PAGKATAPOS ng maagang tanghalian ay ipinasyal naman sila ni Mr. Yakamoto sa buong pub nito. Wala pa masyadong alam si Aya tungkol kay Mr. Yakamoto, maliban sa ito ang tinutukoy ni Adam na nagpadala umano sa kanya sa teritoryo nito upang mag-ispiya. Pero napapansin niya ang maingat na pakikitungo ni Adam sa ginoo. Masasabi niya na matalino talaga si Adam pagdating sa agent works at pagsisiyasat. Habang nag-iikot kasi sila ay pasimpleng dinidikitan nito ng ga-monggong devices ang bawat sulok ng mga lamesa, upuan, maging kasulok-sulukan ng mga gusali. Mahigpit din ang security ng pub, pero hindi kasing higpit ng security ni Adam sa teritoryo nito. Bago sila umalis ay pinabaunan pa ni Mr. Yakamoto si Adam ng isang bote ng imported red wine. Hindi na niya alam kung ano pa ang ibang pinag-usa