Kasalukuyang nasa airport ang mag-ina patungo sila ng Paris, nang makita sila ni JM. “Pinsan, kumusta na ang tagal na nating hindi nagkikita.” “Medyo busy lang pinsan, ikaw kailan ka pa naririto sa Pilipinas?” “Matagal na kaya lang ay lagi akong wala at may inaasikaso sa ibang bansa.” “Mommy, who is he po?” “Oh, halika rito anak at ipapakilala kita sa uncle JM mo.” “Anak mo siya?” “Oo pinsan, anak ko si Mak Mak.” “Ilang taon na siya ngayon?” “Five years old sa darating na kaarawan niya.” “Si Marcus ang ama niya ‘di ba?” Tumango na lang siya, sa pinsan. “Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa lalaking ‘yon?” “A-ano ba ng nangyari sa kaniya,” kinakabahan siya sa maaaring marinig mula dito. “Yong suicide na nangyari alam mo naman siguro dahil nalathala iyon sa social media.

