Wind's POV Nagsisimula ng magdatingan ang mga bisita. Paunti-unti pa lang naman kung tutuusin ngunit hindi na magkandatuto ang mga katulong sa kanilang mga galaw. Natataranta ang mga ito sa utos ng mayordoma na gustong mag-double time ang mga nasasakupan nito sa kanilang mga kilos lalo na at hindi biro ang bisita na dadalo. Mahaba rin kasi ang mga buffet table na kanilang hahainan ng pagkain kaya talagang pinapabilis sila sa mga kilos nila. Malayo rin kasi kung saan kukunin ng mga katulong ang mga naluto ng pagkain kaya talagang minamadali sila. Sa dami ng dadalo ay baka nga hindi na magkasya ang two hundred na imbitado sa function hall sa likod ng mansion kung saan ito gaganapin. Sabi naman ni Mommy, i-extend na lang hanggang sa labas nito ang party. Malawak naman ang garden at pwede