Maraming nagtatangka na ma-interview ang abuelo ni Marcus upang makakuha ng scoop sa nangyari sa binata subalit nanatiling nakasara ang bibig ng senior. Ngunit ang mga media ay gagawa at gagawa nang paraan para makakuha ng maibabalita at nang sumunod na araw ay nasa social media na ang tungkol sa suicidal ni Marcus Ortega. Kaya naman ginamit ng senior ang kaniyang koneksyon para ma-delete agad ang kumalat na issue. And the next day ay clear ang lahat ng site o kahit sa mga cell phone at iba pang gadgets ay tuluyang nabura ang tungkol sa nangyari. Mahigpit ang order na walang sinuman ang maaaring makapasok sa loob ng kinaroroonan ni Marcus. Ang mga doctor ay limited ang maaaring pumasok lalo ang mga nurse. Kaya lang ay talagang may lalabas at lalabas pa ring usap-usapan. Kaya’t nagdesisyon

