Cresia's POV For show lang iyong sa kanila? Ito ang nasa loob ng isip ko habang patungo ako sa aking kwarto. Ito ang dinatnan kong sinabi ni Kuya nang makarating ako sa kaguluhan na nangyayari sa veranda. Gusto ko man makiusyoso sa mga nangyayari, mas pinili ko na lang umalis nang makita ko si Ate Dorina na masama ang tingin sa akin. I guess, may alam talaga siya sa amin ni Kuya Wind. Hindi ganoon ang magiging akto niya sa akin kung wala. I was shocked to know this. I thought they loved each other so much. Tapos na-fell out of love lang itong si Kuya Wind kay Ate Dorina dahil sa kabaliwan ko noon sa aking kapatid. Hindi pala, show lang pala iyon. For what? Hindi ko rin alam ang sagot. Hindi ko na kasi masyadong naunawaan ang sinasabi ni Kuya dahil mas nangingibabaw ang iyak ni Ate D