Kabanata 26 "Mag bar tayo next week! Sama ka na Danica please?" ungot ni Violet habang tumitingin tingin sya sa mga naka-display na damit. "Osige." sabi ko habang ang tingin ay sa phone ko. Text mate kasi kami ni Alexander. Sunday ngayon kaya hindi ko sya makikita, kaya yon hanggang text lang kami. Nakakatuwa nga eh, na kahit busy sya nagagawa nya pa din makapag reply ng mabilis sa mga messages ko. Ako: I'm with Violet. Nag s-shopping. Alexander: Okay. Anong oras kayo uuwi? Sunduin ko na kayo? "Seryoso?! Sasama ka na? Omg! Sa wakas lumabas ka na ulit sa lungga mo. I bet dahil wala ang parents mo hanggang next week right?" natutuwang sabi ni Violet. Hindi sya makahawak sa braso ko dahil may mga hawak syang paper bags. "Oo lalabas na! Nahihiya naman na ako sainyo." sabi ko bag

