Kabanata 47 Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Ginalaw ko ang aking katawan upang makaupo nang mapaigik ako sa sakit. Para akong tumakbo ng ilang kilometro walang hintuan. Napangiwi ako dahil ang mas nangingibabaw na sakit ay ang nasa aking gitna. Yes, I'm drunk last night. Ngunit malinaw pa saaking ala-ala ang lahat ng nangyari. Hindi na ako nagulat na ganito ang tatagpo saakin. Nasa wisyo ako kagabi. Ginusto ko iyon. Ngumiti ako ng mapait. Maybe that's a goodbye s*x? Ang hindi lang tama ay manatili pa ako dito. Sinunod ko na ang gusto ko. Mababaon ko na ito patungong Chicago. Sumilip ako sa bintana. Nasa isang building ako. Pero nasisigurado 'kong hindi kami umalis ng Manila. Pinilit ko ang sarili na tumayo kahit ang bigat bigat. Nakita ko naman ang aking phone sa

