SAKTONG alas-onse nakarating ng Maynila si Adam kasama ang daddy niya. Naghiwalay sila pagdating sa branch office dahil nagpaalam na siyang uuwi. Naka-ilang tawag siya kay Aya pero hindi ito sumasagot. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Lulan na siya ng kanyang kotse nang may tumawag sa kanyang cellphone. Dinampot niya ito mula sa dashboard at sinagot ang caller na si Bob. “Yes, Bob,” aniya. “Boss, nawawala po si Aya.” “What?!” Kamuntik pa siyang mawalan ng kontrol sa manibela dahil sa pagkagimbal. “P-paanong nawala?” balisang tanong niya. “Hindi po siya makita ng mga bodyguard niya sa palengke nang mamalengke sila. Hindi pa sila nakabalik sa teritoryo hanggang ngayon,” sumbong ni Bob. “Sh*t! Utusan mo lahat ng tao riyan na hanapin si Aya!” utos niya. “Yes, boss.” Pinutol na n