Chapter 10

2217 Words

DALAWANG linggo na ang nakalipas matapos ang unang sabak ni Aya sa trabaho bilang asset pero hindi na iyon nasundan pa. Tumupad naman si Adam sa usapan nila na hindi na niya muling gagawin ang trabahong iyon. Bumalik na lang siya sa paghahalaman. Mas nag-e-enjoy pa siya sa trabaho kahit mainit at nasusunog na ang balat niya. May isang linggo na rin siyang hindi nagpapakita kay Adam. Siguro naging busy rin ito kaya bihira niya ito nakikita sa bahay nito. Palagi raw itong out of town. Kahapon lang ay sumama siya sa pamamalengke sa bayan para makapagpadala siya ng pera sa kapatid niya na nag-aaral pa ng kolehiyo. Marine engineering ang kursong kinukuha ni Azi kaya magastos din. Isang taon na lang naman magtatapos na ito. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Azi at si Elisa dahil naku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD