Kabanata 28 December na. Para sa mga college students isa itong good news. Ito lamang ang buwan kung saan matatapos na ang unang semester ng mga estudyante. Katatapos lang namin mag take ng exam for Finals. Yong iba ay napapabuga na ng hangin dahil sa wakas ay tapos na sila sa mga gawain nila. Pero kaming mga SSG? hindi pa. Meron pang Foundation Day bukas. "Akalain nyo yon matatapos ko pala itong first semester?" ani Joe habang ngumunguya ng burger. "Hindi ka pa nga sure kung nakapasa ka eh." sabat ni Violet sa tabi nya. Tumaas ang kilay ni Joe atsaka nilingon si Violet "Bakit sure ka bang pasado ka?" "Of course!" Nag check ako ng mga booths for Foundation Day bukas. I sigh. May isang booth pa ang hindi nag papasa. Damn! Hindi lang naman sila ang nahihirapan ah? Mag papasa na n

