NANG hindi pa rin bumabalik sila Adam ay sumalisi na si Aya habang nasa labas ng kotse ang tatlong bodyguard. Tiningnan niya sa paligid kung may malapit na ATM. Naglakad pa siya ng kaunti hanggang sa makarating siya sa kabilang kalsada kung saan may bangko. Mabuti na lang walang nakapila sa kabilang ATM. Inilabas niya sa wallet ang ATM card saka mabilisang naglabas ng pera. Ang sahod kasi nila na ibinibigay ni Adam ay diretso sa account nila. Nagulat siya pag-check niya ng balance ay mayroon siyang two hundred thousand pesos na balanse, samantalang noong nakaraang linggo noong namalengke sila ni Jean ay sixty thousand lang ang laman ng account niya. Naibigay na ba ni Adam ang suweldo niya sa pag-asset niya sa dating outside job niya? Pero ang laki naman ata. Noong unang sahod niya ay nai