Makalipas ang isang linggo ay nasa harapan ng Montemayor gate si Marcus, kasama ang kaibigang si Rusty. “Sir, id po?” “Kailangan pa ba ‘yon guard?” “Yes sir, hindi ho kayo maaaring pumasok hanggang walang pahintulot mula sa loob.” Gusto nang mainis ni Marcus ngunit kailangan niyang kontrolin ang sarili at baka mabuliyaso ang lakad nila kaya’t mabilis na nag-isip “Sandali lang guard, driver lang kasi ako.” At mabilis na sinara ang bintana saka binalingan ang kaibigan. “Id mo bilis, at alam nila ay driver mo lang ako.” “Kahit sabihin mong driver ka lang hihingan ka pa rin ng id.” Aniya na natatawa sa kaibigan. “Gano’n ba? So malalaman nila ang family name ko?” “Mismo, pero sa guard lang naman ‘yon ang name ko ang ipapaalam nila sa mga Montemayor.” “Oh, okay.” Matapos maibigay ang

