PUTING kisame ang unang nasilayan ni Aya nang magmulat siya ng mga mata. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. May nakatarak na suwero sa kaliwang kamay niya. Naroon siya sa ospital. Napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding. Alas-otso na ng umaga. Bumukas ang pinto at pumasok si Azi. Kaagad siya nitong nilapitan. “Mabuti naman nagising ka na, Ate. Grabe ang pag-aalala namin sa ‘yo,” anito, namamaga ang eye bags. “A-anong nangyari?” nanghihinang tanong niya. “Hinimatay ka kagabi sa bahay nila Kuya Henry. Mabuti nasalo ka kaagad ni Kuya at naisugod ka rito sa ospital.” “A-ano’ng sabi ng doktor?” Malapad ang ngiti ni Azi. “Buntis ka, ate,” sagot nito. Napatda siya. Mamaya ay ginupo siya ng hindi mawaring galak. “T-talaga?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Yap. Kaya lang