Cresia's POV Nagsimula agad ang party. Wala ng ligoy pa ang emcee at agad akong ipinakilala sa madla habang pinapakita ang mga larawan ko sa projector kung saan ay makikita ang mga larawan ko noong bata pa lamang ako hanggang sa ngayon. Syempre, nagkaroon ako ng grand entrance na labis na nagbigay ng kaba sa akin noong una dahil hindi ko akalain na bubungad ang maraming bisita sa aking paningin. Though, I know naman na aabot sa ganito ang bisita dahil sa dami ng inimbitahan. Good thing, nasa magkabilang dako ko si Mommy at Daddy na umaalalay sa akin. I walked straight while smiling at the crowd. Tapos amazed din akong nakatingin sa ayos ng venue ng party ko. Nasunod ang gusto ko kaya tuwang-tuwa ako. Simple lang ang theme ng party. Hindi magarbo gaya ng gusto ko ngunit kumikinang ang k