Cresia's POV Dalawang araw na ako sa bahay ng mga Valentin nang ipatawag ako ni Kuya Harvey sa kaniyang study room na siyang nagsisilbing opisina niya rito sa kanilang mansion. Natakot ako at nakadama ng kaba dahil ito ang unang beses na maghaharap kami. Wala kasi sila ni Alessandria noong nakaraang araw dahil may nilakad yata silang importante. Kung tungkol ba ito sa kanilang pagpapakasal ay hindi ko na lang alam. Narinig ko lang na parang ito ang topic nina Uncle Devin at Auntie Farrah nang nakaraan sa harap ng hapag-kainan. Hindi lang kasi ako masyadong nakapokus sa kanilang usapan dahil abala ako sa pag-ubos ng pagkain sa plato. Hindi ko tipo ang mga ulam kasi nang nakaraan, masasarap oo ngunit ayaw ng panlasa ko. Ayaw ko naman na isipin nila na nag-iinarte ako kaya sinikap kong kuma