“Boss, saan ka nanggaling at kanina pa tumatawag ang abuelo mo ay hindi ka raw niya makontak?” “Totoo ba ‘yan Rusty? Ako’y huwag mong gino-goodtime bakit tatawag si Lolo ay kaninang umaga lang magkausap kaming dalawa.” “Hindi ko alam pero mahigpit ang bilin na mag-return call ka raw sa kaniya.” “Mamaya tatawagan ko na lang siya at maliligo muna ako, sandali bago ko makalimutan pakitawagan mo si Detective.” “Sige boss, maligo ka na at amoy kang dagat.” Pang-iinis niya sa kaibigan. “Tigilan mo ako Rusty, kung alam mo lang kung sino ang na-encounter ko sa kabilang isla.” “Aba, wala akong alam… “Ako ba ay pinagloloko mo sa mga sagot mong ‘yan?” “Bakit sino ba ang nakita mo doon?” “Jewel Sarmiento, at may kasamang anak.” “Oh, may pamilya na pala ang lalaking pinagseselosan mo eh….tek

