HUMIGPIT ang pagkakahawak ni Adam sa baso ng wine niya habang pinapakinggan ang pagkanta ni Aya. Gusto niyang magmura dahil sa nararamdaman niyang paghuhurementado ng kanyang puso. Ang boses ng dalaga ay wari malamyos na hanging humahaplos sa puso niya. Napakalamig ng boses nito. Pero inilagay niya ang sarili sa kanta at iniisip na para talaga sa kanya ang meaning ng kanta at si Aya ang nagsasabi niyon sa kanya. Alam niya ang kantang iyon at napanood na niya ang music video nito. At bigla niya nailagay sa posisyon ng isang lalaki, si Henry, na ito ang second leading man sa kanta. ♫'Cause when I'm with him I am thinking of you Thinking of you What you would do if You were the one Who was spending the night Oh I wish that I Was looking into your eyes You're like an Indian summer