Kabanata 27 Sabay kami nag dinner pag katapos maluto ang specialty 'kuno' nya. Well, wala naman akong masabi dahil masarap naman talaga sya mag luto. Pag katapos namin kumain ay binalikan namin 'yong ginagawa naming mini case study ko. Tinulungan nya ako sa pag gawa non, kahit todo ang pilit nya na sya ang mag gagawa. Ayaw ko naman iasa sakanya ito. Atsaka project ko ito kaya ako ang gagawa. Umuwi din si Alexander pagkatapos non. Hindi na ako nag attempt na yayain sya na samahan ako matulog. May hiya pa din naman ako sa katawan ko! Masyado naging busy ang nag daang araw. Lalo na saaming mga SSG Officer. Nalalapit na ang Foundation Day kaya sinisigurado naming prepared na ang lahat. Pag katapos pa naman ng Finals ay Foundation Day na. Katulad ng suhestyon ni Kevin, Disco ang saamin.

