Nasa pintuan pa lamang si Marcus ay sinalubong na siya ng isang kasambahay, magtungo raw siya sa library at naroon ang kaniyang lolo. Kaya naman doon na dumiretso at dahil nakaawang ang pintuan ay hindi na siya kumatok. “Lolo…” ngunit napahinto siya sa nadatnan, meron dalawang lalaki at isang babae na naroroon. “Maupo ka iho, una kaya kita gustong makausap ay para ipaalam sa’yo na kailangan ibalik sa dati ang mukha mo. At sila ang mga specialist na gagawa ng surgery, kaya kita pinatawag ay para makilala mo sila dahil may mga kailangan raw silang itanong sa’yo. “Lolo, hindi muna ngayon dahil may mahalaga akong gagawin at dapat na unahin, pag natapos ko na ang lahat nang ‘yon ay ipapaalam ko agad sa iyo.” “At ano naman ang mga iyon na mas mahalaga?” “Saka ko na po sasabihin, pasensya na

