Kabanata 15
Kung gaano ka kabilis pinasaya, ganoon din kabilis bawiin iyon. Kumbaga parang pinatikim lang sayo iyong isang bagay pero hindi talaga iyon ibibigay sayo. Bakit ko ba nasasabi ang mga ito? Dahil ba hindi na nag reply pa si Alexander nung gabing iyon at hindi na muli nag text?
O cmon Danica! It's not because he texted you that time he will do it again.
Nakasimangot ako na kinuha ang walis tingting na inabot ni Violet saakin. Kumunot ang nuo nya.
"Are you okay? Parang sisirain mo na 'yang walis tingting."
"Wala." sagot ko saka nag simula na mag walis.
Saturday ngayon, meaning NSTP day! Ang binigay samin community service. Iyong tamang linis lang ng University and taddah! May grades ka na. Kaso hindi ganoon kadali mag walis, lalo na kung sobrang lawak naman ng University na lilinisan nyo.
"Sunday na bukas! It's party day. Hm.. may gagawin ka ba bukas? Sama ka na please! Ang tagal na nung sumama ka saamin." she pouted her lips.
I rolled my eyes "Kausapin nyo parents ko kung papayag."
She sighed "Sabi ko nga hindi."
Sa malayo nakita ko na iyong dalawang mokong na may hawak na malaking drum. Pag lalagyan ng mga dahon. They're look like a model.. model of drum. Pfft.
"Nababatak mga muscles ko, siguradong pag aagawan na naman ako. Ah s**t Joe why so handsome?" bungad agad ni Joe samin, na sya lang naman kumakausap sa sarili nya.
"Ulol. Asa ka pa." bara naman ni Danver.
"Oo nga asa ka pa." dagdag ni Violet saka kinuha na iyong dustpan para mag hakot ng dahon.
Sumalubong ang kilay ni Joe. "Gusto mo makita?" hamon nito.
Lumaki mata ni Violet saka natatawang tinuro si Joe "Oh God! No thank you. Baka umasa pa akong malaki yan kahit..maliit"
Imbes na maasar si Joe ay ngumisi pa ito "Hm.. baka kapag nakita mo 'to, tumakbo ka."
Umirap ako sa sinabi ni Joe. Bastos!
Nilapitan ko na lang si Danver saka nag patulong sa pag hahakot ng dahon. Pinunasan ko ang nuo kong may pawis na. Sino ba kasing ewan na mag papa-NSTP ng tanghaling tapat! Mabuti na lang ng jacket ako para hindi ako mangitim.
"Ako na mag hakot dito. Maupo ka na doon Dani." presinta ni Danver.
Agad ako umiling "Kunti na lamang ito. Saka baka pagalitan ako ni.. Omar."
Tumawa si Danver "Ako bahala."
"Oo ikaw bahala kasi malakas ka doon. Malakas ka sa bakla!" sabi ko.
Tumaas kilay nya "Paano mo nasabi? Nakita mo na ako namakla?"
"Hindi pa syempre." ngumuso ako saka umirap.
Tumawa sya saka ginulo ang buhok ko "Childish. Sumilong ka muna, mamaya mayari kami kay Tito kapag inatake ka ng hika mo."
"Fine!" sabi ko saka nag martsa na doon sa isang bench sa ilalim ng puno ng mahogany.
Matagal naman na ako hindi inaatake ng hika ko eh. Simula nung pinapapagod ko 'yong sarili ko kaka-exercise. Kaya ganon na lang siguro ang lakas ng loob ko na mag pagod sa gitna ng initan dahil wala naman na mang yayari saking masama. I defeated it!
Pinanood ko na lang muna sila na nag lilinis. Napataas kilay ako ng mamataan ko si Omar na nag mamando lamang at hindi nag lilinis. Lakas.
Nag pasya akong pumunta muna sa cafeteria at bilhan 'yong tatlo ng tubig. I'm sure nauuhaw na 'yong mga yon. Bumili ako ng 4 na malalaking bottled water. Tumalikod na ako pag katapos mag bayad.
Napahinto ako ng makita kung sino ang bumungad sakin. Si Herold na parang wala sa sariling pumasok sa cafeteria. Nakayuko lamang ito. Parang ang bigat ng problema nya. May mabigat na pumatong sa dibdib ko.
Nag lakad ako at huminto sa harap nya. Nakaramdam naman sya kaya nag angat sya ng tingin. Tama nga ako. Ang lalim ng mata nya, parang hindi natutulog.
Ngumiti sya ng tipid "Danica.."
"Are you okay Herold?" I asked
Tumango sya saka naupo. Hindi na ako nag dalawang isio na maupo din sa harap nya. "Are you concern?" he asked
Napahinto ako saglit bago tumango and smiled genuinely "Of course." after all may pinag samahan kami.
"Don't worry Danica malapit na. Kaunting hintay na lang maaayos ko na 'yong saamin ni Athena.." sabi nya saka hinawakaan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya saka agad na binawi ito sajanta. Napahinto naman sya.
"Herold about pala doon gusto ko lang sabihin na—"
"Herold you're here! Kanina pa kita hinihintay sa SC Building." biglang sulpot ni Ms. Cruz sa gilid namin.
Nakangiti ito ng malapad. Napatulala naman ako ng makita ko muli si Ms. Cruz. Mukha syang model sa suot na high waisted jeans and black crop top. Hindi ako natulala dahil sa ganda nya, kundi sa biglang nag flashback sa utak ko nung nakita ko sya sa office ni Alexander.
Lumingon naman sya saakin. Nakangiti pa rin ito. Parang walang nangyaring pag tulak sakanya ni Alexander nung isang araw "Oh ikaw pala 'yan Danica! Nag m-meeting ba kayo ni Herold?"
Ngumiti ako ng tipid "Hindi po."
Mukhang napansin nyang ilag ako sakanya. Naramdaman naman din siguro nya na nakakahiya 'yong nakita ko na pag hahalikan nila ni Alexander.
She chuckled nervously "A-ayon pala. Pwedeng mahiram ko muna si Herold?"
Hindi ko naman po pang mamay ari yan. Sayo na po. I just smiled and nodded.
Lumingon sya kay Herold na nakatitig pa rin saakin. May gusto pa syang sabihin. Ako din naman eh. Nag iwas sya ng tingin bago tumayo.
"We gotta go Danica." paalam ni Ms. Cruz nang bigla tumunog ang phone nya. Sumenyas sya kay Herold na sagutin nya muna ang tawag. Lumayo ito kaunti pero sapat pa rin na marinig ko ang boses nya.
"Hello Alexander?"
Kumunot agad ang nuo ko sa narinig ko.
Tumawa si Ms. Cruz "Hintayin mo ako ah. May tapusin lang ako sa SC Building. Okay?"
Tumayo na ako saka hindi na nag paalam pa kina Ms. Cruz at Herold. Pero napansin ko ang pag sunod ng tingin sakin ni Herold. Hindi ko na ito pa pinansin, lumabas na ako ng cafeteria.
Ano 'yon? Nakakatawag sya kay Ms. Cruz tapos..tapos. Ah! So text mate o call mate sila?
Bwisit kong ininom 'yong tubig ko. Tsk! Bakit bigla pumait 'yong panlasa ko?
Salubong ang kilay ko na nag mamartsa pabalik kina Violet. Tapos na sila ng makarating ako.
May pa tulak tulak pa sya kay Ms. Cruz sa office nya tapos call mate pala sila? Ano 'yon palabas lang nya yon dahil andoon ako? O baka naman pag katapos nung umalis ako bumalik si Ms. Cruz at pinag patuloy nila 'yong ginagawa nila?
"Wow sweet naman! Nilibre mo kami Dani." sabi ni Joe.
"Hindi libre yan, bayaran nyo rin ako!" binigay ko sakanila yong plastic saka naupo sa tabi ni Violet.
"Nagbago na ba isip mo na sumama saamin bukas?" nangingiting sabi ni Violet.
Oo malapit na mag bago ang isip ko dahil sa pinsan mo!
Pero umiling ako, may usapan kami ni Kevin bukas. Sasamahan ko sya na bumili ng mga pang decor sa stage for Buwan ng Wika.
"May lakad ako bukas."
"Saan naman? Family day?" tanong nya at wala sa sariling tinanggap ang inalok na bottled water ni Joe.
Tumaas naman ang sulok ng labi ko doon. Bumalik ang tingin ko sa harap.
"Bibili ng decor for Buwan ng Wika."
Tumango naman ito "Sayang naman. May pa-foam party pa naman ulit doon."
Napanguso ako, bigla ako nainggit. Mga ilang minuto pa nung tinawag na kami ni Omar at isa isa nyang chineck ang mga lugar namin kung malinis na. Hindi ko na pinansin ang pagiging pabibo ng Class President namin, wala ako sa mood.
Mabuti naman pinayagan ako nina Mom and Dad na lumabas kasama si Kevin ngayong araw. Nakasuot lang ako ng highwasted skirt and white croptop then white rubber shoes. Nag text saakin si Kevin na nasa mall na sya ngayon, nag hihintay.
Hindi na ako nag pa-service ngayon kaya nag grab lang ako. Pag karating ko sa mall ay agad ko naman nakita si Kevin. Naka grey shirt and pants lang sya pero malakas ang dating.
Kumaway sya ng makita ako. Lumapit ako sakanya. Pinasadahan nya muna ako ng tingin.
"Wow! Talagang pants ka pag pumapasok 'no? Hindi kita nakikitang naka-skirt or dress sa University eh."
Nag kibit balikat ako "Parang hindi maganda tignan. Anyway halika na?"
Ngumiti si Kevin saka tumango "Tayo na po mahal na prinsesa!"
"Baliw."
Nag punta kami sa Mr. DIY. Maraming pang decors dito. Mura pa at pasok sa budget. Mabuti na lang at magaling din sa pag pili itong si Kevin, akala ko ako pa ang papipiliin nya.
"Ibig sabihin ayaw mo na kay Pres?" tanong nya ng napunta kay Herold ang usapan.
Pumilila na kami sa cashier.
Tumango ako saka bumuntong hininga "Alam mo naman kung gaano kahirap Kevin.."
"Sabagay. Ang hirap na itago 'yong relasyon nyo ni Pres habang sila pa ni Athena. Actually, it's cheating but since kaibigan ko si Pres at ikaw kilala naman kita. Sinusuporatahan ko kayo."
Tahimik ako na nakikinig kay Kevin. Ngayon ko lang narealize na gaanon kapangit ang desisyon ko dati.
"Alam na ba ni Pres?"
Umiling ako "Sasabihin ko pa lang sana."
"Advice ko muna na wag mo muna sabihin. Maguguluhan lalo 'yon, sabi mo pa naman na mukha syang problemado kahapon. Hayaan mo muna ayusin nila 'yong sakanila ni Athena. Malay mo mag kaayos pa sila ni Athena."
"Mabuti pa nga 'yong mag kaayos sila ni Athena."
Natapos na 'yong nasa harapan namin kaya kami na 'yong susunod. Pag katapos doon ay kumain muna kami sa isang fast food chain. Alas kwatro na ng hapon pero nakikita ko sa labas na makulimlim. Mukhang uulan.
"May susundo ba sayo Danica?"
"Nag grab lang ako. Baka mag grab na lang din ako pag katapos nito."
Kununot nuo nito "Wag na. Dala ko naman 'yong sasakyan ko. Ihatid na lang kita."
Hindi na ako tumanggi pa dahil mukhang malakas ang ibubuhos na ulan. Wala pa naman akong payong. Pag katapos namin kumain ay dumiretso na kami sa labas. Sinalubong agad kami ng malakas na ulan, humahangin pa!
"s**t! Ako na lang ang pupunta sa parking lot. Hintayin mo na lang ako dito ah?" sabi ni Kevin saka iniwan sakin yong cart.
Nag papalayo ako kapag humahangin at nababasa ako. Napahawak ako sa braso ko, ngayon ako nag sisi na nag crop top ako. Sana nag sweater na lang ako. Tumingin ako sa paligid, marami kami dito na nakasilong pa. Nakita ko pa nga si Omar na may dala din ng paper bag katulad namin. Ngumiti sya saakin ng plastic. Hindi ko naman pinansin.
Dumating na si Kevin, hindi na masydo malakas ang ulan kaya nakalapit ako sakanya habang hila hila ang push cart. Nag taka pa ako bakit Black Audi R8 iyon. Nag palit na ba ng sasakyan si Kevin?
Bumukas ang driver seat at lumabas si Alexander. Napahinto ako. Suot ang white longsleeve na naka unbutton ang dalawang naunang butones at simple pants. Nahuhubog pa ang biceps nya sa longsleeve na suot. What the..
Madilim ang mukha nito ng sinalubong ang titig ko. Tumaas pa ang kilay nya ng makita ang suot ko.
"Get in."
"H-huh?"
Lumapit sya saakin saka nilingon ang push cart. Bumalik ang tingin nya saakin "Pumasok ka sa loob.."
"W-what? Saan mo dadalhin yan?" tanong ko ng tinulak nya ito palapit sa isang guard at may sinabi. Bumalik din naman sya agad saakin. Pero ganon pa rin kadilim ang mukha nya.
"Pumasok ka na. Ihahatid na kita." marahan ngunit may diin na sabi nya.
May nagising na emosyon sa dibdib ko. Naalala ko 'yong sakanila ni Ms. Cruz.
"Bakit ka andito? Baka may makakita satin at isumbong ka kay Ms. Cruz." i don't know but it sounds bitter.
Kumunot ang nuo nya. "Then I don't care."
Umirap ako pero nag pipigil na ako mag burst out.
"I care! Ayaw ko madamay kung ano man meron sainyo ni Ms. Cruz."
"What really is your problem?"
"Problema? Wala ah. Wala akong pakialam kung callmate kayo ni Ms. Cruz.." napaiwas ako ng tingin sakanya. I bit my lip. What the heck Danica! Bakit nasabi mo 'yon
"Call mate?"
Tumingin ako sa taas, pinipigilang tignan sya. At pinipigilan yong nararamdaman ko sa mata ko. Damn!
He tilted his head and looked at me with amusement. "Are you really sure?"
Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa itaas. Mukha na akong ewan dito pero bakit ba. Ayaw ko salubungin yong mata nya. Kinagat ko na lang 'yong labi ko para pigilan ang pag nginig.
Nagulat ako nang may kamay ang humawak sa baba ko at marahan na ginaya pababa hanggang mag pantay na ang tingin namin. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita kong kumikislap ang mata nya
"Fine. I'll never contact Ms. Cruz anymore, because my baby is jealous.." he sexily chuckled "Even if it's all about works."
"T-totoo?"
He nodded as if I'm his boss and he's my employee.
"Just don't give your number again with other guy. Understood?"