Kabanata 18 Mabilis lumipas ang araw. Parang kanina lang ay walang pakialam 'yong ibang mga kaklase ko sa inaaral namin. Pero ngayon.. "Anong klaseng notebook 'to kulang kulang! Tsk. Dani notes mo nga picturan ko." nababadtrip na si Danver sa inabot na notes ni Joe. Tumawa si Joe. "Prelims lang yan. May finals pa naman!" "Ulol. " mura ni Danver. Inabot ko sakanya ang violet Cattleya Note ko. Kinuha naman nya ito saka pinicturan. Umirap ako sa nakita. Paano sya makakareview gamit ang phone? I mean ang hirap mag review ng ganyan, I prefer pa rin talaga na nakasulat sa notebook 'yong mga lessons. Mas madaling maalala. "History Dani pahiram din." aniya pagkatapos. "Nag aaral ka pa ba?" mataray na tanong ko. "Ngayon pa lang." sagot nya habang pinipicturan pa rin 'yong notes ko. Um

