Cresia's POV Urong-sulong ako. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako o hindi sa patutunguhan ko o hahanap na lang ako ng ibang lugar na pagkakanlungan. But I am already here, I don't want to go back. Ang layo na ng naging biyahe ko, uurong pa ba ako? Sa huli, I decided to go on. I must go on rather than go elsewhere. Wala nga akong maisip na puntahan ngayon dahil cloudy na naman ang utak ko. Mami-miss ko sina Ate Vinneah, Kuya Fire, at Kuya Ice. Ang sarap nilang ka-bonding, parang mga ate at kuya ko lang kung asikasuhin nila ako at alagaan. Bigla ko tuloy na-miss ang pamilya ko. Kumusta na kaya sila? Galit ba sila sa ginawa ko? Malamang! Sino naman ang matutuwa sa taong bigla na lang nawala at hanggang ngayon ay malamang ay kanilang hinahanap. “Fighting! Bahala na!” Kinapalan ko na ang m