Ten months later… “Besty, one month old na ang inaanak ko hindi ba tayo lalabas para mag celebrate?” “Bruha, maaari naman dito na lang tayo sa bahay magluto o kaya ay mag order ng mga pagkain.” “Ano bang ikinatatakot mo sa labas? Kung si Marcus Ortega at baka mahanap ka niya ay malabong manyari ‘yon besty. Sa huling balita ni Jom sa akin ay matagal nang wala sa bansang Pilipinas ang lalaking ‘yon. Baka nga sa mga panahong ito ay may asawa na rin siya.” “Ayaw kong ipagsapalaran ang anak ko, who knows na may taong nagmamanman sa amin ni Mak Mak.” Sa isipin na baka nga may-asawa na ito ay nakaramdam siya ng sakit. “Paranoid ka na talaga, sige magluluto na lang ako para sa inaanak ko.” Hindi na lang niya ito kinuntra pa, bahala ang kaibigan niya at busy siya sa online working. Makalip

