Gusto ko matulog ngunit nay bumabagabag sa isipan ko!
"What the f**k man?! Bawas star na naman tayo!" inis na sabi ni Danver sa likod ko. Nag-tsk naman si Joe. Ayaw ko na sila pansinin pa, yumuko na lang ako sa desk ko.
"Dani masakit pa rin ba yong puson mo?" bulong ni Violet sakin.
"Uy anong nangyari dyan?" Joe
"Tsk! Its girls thing you know. Mag laro na lang kayo." Violet.
"She's our friend Violet." seryosong wika ni Danver bago ko sya naramdaman sa gilid ko na nakasilip sakin "Hey, do u want to take some meds?"
Umiling iling ako. "Ayos lang ako. Gusto ko lang mag pahinga" bulong ko.
Bumuntong hininga naman si Joe "Sa clinic ka na lang mag pahinga kaya?"
Hindi ko na sila pinansin pa. Na-g-guilty rin ako sa pag sisinungaling ko sakanila. Napabuntong hininga na lang ako bago binaon ang mukha sa desk at pumikit muna para umidlip.
Nagising naman ako sa pag takip sakin sa balikat. Sumakit ang ulo ko dahil sa bitin kong tulog. Kung kailan makakatulog na ako saka may mang gigising sakin tsk.
"Bakit?" nakapikit na sabi ko kay Violet. Pero imbes na boses ni Violet ang narinig ko.
"Hoy Danica kanina ka pa hinihintay ni Kevin sa labas! Hay nako!" boses iyon ni Omar. Lintek na bakla na to!
Nakita ko nga si Kevin sa labas na nakangisi sakin kumakaway. Napatampal na lang ako sa nuo ko. Oo nga pala mag papakilala na kami sa bawat rooms o department. Makikita ko sya, makakasama ko sya. Gusto ko sya iwasan pero sinasadya ata ako.
Nag paalam na ako kina Violet, Danver at Joe. Sinabi ko namang sabay kami mag l-lunch. Ayaw pa sana nila ako payagan especially Danver baka sumakit pa daw lalo ang puson ko. Hayy, kung alam nyo lang guys.
"Bagong gising ah Danica" bungad na asar agad sakin ni Kevin. Inirapan ko lang sya saka sumama sakanya mag lakad. "Nasa ilalim sila ng mahogany. Nag m-meeting. Ilang minutes na lang kasi mag sisimula na tayo." tumango na lang ako.
Hindi na nag salita pa si Kevin ng makarating na kami sa ilalim ng mahogany. Andito na sila lahat. Lahat.. syempre Athena at.. Herold.
Lumapit si Kevin sa dalawa kaya napalapit na rin ako. "Ano sabi ng ilang professors ? Pumayag naman?"
"Oo maliban lang sa isang professor. Baka makaabala daw tayo sa klase nya."
Boses ni Herold iyon. Iniwasan ko talagang hindi sya tignan. Na kina Athena at Kevin lang ang ginagawi ng mata ko.
"Huh? Sinong professor? Ilang minuto lang naman ang hihingin natin sa klase nya ah."
"Si Sir Alexander." ani Athena.
Napataas ako ng kilay ng marinig ko ang pangalan ng isa sa mga kinaiinisan kong professor. Ngayon ko na lang narinig pangalan nya.
Pag katapos non ay nag simula na kami mag libot. Sinumulan muna namin sa Junior High. Marami ang junior high kaya kahit ilang oras na ang ginugol namin ay hindi pa rin namin nakalahati ito. Ang laki ba naman kasi ng Xander University eh.
"Cookies and water Danica." napatingin ako sa boses na yon. Nakangiti si Athena sakin ng inaabot nya sakin iyon. Nag pahinga kami saglit.
"Salamat Athena." sabi ko na lang saka kinuha yong iniabot nya. Akala ko ay aalis na sya pero naupo sya sa tabi ko na pwesto ni Kevin.
"Bakit Secretary pala ang kinuha mong posisyon?" biglang tanong nya.
"Yon ang available eh" sabi ko na lang. Tumawa naman sya "You'll regret it. Sobrang hirap maging secretary. Andaming gawain."
"Well that's the secretary's responsibilities eh."
"Haha I thought may gusto ka kay Herold kaya Secretary ang kinuha mo."
Napahinto ako sa pag kagat ng cookies. May alam ba sya? Pero nang lumingon naman ako sakanya ay parang wala namang ibang meaning yong sinabi nya. Ngumiti sya sakin bago ngumuso.
"Kahit gusto ko mag stay as a Secretary of SSG hindi na pwede. 3rd year na kami. Less obligations na dapat at more focus na sa studies." 3rd year na sila Athena, Kevin at Herold. Mas angat sila sakin ng isang taon. Pero hindi ko kayabg tawagin silang Kuya at Ate lol.
"Kaya nga hindi ko alam bakit gusto pa tumakbo ni Herold ng President. Tho kahit gusto ko sya samahan sa mga seminars hindi na pwede kasi hindi ko na kaya ang gawain ng Secretary"
"Pwede mo pa naman sya samahan ah. Vice President ka pa rin." sabi ko.
Huming sya ng malalim "Yeah pwede pa nga pero as what I said mas focus ako sa studies ko ngayon kaya VP ang tinakbuhan ko. Less responsibilities."
Tumango tango na lang ako saka kumagat ng natitirang cookies. Hindi ko alam paano ako napunta sa posisyon ko ngayon. Kausap ang kinaiinggitan ko dati na walang kamalay malay na nakasama ko kahapon ang boyfriend nya at umamin pa ito sakin. Hindi ko alam kung ano gusto ipunto ni Herold. Bakit sya umamin sakin? May girlfriend sya. Pumikit na lang ako saka huminga ng malalim.
Ayaw ko man aminin pero may part sakin na gusto sumugal sa pinapakita at pinaparamdam ni Herold. I like him too..
Nagising ako ng biglang hinawakan ako ni Athena sa balikat ko saka tipid na ngumiti "I know na i can trust you. Can I have a favor Danica?"
Hindi ako sumagot. Kasi iba ang ramdam ko ngayon.
"Pakibantayan si Herold please? Especially kapag may nga seminars and gatherings na ikaw ang makakasama nya.."
Natapos kami saktong lunch kaya heto ako nag mamadali na dumiretso sa table namin sa loob ng cafeteria. Malayo pa lang naririnig ko na tawanan ng dalawa.
"Hey." bati ko agad pag karating. May nakahanda ng pag kain sa lamesa namin.
Tumigil naman sa tawanan yong dalawa "Kamusta pag lilibot libot nyo?" Joe
"Ayon hindi pa namin makalahati ang Junior High." buntong hininga ko at wala ng sabi sabing kumain.
"Kamusta naman crush mong si Herold?" nag tutuksong sabi ni Violet na kinaubo ko.
"Uy water paabot Danver!" sigaw ni Violet. Inabot nila sakin yong tubig. Sinamaan ko ng tingin si Violet na nakangisi lang at nag peace.
"Affected. Matic na yan tuwang tuwa yang si Dani" ani Joe
"Matutuwa ba yan kung kita nyang mag kasama palagi yong girlfriend ng crush nya?" kontra naman ni Danver.
"Pero atleast nakita nya! Hindi katulad nyo hindi nyo malapitan babes nyo." pag tataray ni Violet. Gusto ko matawa sakanya dahil kita kong tinatarayan na nya yong dalawa. Close na talaga.
Tinuro naman ni Danver si Violet "Baka nakakalimutan mo na kilala ko crush mo."
"May crush si Violet?" tanong ni Joe.
"D-danver!" namumulang saway ni Violet.
Napailing iling na lang ako. Parang bata. Pero dahil sakanila medyo gumaan damdamin ko. Nag patuloy na lang kami sa pag kain hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na kailangan na namin mag prepare sa next subject.
"Oo nga pala Dani. May mga seatwork na iniwan na kailangan mo na ipasa bukas" sabi ni Violet nang nag lalakad na kami sa gitna ng corridor.
"Hm sige pa-email na lang sakin mamaya Violet. Salamat."
"Welcome! Pero may isa pang seatwork na wala akong copy. Hindi daw pwede ibigay sakin eh. Ikaw daw mismo ang kumuha. Bukas mo pa naman ipapasa yon."
"Sige. Kanino ba?"
"Kay Alexander.."
Mabilis na natapos ang mga klase namin ngayong hapon. Nag pasama ako kay Violet na puntahan sa office si Alexander para kunin yong seatwork na ipapasa ko na bukas. Sana naman hindi mala-alien ang ibigay sakin tsk.
Nakarating na kami sa office ni Alexander. Huminga muna ako ng malalim. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Kumatok muna ako bago pinihit ang seradura.
Sinalubong ako agad ng lamig sa loob ng office nya. Sa pag pasok at pag sarado ko ng pinto ay umalingawngaw sa tenga ko ang malanding pagtawa ng babae na wari mo ay kinikiliti na ewan. Agad na kumunot ang nuo ko ng sumunod ang pamilyar na halakhak.
"I didn't know that you're a great joker Sir Alexander." kilala ko kung kaninong tinig yon.
Unti unti ako lumingon. Tama nga ako. Si Ms Cruz yon ang adviser ng SSG. Masayang nakikipag usap kay Sir Alexander. May pahampas pa si Ms Cruz sa balikat niya.
Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng inis.