Wind's POV “Where are you, Cresia? Please come back home…come back to me, baby…please…” I whispered before drifting to sleep. Naramdaman ko pa ang dalawang butil ng luha na kumawala sa mga mata ko bago ako tuluyang nahimbing sa pagtulog. Lasing na lasing na naman ako at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung umabot ba ako sa kwarto ko o hindi para matulog o baka sa labas na naman ako ng bahay inabutan at natulog na rito. Ang gusto ko lang mangyari ay itulog ang lungkot na bumabalot sa puso ko. Naglasing ako para saglit na kalimutan ang sakit at pait na sumasakal sa puso ko. I missed her so much. Ikamamatay ko ang mga araw na hindi ko siya makita. Ikamamatay ko dahil sobra akong nangungulila sa kaniya. Hindi na ako makapag-concentrate sa trabaho dahil kung hindi ako late