Cresia's POV Magkaagapay kami ni Ate Flor na naglalakad pababa ng hagdanan. Nauuna ako habang siya ay hindi magkandatuto sa dala niyang humper ng maruruming damit. Gusto ko siyang tulungan ngunit lutang naman ang isip ko tungkol sa gaganaping party mamayang gabi. Wala pa akong maayos na beauty rest, baka mamaya ay mas maganda pa sa akin sa party ko. Well, hindi ako papayag. What's the use of makeup? Siguro naman kayang takpan ng makeup ang haggardness ng mukha ko. Magagaling ang makeup artist ni Mommy kaya malamang lulutang ang ganda ko mamayang gabi. Kaya lang nagtataka ako kay Ate Flor. Bakit hindi man lang niya ako binati ng maligayang kaarawan paglabas ko ng banyo? Dati naman nauuna siyang bumati? Birthday ko na ngayon, hindi ba niya naalala? Ipinagkibit-balikat ko na lang ito, b