Cresia's POV “Kailan pa ninyo tinatago sa amin ‘to ng Mommy niyo? Gaano na katagal at pinagbunga pa ninyo?” Mapanganib na tanong ni Daddy sa amin ni Kuya Wind. Magkakaharap kaming buong pamilya dito sa loob ng study room ni Daddy. Katabi ko sa sofa si Mommy na hindi matigil sa pag-iyak at si Ate Raine na panay ang alo sa kaniya. Ako, nananatili akong nakayuko habang tahimik na tumatangis. Si Daddy ay kaupo naman ang kambal kong kapatid na sina Ate Sunny at Kuya Cloud na walang imik at nakikinig lang sa usapan. Samantalang si Kuya Wind naman ay solo flight sa isang single sofa na nasa ibayo namin at ramdam ko na matiim na nakatitig sa akin. Siya ang sumagot sa tanong ni Daddy. Wala akong lakas para sumagot pa dahil sa dami ng sinuka ko. Tapos nahihilo pa ako dahil sa bigat at sikip ng s