“BUKAS ibibili kita ng cellphone,” sabi ni Adam kay Aya. Napatayo ang dalaga. “Pe-” “Huwag ka nang magreklamo!” He cut her off. “Puwede mong gamitin ang cellphone ko ngayon kung may gusto kang tawagan,” sabi nito saka tumayo. Inilapag nito ang cellphone nito sa kama saka ito pumasok sa palikuran. Pinakialaman na ni Aya ang cellphone ni Adam. Mukhang marami naman itong load kaya ginamit niya ang cellphone para matawagan si Elisa. Tulog na ata si Elisa kaya hindi na magawang sagutin ang tawag niya. Nagpadala na lang siya ng mensahe at sinabing nakapagpadala na siya ng pera. Nai-type na rin ang control number ng pinadala niya. Tamang-tama pag-send niya ng mensahe ay tumunog ang cellphone para sa tawag. Aksidenteng napindot niya ang answer key. Narinig niya ang boses ng lalaki. Pamilyar