Kabanata 17 Himala, hindi ako inantok sa History subject namin. Kahit gaano kahaba 'tong period sa subject na ito ay patuloy pa rin ako nakikinig, walang kurap. "f**k! Kailan pa ba matatapos yang pag lalakbay ni Magelan. Tsk." bulong ni Joe. "Ingay." ungot ni Violet. Narinig ito ni Joe kaya humilig sya sa likod ng upuan ni Violet "Talaga lang na nakikinig ka hah?" Namula ang pisngi ni Violet pero kumunot pa rin ang nuo "Oo.. hindi katulad mo puro reklamo." "Shh. Kapag kayo nasita dyan hindi ko kayo kilala." saway ni Danver. "Uy bumalik ka na pala? Hindi namin namalayan" pang aasar ni Joe. Pag katapos kasi mag walk out nitong si Danver ay bumalik din daw, kwento ni Violet. Bumalik na may dalang babae. Wala ng bago don. Mga babaero. Basta ako.. masaya ako. Masaya akong natulog.

