Chapter 18

2547 Words

ISANG baso pa nga lang ng cocktail ang nainom ni Aya ay uminit na ang katawan niya. Kaya uminom siya ng maraming tubig para maanod ang alcohol. Hindi maaring ganoon ang pakiramdam niya habang kasama sa isang kuwarto si Adam. May katapangan din kasi ang timpla ng bartender sa naunang nainom niya. Nalalasahan pa rin niya ang inihalo nitong alak. Hindi naman siya mapakali sa kinauupuan niya. Pakiramdam niya’y inaapuyan ang puwet niya. At dahil sa kalikutan niya ay nalaglag ang cellphone niya sa sahig. “Naku!” bulalas niya. Nagkasabay pa sila ni Bob na bumaba ng stool chair at pinagtulungang pinagpupulot ang mga nagkalat na parte ng touch screen niyang cellphone na binili pa niya sa Japan. At dahil sa sikip ng lugar ay nagkabungguan ang mga ulo nila ni Bob. Nagkasabay pa silang nagkatingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD