Kabanata 48 Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam paano maging masaya. Ngayon ko lang naranasan maging malaya. Malaya sa paraang alam 'ko worth it ng lahat. Papikit pa lang ang aking mata nang may maramdamang palad na pumatong saaking kamay. Si Alexander ito na seryosong nakatuon ang mata sa daan. Sumulyap sya saakin saglit. Ngumiti ako atsaka pinagsaklop ang aming kamay. "Mahaba ang byahe. You can sleep." he said. Umiling ako kahit namimigat na ang aking mata. "Kaya ko naman hindi matulog hanggang sa makarating tayo." "It takes 6 hours baby.." I raised my brow "So.." He chuckled then kinuha ang kamay ko at hinalikan pagkatapos ay binalik din sa dating pwesto. "Saan ba tayo pupunta?" I asked. Nilingon ko ang traffic. Umaandar muna sya nang gumalaw ang daang daang sas

