“Alam mo na ba na nagkahiwalay na naman ang pinsan mong si JM at asawa niya?” “What?” totoo ba ang kaniyang narinig sa kaibigan? “Nabanggit sa akin ni Jom, once nakita raw niya ang pinsan mo sa London na may kasamang ibang babae sa isang restaurant. Ang akala nga raw niya ay kamukha lang ngunit narinig mismo niya sa bibig ng pinsan mo na hiwalay na sila.” Hindi siya umimik, napapaisip siya dahil sa pagtawag tawag ng pinsan sa kaniya. Pag kakausapin naman niya ay kung ano-ano lang ang mga sinasabi. “Saglit lang bruha at tatawagan ko lang siya.” “Okay, take your time, ako na muna ang magbabantay kay inaanak ko.” Panay ang dial niya sa numero ng pinsan ngunit walang signal, kaya minabuting tawagan ang tiyuhin. “Tito, kumusta po?” “Ayos lang hija, mabuti at napatawag ka nasaan ka ba

