Cresia's POV Hindi ko alam kung ano ang isusunod ko sa mga pagkain na nakahain sa harapan ko. Kung iyong lechon ba o iyong kaldereta. Kanina ko pa nilantakan iyong crispy pata, halos wala na ngang matira dahil sarap na sarap ako. Ang crispy kasi tapos juicy and tender inside. Tapos iyong lasa, lasap na lasap ko iyong mga ingredients kaya halos naubos ko ang isang plato. Sina Daddy at Mommy na nasa ibayo ko ay tahimik na kumakain. Pili lang ang mga pagkain na nakahain sa lamesa nila dahil halos ang iba sa handa ay bawal sa kanila. Pwede naman silang tumikim subalit takot silang tumaas ang presyon at baka hindi nila mapanood ng buo ang kaganapan sa party ko kapag sinumpong sila ng hypertension at pagtaas ng blood sugar. Binalik ko ang atensyon ko sa plato ko nang may i-serve na bagong p