Pagkatapos makausap ang kaibigan ay mabilis siyang nag-search sa mga flowers shop at nang makakita na pinakamalapit sa lugar na kinaroroonan ay nagpa-deliver siya ng bouquet. Para iyon sa babaeng mahal niya at sinigurong ang mga bulaklak na kaniyang pinili ay magugustohan nito. Matapos makapag order ay humarap sa salamin at sinipat ang sarili kung maayos at presentable siya sa bagong suot na damit. Ilang beses din siyang nag-practice kung ano ang sasabihin niya mamaya pag dating ng mga bulaklak. Panay rin ang ngiti niya sa harap ng salamin kung tama ang gagawin niyang move. “Mr. Marc, naririto na po ang mga pagkain.” Rinig niyang katok ni Mak Mak sa nakasaradong pintuan. “Nariyan na kiddo,” at binukasan na niya ang pinto saka malapad ang ngiti na inabot ang kamay ng bata at magkahawak ka

