Kabanata 19 Nang gabing iyon ay si Alexander ang nag hatid saakin sa bahay. Nakaramdam ako ng excitement sa.. uh Date. Date na hindi ko alam kung kailan magaganap! Sinugod ako ng tanong nung tatlo pag kapasok kinabukasan. Kapwa nakasuot sila ng department t-shirt habang ako ay nakasuot ng SSG t-shirt. First day ng Buwan Ng Wika. "My gosh! Parang mga baliw 'yang dalawa na yan kagabi. Halos itumba na nila si Venidect kakahanap sayo!" kwento ni Violet. Kumunot ang nuo ni Joe "Malamang! Sya 'yong huling kasama ni Dani kagabi eh. May isa kasi dyan busy sa lalake." parinig pa nito. Halos mag init na ang ulo ni Violet sa sinabi ni Joe "Wow! Just wow! Galing pa nga sayo na maraming kasayawan na babae kagabi! Napaka—" hindi na tinuloy pa ni Violet ang sinasabi nang tumalikod ito at nag lakad p

